Ang sarap pa-bitinin dun sa string na hinahatak para tumigil ‘yung jeep! Pahabol pa nga pala ‘yung mga pa-side view umupo, sana pang-dalawang tao na lang binayad ‘di ba?
Tuesday, December 27, 2011
Minsan nang sumagi sa isip kong batuhin ng coins ‘yung mga nagmamaganda sa jeep.
Tuesday, December 20, 2011
Simbang Check In!
Hanep ibang iba na talaga ang teknolohiya ngayon at ang mga kabataan ngayon. Dati kung ang mga simbang tab.. gabi eh talagang pure na simba lang, aba sosyal ngayon! At may mga makikita ka na sa mga Social Networking Sites na nag Check-In pa ha! Magsisimba na lang. Ang kulit lang tipong
Pero sabi nga ng isa kong idolo rin dito eh hindi naman natin sila masisisi, kahit naman siguro ikaw mismo, gusto mong ipakita na banal ka, kahit na napipilitan ka lang minsan. Parang formality, masabi mong nagsisimba ka, kahit na nawawala na yung sakramento ng pagsisimba eh sige pa rin. At least nag effort ka, at alam mo naman sa sarili mo yung ginagawa mo eh. Kung sino ang niloloko mo.
Puyat pa ako! - At Quiapo Church
Ang tagal naman ni Loves! - At Sto. Domingo Church
Im with my barkada, after magsimba tambay starbucks later! You know, drink some coffee, read some book with my barkada. Syempre, puyat, i need to make gising na eh - At Barasoain Church.
<Insert Church Image Here> - via instagram
Pero sabi nga ng isa kong idolo rin dito eh hindi naman natin sila masisisi, kahit naman siguro ikaw mismo, gusto mong ipakita na banal ka, kahit na napipilitan ka lang minsan. Parang formality, masabi mong nagsisimba ka, kahit na nawawala na yung sakramento ng pagsisimba eh sige pa rin. At least nag effort ka, at alam mo naman sa sarili mo yung ginagawa mo eh. Kung sino ang niloloko mo.
Sino may sabing hindi natin kailangan ng Math sa Buhay?
- Nandyan ang SLOPES ng problema sa Buhay.
- Mga X na pilit tayong sinasaktan, at yung hindi mawala walang Y’s ng ating mga kaibigan.
- Minsan ang tadhana natin sa kanila eh maaring mag Intersect.
- Dapat sa pag-ibig alam mo ang distributive property. Para hindi ka nasasaktan at hindi mo nilalahat ang pag-ibig mo sa kanya.
- Sa samahan niyong pagkakaibigan hindi mo alam kung anong degree na ba ang friendship niyo, kung ready to the next level na ba o hindi pa.
- Minsan unfair ang love, laging may inequality.
- Si GOD dapat ang MIDPOINT ng relasyon niyo.
- Think POSITIVE lagi dapat, walang magagawang mabuti ang pag-iisip ng mga NEGATIVE na bagay.
- May POWER kang natatangi sa buhay mo, may sarili kang kalakasan, gamitin mo ito para sa iyong kahinaan.
- Lahat ng problema ay may SOLUTION.
- Natuto tayo mag PROVE at mag ASSUME.
- At ang lovelife, madalas ZERO.
- Pag RATIONAL ka, reasons ang ginagamit mo at hindi senses lang.
- Maganda ang POINT ng sinulat ko diba?
Monday, December 19, 2011
At least sila meron. Ikaw wala.
May mga pagkakataon sa buhay ng isang tao na manlalait siya ng mga relasyon, mga taong nakikita niya sa mall, sa palengke, sa village niyo o kahit saan pa man na may nakikita kang magkasintahan na naglalakad.
Hinuhusgahan mo sila ayon sa itsura. Yung mga jejemon na nakikita mo sa mall na sobra makaakbay sa mga kani kanilang shota. Mga matatanda na daig pa ang mga bata makipag PDA sa mga Mall. Pero mas tanggap naman ng lipunan ang mga matatandang sobrang sweet, dahil bihira na ang ganun ngayon.
Minsan pa nga kapag mukhang katulong yung babae, sinasabi mo dayoff. Taos huhusgahan mo din ang kasama niya na maaring security guard o construction worker naman.
At least meron sila yung tinatawag na tunay na pagmamahal, yung tunay na pag-ibig ika nga, yung hindi nila iniinda kung ano at sino sila, yung pinapahiwatig lang nila eh yung pagmamahal. Nararamdaman nila sa isat-isa yun. Kung tutuusin wala naman talagang panget na magkarelasyon. Patuloy na ang nag-iisip lang nito eh ang mga mapagkutyang tao, mga tao na walang ginawa kundi manira maitaas lang ang sarili nila.
Kaya mga nananatiling single eh, sabagay.. Hindi nga naman natin masisisi, malay mo ilang beses ng niloko ng kasintahan, malay mo puro palpak na lang ang pinasok na relasyon dahil ang gusto ko eh yung magandang bebot o isang mala Piolo Pascual na Chikboy. Ayan kaya sa huli iniiwan, niloloko, umaasa, pinapaasa.
Di tulad ng mga nilalait mo sa mall, dinaig ka nila sa diskarte, dinaig ka ng mga jejemon na inaasar mo, Bakit? Eh malakas loob nila e. Kanya kanyang swerte ika nga. Kanya kanyang bola ng kapalaran.
Kahit anong pang lalait pa yan sa kanila, at least sila meron.. Ikaw wala :)
Sunday, December 18, 2011
If I'm not an Engineer, I would be a...
If I'm not an Engineer, I would be a Pianist ;)
ayan ung sinabi famous line ng kaibigan ko .. pero ang sagot ko sa tanong na yan..
If I'm not an Engineer, I would be a Writer ;)
Bakit gusto ko maging writer kung sakali hindi ako Engineer?.. iba ang pakiramdam pag nag susulat . lahat ng nasa utak mo ma sasabi mo.. parang eto ung naging escape ko sa realidad kapag masaya o malungkot ako.. simple lang ang gusto ko maramdaman ng bumabasa ng blog post ko. ung makita nila kung ano ang pananaw ko sa buhay. kung pano ko tignan ang bawat angulo ng problema. lagi ko sinasabi sa sarili ko.
"Masyado ma-iksi ang buhay para maging malungkot. at hindi tayo habang buhay nandito kaya gawin natin ang makakapag pasaya sa mga taong mahal natin."
Tandaan mo iba't iba ang kakayahan ng mga tao. Ibang pananaw nila. Ibang paniniwala. na dapat natin respetuhin at intindihin kasi. Sa mundo ito kahit mag paka totoo ka. Huhusgahan ka.., At least alam mo sa sarili mo kung pano maging ikaw na walang tinatapakan ibang tao.. Diba?

Hindi mahalaga sakin kung my nag babasa or wala. at pag dumating ung panahon na wala na ako dito sa mundo at least my ma iiwan ako. na pwede nila basahin pag wala sila magawa habang nag facebook. hahaha.. biro langWala ako istilo sa pag susulat basta ang gaan kasi sa pakiramdam pag nasasabi mo ung ingay sa utak mo ng wala masyado humuhusga agad. oo takot ako ma husgahan dahil takot ako ma kumpara sa iba. hindi dahil sa insecure ako.. dumadating kasi sa punto ng tao na hindi na kuntento sa mga natatamasan nila kaya, aun nag hahangad tayo ng mas mataas pa.. pero hindi ba mas masaya pag simple lang wala arte sa buhay. wala reklamo. wala ingitan. ung wala gusto malalamangan..parang coke SAKTO lang.. haha korni.
Tandaan mo iba't iba ang kakayahan ng mga tao. Ibang pananaw nila. Ibang paniniwala. na dapat natin respetuhin at intindihin kasi. Sa mundo ito kahit mag paka totoo ka. Huhusgahan ka.., At least alam mo sa sarili mo kung pano maging ikaw na walang tinatapakan ibang tao.. Diba?
To all my INAANAK
Requirements to claim your gift:
*No Proxies when passing the requirements.
*No alalays when claiming.
*Please pass these on or before December 24, 2011
*Incomplete requirements = NO GIFT
*Late submission of requirement = NO GIFT din
- Original copy of your baptismal certificate.
- Certified TRUE and ORIGINAL copy of your birth certificate. (NSO-Yellow)
- NBI Clearance of your Parents
- Baptismal Picture of you and me
- Exact time, date and location of your Baptismal.
- What was the first gift that I have given you.
- Barangay clearance
- A 15-minute talent presentation (preferably acrobatic stunts). Sige na nga baka sabihin nyo hindi ako considerate kahit i-CD nyo na lang (ala-Showtime)
*No Proxies when passing the requirements.
*No alalays when claiming.
*Please pass these on or before December 24, 2011
*Incomplete requirements = NO GIFT
*Late submission of requirement = NO GIFT din
Wrestling = Soap Opera for Boys.
Alam naman nating lahat na Scripted ang Wrestling, sobrang naloko ang kabataan natin dahil talagang pinaglalaban pa natin na hindi scripted ito, sobrang naapektuhan tayo dati kung sino ang mananalo, tapos sobrang natutuwa at naaastigan tayo kay Undertaker dahil nabubuhay siya pagkatapos niyang mamatay at higit sa lahat pumuputi ang mata niya.
Nakakamiss yung mga pumanaw na, sila Eddie, Chris Benoit tska si Ultimate Warrior.
Gusto rin natin laging nakikita si The Rock, Batista, Triple H, Stone Cold at marami pang iba. Nagagalit tayo madalas kapag may masamang Wrestler na maghahampas ng Steel Chair sa bida. Still undefeated pa rin pala si Undertaker sa Wrestlemania after niyang ma Tombstone ng isang beses ni Triple H at tatlong pedigree, siya pa rin ang nanalo. Dahil sa Submission.
Nakakatuwa na hanggang ngayon eh sinusubaybayan pa rin ito ng karamihan, alam naman kasi natin ang trip ng mga lalake, kakaiba talaga. Nakakatuwa pa rin na kahit may UFC na at MMA eh patuloy pa ring tinatangkilik ang World Wrestling Entertainment.

Saturday, December 17, 2011
Use your Words Wisely.
Lahat ng BABAE manloloko.Bakit hindi mo na lang gawin na lahat ng TAO manloloko?
Lahat ng LALAKE manloloko.
Ganun din eh, parehas lang din may magagalit kapag nilalahat mo ito. Bakit hindi mo na lang pangalanan. Kunwari
SI Juan ay manloloko.Parang ganyan, dapat safe tayo sa mga sinasabi natin, maaring sa atin yan pero dapat sensitive rin tayo kahit papano sa mga nakapaligid satin.
Si Dolor ay manloloko.
Katulad ng
Dapat sa BABAE minamahal.
Paano ang lalake? Dapat minamahal din dapat diba?
Dapat palitan ito ng
Dapat ang TAO minamahal.O diba? Safe at in general ka magsalita? Sa paraang yan matutuwa palagi ang tao sayo. Tipong neutral ka sa mga bagay bagay na nakapaligid sayo. Lumalabas na nagpapaliwanag ka lang, at hindi nagpapatama kung kahit na kanino.
Kaya hindi matapos tapos ang gender war eh, dapat lahatin na lang. Ganun din naman eh, walangya. O kaya para safe ka lagyan mo ng
Yung ibang lalake.Yung ibang babae.
Kung medyo may pagka gender hater ka talaga.
Pero iba talaga kapag Tao ang nilagay mo, pwede lahat
Girl Boy Bi Tomboy.
Edi ang saya ng ating society diba?
Taong kwarto ka rin ba?
Yung ang mundo mo eh umiikot sa loob ng kwarto, lalo na kapag may laptop ka or sariling desktop sa loob ng kwarto. Para bang napakaliit ng bahay mo dahil dun ka lang nakapirmi. Ok din kasi mag-isa minsan sa kwarto eh, nandun lahat ng privacy mo, lahat ng bagay na ginagawa mo eh maluwag mong nagagawa dahil nga walang nakatingin, walang nakikinig, sarili mong mundo. Ikaw ang boss, ikaw ang masusunod. Dito rin nakakapag-aral ng maayos. Onting soundtrip galing internet, o kaya naman galing mp3 player tapos may maliit na speaker eh may mahihiling ka pa ba?
Minsan masarap makipagusap kapag nasa loob ka lang ng kwarto, maari mong lambingin yung kinakausap mo, pwede ka mag open ng kahit na ano. Basta masaya kapag may sariling kwarto.
May mga tao rin naman na ang buhay eh nasa sala. Dahil nandun ang computer, dun na umiikot ang mundo niya, doon na siya nanunuod ng TV, dahil malapit din sa mesa doon na rin siya kumukuha ng pagkain at ginagawang Dining Table ang Computer Table.
Maiisip mo na ang swerte mo no? Dahil yung ibang tao nga walang matirhan, tapos ikaw eh pa petiks petiks lang sa loob ng kwarto mo.

Friday, December 16, 2011
A sorry loss.
May syndrome talaga ‘yung Ginebra na ‘pagka lumalamang nahahabol sa iba’t-ibang dahilan. Maaring dahil kumakampante o hindi lang talaga umaayon ang tadhana. Masakit isiping lamang at ang ganda ng laro sa loob ng tatlo’t kalahating quarters pero pagdating sa final push eh nawawala ang composure.
Halos mapatid ang litid ko sa kakatili nung napasok ni W. Wilson ‘yung Tsamba kuha sabay na-shoot shot pero ganun talaga. Bilog ang bola. It was a nice game for the Elasto Painters. I’m feeling na magba-bounce back ng matindi ang Ginebra.
May injury si Intal, Wala si Tubid, Palpak ang FTs ni Villanueva, Poor choice of shots, Nawalan ng ball movement, Defense Collapsed. Masakit man, kailangan tanggapin. NEVER SAY DIE. Ginebra pa rin.

Sulat ng taong In-love at baliw na baliw na.
Kamusta aking Irog?
Ay naku!! Gigil na gigil ako sayo! Gusto kong kurutin ang pisngi mo dahil sobrang cute mo, tapos nakakatuwa ang iyong tinig, para bang isang anghel na kumakanta mula sa langit. Para bang isang rosas na hindi malanta lanta dahil punong puno ng buhay. Isang emoticon na kulay dilaw na may kasamang pula na may hawak-hawak at tinitibok na puso. Isang emoticon na sobrang saya.
Nakakabaliw ka! Nakakamiss ka kahit araw-araw kitang nakakausap at nakakasama sa twina. Sana palagi ka lang nandiyan para sa akin, ganito pala ang inlove talaga, ganito pala! Giliw na giliw ako sayo aking sinta! Sana ay mapansin na ang mga twina, hindi na kailangan kunin ang buwan at bituin, ang mahalaga ikaw ay malapit sa akin. Daig ang ningning ni Sharon Cuneta, All time season kitang mamahalin tulad ni Tita Vilma!
Isang matinding pusong sobrang naguumapaw, isang pusong masaya, isang pusong nabuhayan!! Kagigil! Hayyy!! Gusto kita kausapin parati! Huwag kang magsasawa, huwag kang maiinis! Dahil damdamin ay hindi mabatak pabalik, nangunguna, malakas ang tibok! Hindi maipaliwanag! Isa na ata akong superhero sa nararamdaman kong ito!
Tatapusin ang sulat na ito ng nakangiti, dadalhin ang ningning sa iyong mga labi, pakiramdam ko ako ay lumilipad, ayaw ko ng bumaba, ako ay tunaw sa tingin ng iyong mga mata, nauutal sa ngiti mong makulit!
Ayyy!! Yiieeee!! Kagigil!

Thursday, December 15, 2011
nawalan ka. isipin mo nakatulong ka
My day Start with a little off.. i was engage with the fact i was going with emotional distress.. i was forced to summoned to be happy and smile for once in a while to start a day..
my office hours went smooth just like normal office girl. never the less that i wont deny that my heart is seeking for calmness.
i just want to rescue from my burden. i want to felt to be secured. for once in a while i just want to feel being cared to i want to ease the agony from my personal hell ..
teka teka! anu ba sinasabi ko.. nanaginip ata ako. akala ko ako isa ako author ng sikat na novel. na my nag eemo na babae at nag hihintay sa price charming niya vampira..
pero seryoso.. kanina sa sobrang puyat ko.. or pagod siguro.. nakatulog ako sa van.. tapos pag gising ko wala na ung wallet ko.. syempre nag lumo ako.. mga katas ng pinag hirapan ko.. hindi ko nman pansin dahil van un. mas safe kesa sa pampasaherong bus. pero hindi.. akala ko lang un..
PANU KUNG:
PANU KUNG!
nag liwaliw muna ako sa greenbelt
nag shopping sa landmark,,
kumain muna sa glorietta
at hindi umuwi ng ma aga kasi wala ako aantayin para kasabay umuwi,,
edi sana hindi ako nakuhaan..
pero destiny na siguro ito.. iniisip ko na lang.. talaga na ngaylangan ung kumuha.. malay natin sa maganda nman mapunta.. oh diba.. nakatulong pa...
sa buhay ngaun.. depende. kung panu natin gagawin maganda ang outcome ng isang negatibong pang-yayari.. kung pano tayo makakabangon sa bawat pag subok..

Wala sa Gulay ang Buhay.
Hindi talaga natin alam kung kelan tayo kukunin, maaring bukas, maaring mamaya ( wag naman sana ), sa isang araw o sa mga susunod na taon. Sabi nga “Wala sa Gulay ang Buhay” tama nga naman.Tulad nung nananahimik ka lang sa bahay niyo tapos bigla kang bagsakan ng eroplano at dun mag aircrash sa bubungan niyo, sa tingin mo ba may kawala ka? Yun nga na nananahimik lang eh namatay yun pa kayang mahilig kang umalis ng bahay o kaya isa ka sa mga taong mabisyo?
Sabi sakin na yun na yun eh, wala ka ng magagawa, kapag nangyari na eh nangyari na, yun ang paraan paano ka niya kukunin, yun ang nakasulat at yun ang tinatawag mong destiny sa buhay eh.
Kung malakas ang faith mo, maniniwala kang pinahiram lang sa atin ito. Malay mo sa oras na kunin ka eh may bagong paghihiraman naman ito. Ganyan eh, ganyan talaga. Wala sa Gulay ang Buhay.
Kaya dapat mag enjoy sa buhay, hindi dapat basta basta nalulungkot na lang. Sobrang ikli ng buhay para sa atin. Dapat i cherish at enjoyin talaga dapat. Napakalaki ng potential sa mundong ito.

Simbang Gabi
Di ko alam kung dapat bang bumilib ako sa mga bagets na alam kong hindi naman talaga simba ang binabalak kundi ang pumorma at makipag date sa loob ng simbahan. Pero masisisi mo ba talaga sila kasi kahit papano eh gumising sila ng umaga para lang makasama ang mahal nila sa buhay?
Depende yan eh,
May mga simbang tabi, magpapaalam na magsisimba yun pala diretso mall na.
Maraming motibo, hindi mo alam kung balak talaga nilang kumpletuhin ang simba o para lang ito sa mga kasama nilang magsisimba.
May mga taong bilib rin ako, yung mag-isa silang pumupunta ng simbahan, para magsimba lang, para kumpletuhin ang simbang gabi at umaasang matupad ang kanilang mga hiling.
Kanya kanyang trip, kanya kanyang motibo. Basta ang mahalaga hindi mawawala ang espiritu ng simba sa atin at lalo na ang pasko.

Wednesday, December 14, 2011
Iba ang simple
Mababaw lang naman ako at hindi talaga inclined sa pagiging fashionista. Syempre, mahalaga maging presentable pero hindi naman kailangang lagi kang bihis na bihis na akala mo may gala o photoshoot kang pupuntahan. Simpleng t-shirt na masarap sa balat ang tela at presko, hindi lukot at trip ko talaga ang disenyo tas ternuhan mo pa ng maong na swabe at bestfriend ng paa ng rubber shoes/tsinelas na matatag eh solve na ‘yun pang-mall o pang-gala kung saan.
Ayoko nung marami pang abubot na ikakabit sa katawan at aabutin ka ng dalawang oras sa kakapamili ng match na outfit eh d’yan ka lang sa palengke o sa pinakamalapit na mall pupunta. Dyahe kasi ‘yung ganung tipo. Ubos oras. Hindi lang naman ikaw ang titignan sa mall.

Parang algebra lang yan. iba at angat ang itsura kapag nasa simplest possible form..
Pampalubag Loob.
- No offense - pero naka offend na ng sobra. Nilait ka na, sinabi na ng husto ang reaksyon niya.
- Hindi naman sa nangengealam - pero sobra sobra na ang pangingi-alam. Halos lahat na eh pinansin sayo.
- Hindi naman sa nagmamayabang - iniyabang na ang lahat lahat. Kulang na lang eh magkaroon ng bagyo sa sobrang kahanginan niya.
- Hindi naman sa pagkukumpara ha? - pero ang dami na niyang sinabi na kung ano anong pinagka iba sa inyong dalawa.
- Mawalang galang na po - pero babastusin ka na ng tuluyan
Monday, December 12, 2011
Iba talaga kapag artista
Iba eh, dapat talented ka. Yung ibang pinaparating na pagka talented yung tipong hindi naman marunong kumanta eh pinapakanta. Iba talaga eh sobrang entertainer ng dating nila. Dalawa lang naman ito, ma entertain mo sila kung maganda ang boses mo o kaya naman ma entertain mo sila dahil panget ang boses mo. Ang mahalaga artista ka, audience sila at may ratings. Solb na!
Tulad rin sa pag arte may mga taong may itsura lang pero hindi naman magaling umarte. Akala mo kasali sa video ni Lady Gaga na poker face kung mga umarte. Mga walang emosyon, halatang hindi pa sanay. Halatang basta binunot lang sa mga talent search o kaya naman may itsura lang kaya ang inisip ng management eh ” Ayos na yan, ratings din yan “.
Iba talaga kapag artistahin ang mukha, tipong kahit hindi magaling eh laging napapansin, maraming tumatangkilik. Kahit na ramdam mo na walang kwenta, basta may itsura eh sige lang, anong magagawa mo? May manager ka eh, may fans, palagi silang na kyukyutan, naastigan sa itsura pero hindi nagagalingan. Ganun naman madalas ang industriya. Kung ano ang sabihin nito sayo eh dapat mong gawin. Kakanta ka ng LIVE sa audience pero lipsync lang pala ito? Ano yun? Naging komedyante ka na lang sana dahil ang galing mong mag joke.

Saturday, December 10, 2011
TULOY TULOY LANG ! hala BASA !
eto na po yung kasunod !
“FLOWER SHOP”
flowers has plenty of emotions to symbolize
beautiful things that you can easily recognize
from love to sadness and everything in between
you might ask such beauty, “where have you been?”
a red rose has been considered to show love
and some girls find it, a very passionate gift to have
because for them that’d be very romantic
and they’d find you very attractive
a flower can sometimes express sadness
especially those compassionate white roses
these roses are considered to signify sympathy
to show respect to the dead to at least make them happy
there you see, some of the emotions a flower can express
there’s plenty more, and you might know the rest
so if you love someone give them red roses today
cos it’ll be sad to give them white roses someday
hahha may title yan ahahha… kaya yun napili ko title dahil this poem was inspired by the flower shops that i saw while im on my way to manila… hahha sanay nagustuhan nyo !

Monday, December 5, 2011
Ako pauwi na, yung mga bata namamalimos pa sa daan.
Nakakalungkot tignan ang mga batang ito, sino pa ba? Edi yung mga pulubi sa daan, mga batang kalye, mga batang nakatambay sa overpass kahit na medyo masama ang ugali nila sa paghingi ng pera sayo, wala eh, wala kang magagawa kundi intindihin ang mga ito. Una mo kasing tatangungin dapat sa sarili mo, nag-aaral ba sila? May gabay ba sila ng magulang nila sa edad nila na iyon? Saan ba sila lumaki? Sa kalsada na diba? Kaya di mo masisi bakit ganun ang ugali nila.
Nakakalungkot lang na dis oras na ng gabi eh nasa daan pa rin sila. Namamalimos, naghahanap ng makakain, halatang walang magawa, kaya naglalaro na lang sila sa lansangan, overpass, pati na rin kung saan dumadaan ang mga sasakyan.
Minsan labag pa sa kalooban mo na abutan sila ng pera, hindi mo naman kasi alam kung ano ang bibilhin nila doon. Baka Rugby? O maaring ibigay rin sa magulang nila, para saan? Pang bili ng pagkain? O baka naman pang tong-its ni Nanay o kaya naman pambili ng Alak ni Tatay.
Di tulad nung ibang kabataan na may pera ang magulang, nakakapag-aral din naman pero bakit ganun ugali nila? Ugaling kalye.
Basta, nakakalulungkot, dapat nagpapasalamat ka hindi ka ganun. Wala ka sa daan ngayon, may maayos kang damit, nakakapag-aral ka at kung ano ano pang biyaya ang meron ka ngayon. Nakakalungkot lang talaga ang kanilang sinapit, minsan na nga lang mabubuhay sa mundo ganung buhay pa ang naranasan nila

Labels:
Mga nakapaligid sayo
Sunday, December 4, 2011
kung wala kayo masyado magawa. bisitahin niyo sila.. :)

Cuteberl’s World: Panibagong Simula
Debris of My Past
My little web playground
Opinions by Flow Galindez
Staedler
The Googly Gooeys
The Musings of a Hopeful Pecunious Wordsmith – SittieCates
Yoshke.com – Blogging at the Speed of Life
At syempre ung winner nasi The Culture Shack: "2011 Philippine Blog Awards Best Personal Blog and Readers' Choice Award"
The Culture Shack: The Culture Shack is the 2011 Philippine Blog Awar...: We've seen rock stars do it in concerts. As a song progresses to its resplendent chorus, someone high-voltage like Mick Jagger or Chester ...
Yey! salamat sa mga organizer ng Philippine Blog Awards sa oportunidad..

You want something. Go get it. Period.
Napanuod mo siguro itong movie na "The Pursuit of Happiness" Isa sa mga magagandang inspirational movie na napanuod ko base sa real life story ni Sir Chris Garner na ginampanan ng respetado actor na si Will Smith..
tama dahil dito sa mundo natin ng mapanghusga na dinidikta ng mga mata. Para sa kanila hindi sapat ang simple bagay lang. my punto na minsan ma-ihahalintulad ka sa ibang tao at pag un nangyari itatak mo ito sa puso mo ang bawat linya na ito. "Don't let somebody tell you cant do something, you got a dream you have to protect it"
sa bawat pag subok sa buhay tandaan lagi mag dasal lugi ka kung mag titiwala ka sa sarili mo. mag tiwala sa Panginoon dahil Alam mo kung gaano kalakas si Lord? Sa dinami-dami ng problema sa mundo, kinaya Niya lahat kahit hindi ka tumulong. Wala pa sa usapan kung pano ka Niya binubuhat papalayo sa kasamaan.
Friday, December 2, 2011
Finalists for Personal/Diary Category – Luzon Level
"Finalists for Personal/Diary Category – Luzon Level"
ang sarap basahin.. pero masaya na ako kasi pakiramdam ko na nalo na ako. ung makabilang sa hanay ng mga respetado bloggers dito sa bansa natin, aun eh malaki karangalan para sakin. ngaun pa lang parang nanalo na ako! salamat! salamat sa walang humpay na suporta sa mga nag babasa ng ingay ng utak ko.. hindi ko matatamo ito kung hindi dahil sa inyo.. mas lalo ako na inspire mag sulat!

Saturday, November 26, 2011
Para sa kanya..
Ano kaya ang mangyayari sa akin sa mga susunod na taon? Kailangan ko lang namang maging Engineer. After non? Gusto ko muna mag work sa isang company or firm tapos mag masters din ako. Gusto ko din pag sabayin ang pagtuturo at pagtatrabaho (weh? gusto ko lang try mag turo) hahaha.. Ang dami ko kasing balak na mangyari sa buhay ko. Gusto ko pumunta sa iba’t ibang lugar. Gusto ko libutin at magbakasyon kasama si Phiwee.
Sabi ko pa sa kanya, aanhin mo lahat ng magiging success sa buhay kung wala naman ako sayo para uwian mo? Isa din ‘yun sa mga na realize ko nung nag aaral ako. ‘Wag na ‘wag ko daw isasara ang puso ko sa pagma-mahal kahit nagaaral pa lang ako. Madalas kasi sabihin ng mga matatanda sa atin na unahin muna ang pag-aaral bago ang pag ibig. Tama nga naman sila doon pero wala naman akong nakikitang masama kung pagsasabayin mo ‘yung dalawa, siyempre dapat marunong ka mag balanse. Meron kasing mga tao na career first before anything.
‘Yung mga tipong ayaw ma in love hanggat di pa sila nagiging successful. ‘Di naman sa hinuhusgahan ko ‘yung desisyon nila. Buhay nila ‘yun at wala ako sa lugar para sabihin ko sa kanila kung ano ang dapat nilang gawin o hindi. Pero na realize ko lang na aanhin ko nga ang success kung wala naman akong taong pagaalayan ng lahat ng ‘to? Sige, given na para nga sa pamilya natin ang lahat ng ginagawa natin pero naisip mo ba na kailangan ding dumating sa point na may sarili ka ng pamilyang uuwian?
Siyempre ‘yung iba sasabihin “MAY TAMANG ORAS PARA DIYAN”. Oo meron nga, pero paano kung nasanay ka na mag isa? Ang lungkot lang noon. Sabi ko nga sa sarili ko, kahit ma delay pa ‘yung success ko sa buhay basta kasama ko si Phiwee. ‘Di ko kailangan ng sobrang achievement sa buhay. Baliwala din naman kasi lahat ng ‘yun kung hindi ko kasama ang taong mahal ko. Gusto ko kasi si Phiwee na talaga, ayoko na sa iba. Hindi ko na nga nakikita ‘yung sarili ko na magkakaroon pa ako ng ibang karelasyon. Okay na ako. Kuntento na ako sa kanya, wala na din naman akong hahanapin pa.
Sana lang talaga matupad ko lahat ng pangarap ko hindi lang para sa sarili at pamilya ko kung hindi para na din sa amin ni Phiwee. Kahit ano mang mangyari sa akin sa mga susunod na taon; mahirap man o masaya, basta alam kong kasama ko si Phiwee at nandun pa din ‘yung pagmamahal namin sa isa’t isa, hindi ako susuko.

Thursday, November 24, 2011
Maraming tanong na hindi malaman laman ang sagot.
- Eh yung salitang AALIS na AKO. Kelan ka aalis? Kapag late ka na? Kapag andun na mga kasama mo? Gusto mo ba yung hinihintay ka nila? Tapos pinag uusapan ka nila na pa importante ka? Huwag ganun.
- Eh yung salitang PATAWAD? Hanggang kailan ka maniniwala? Eh kung paulit ulit naman niyang ginagawa? Kapag sobrang naging tanga ka na sa kanya? Tska mo malalaman na pinagtritripan at niloloko ka na pala.
- Eh ano ibig sabihin ng HINDI NA UULITIN tapos INULIT ULI? Hindi ba paulit-ulit ka lang na ginagago ng taong mahal mo? Kelan ka matututo? Kelan mo aalisin ang pagka martyr? Hirap sayo, sinaktan ka na eh sige ka pa.
- Eh yung salitang Mahal kita? Kelan mo masasabi sa taong gusto mo yun? Kapag meron na bagong nanliligaw sa kanya? Sa tagal mong binakuran yan eh hahayaan mo lang mapikot ng iba?
- Yung salitang move on kaya? Hanggang kelan? Saan ka titigil? Kapag masaya ka na? O kapag nagkaroon na siya ng iba? O kapag natanggap mo na wala na kayo talaga?
- Eh yung salitang BALANG ARAW? Kailan kaya yung araw na yun kapag sinabi yun? Bukas? Sa isang buwan? Taon? Dekada? Susunod na pagkabuhay kung kelan naging ipis ka na? Maraming pwedeng paglagyan ng salitang balang araw.
- Eh yung salitang Bahala na? Sino na naman ang gagawa niyan? Si Batman na lang na laging tinatapunan ng bahala? Siguro nagtatampo ngayon si Batman, dahil sa hindi man lang naipaglaban ng tao yung ipinaglalaban niya at iniwan na lang ang problema na ito sa kanya.
Saturday, November 19, 2011
Kasintahan
Ang pag tingin ko sa iyo'y wagas
Kahit saan ika'y ililigtas
Aplas sa'kin ng 'yong mga kamay
Kasing lambot ng ulap na kumakaway
Nagkakawat sa aking isipan
Busilak na iyong katauhan
Hindi ko maiwasang tumingin
Sa'yong matang may tulis ng bituin
Hinihiling ko sa may kapal
Na ika'y maging kasintahan
Kahit saan ika'y aking papakasalan
Sa'yo lang ako, saksi ang mundo
Sana'y mabatid na ito'y totoo
Huwag kang mangamba aking sinta
Lahat nang ito'y para sating dalawa
Sa t'wing naka ngiti ang 'yong labi
Damdamin ko'y nawawala ang hapdi
Ang kutis mong liwanag sa gabi
Animo'y perlas ng bahag-hari
Sa'yo lang ako, saksi ang mundo
Sana'y mabatid na ito'y totoo
Huwag kang mangamba aking sinta
Lahat nang ito'y para sating dalawa
Kahit saan ika'y ililigtas
Aplas sa'kin ng 'yong mga kamay
Kasing lambot ng ulap na kumakaway
Nagkakawat sa aking isipan
Busilak na iyong katauhan
Hindi ko maiwasang tumingin
Sa'yong matang may tulis ng bituin
Hinihiling ko sa may kapal
Na ika'y maging kasintahan
Kahit saan ika'y aking papakasalan
Sa'yo lang ako, saksi ang mundo
Sana'y mabatid na ito'y totoo
Huwag kang mangamba aking sinta
Lahat nang ito'y para sating dalawa
Sa t'wing naka ngiti ang 'yong labi
Damdamin ko'y nawawala ang hapdi
Ang kutis mong liwanag sa gabi
Animo'y perlas ng bahag-hari
Sa'yo lang ako, saksi ang mundo
Sana'y mabatid na ito'y totoo
Huwag kang mangamba aking sinta
Lahat nang ito'y para sating dalawa
Wednesday, November 16, 2011
Panlabas na anyo lang 'yan
Para sa akin hindi importrante kung hindi ganong kagandahan o kagwapuhan ang isang tao. Kung baga sabi nga nila aanhin mo naman ‘yun kung wala kang magandang ugali di ba? Aanhin mo ang magandang hitsura kung wala ka namang pinagaralan umasta o sabihin nanating low-IQ.
Useless lahat ng ‘yan, kung baga eh pang front ka lang hanggang pa pogi o nag mamaganda lang. Napansin ko lang kasi sa ibang tao na hindi sila satisfied sa mga hitsura nila. Lagi nilang sinasabi na sana maganda / gwapo din ako, para naman may magkagusto sa akin o kaya naman para hindi ako nahihiyang humarap sa tao. Ang baba ng tingin nila sa sarili nila. Eh ano naman kung di ka nga kagandahan o kagwapuhan? Kung meron ka namang magandang puso, at matalino ka, sapat na ‘yun para maging proud ka sa sarili mo.
Isa pa, basta ba magaling ka manamit or kahit di ka ganong kagaling at least malinis ka manamit, mabango ka at kaaya-aya sa paningin. Presentable ka, at sa kahit na sinong tao ka ipakilala, taas noo kang haharap sa kanila.

Hindi naman kasi importante na dapat maputi ka maganda ka o gwapo ka, basta kaya mong iharap ang sarili mo sa ibang tao sapat na ‘yun. Kaya wag kang mahihiya, ipagmalaki mo kung sino ka, dahil wala kang katulad. Hanggat wala kang ginagawang masama o natatapakang ibang tao, wala ka dapat ikahiya maging ano man ang hitsura mo
Sunday, November 13, 2011
Buhay na puno ng Eksperimento
Ang buhay ay maaring madaan sa isang simpleng eksplanasyon na hindi na kailangan pang pahabain upang lubos na maintindihan. Isang simpleng parirala o pangungusap na madaling maintindihan. Para sa akin, ang buhay ay isang eksperimento. Saan? Sa ating sariling pagkatao. Eksperimento upang maunawaan natin kung ano ang mga bagay na kailangan nating pahalagahan at kung ano ang kailangang bitiwan gamit ang ating sariling utak at desisyon. Sa mundong ito, masasabi natin na lahat ay mahalaga. Pero, ano nga ba talaga ang buhay ng isang tao, ordinaryo man o hindi, mayaman man o mahirap.
Sa buhay ng tao, marami ang nararanasang problema, mga unos na dapat nating paglabanan. Ang mga pagsubok na ibinigay sa atin ng Diyos, na kailangan nating lampasan, na siya din namang nagpapalakas sa katatagan at pagkatao ng isang nilalang.
Marami nang kakaiba sa mundo ngayon. Maraming wirdo. Maraming mahirap intindihin. maraming mga taliwas sa nakikita at sa hindi. Maraming mga bagay na iba-iba ngunit kapag ating sinuri ay pareho lamang pala. Maraming akala mo ay totoo. Maraming totoo na mukha namang hindi. Marami kang makikitang hindi kapanipaniwala.
Oo, ang mundo, kung ating titingnan ay magulo, pero kung nanamnamin natin, tatanggapin, masaya naman talaga. Marami ang nagpapasaya sa iyo. Marami kang nakikitang nagugustuhan mo. Hindi man natin maintindihan ang ibang bagay alam mong ang mundo’y sadyang puno ng kulay.
Tulad ko, na minsan nang dumaan sa panahong gulong-gulo. Ayoko na, pero ginagawa ko. Masaya pero lumuluha. Nasasaktan pero laging nariyan. Matamlay pero laging nakaagapay. Ayaw maniwala pero sumusuporta. Malungkot pero nakangiti. Kontento pero kulang. Buhay pero tila walang bukas.
Natural siguro sa isang tao na dumaan sa buhay na naguguluhan ka sa katotohanan. Pagdaraanan at pagdaraanan ang kakaibang hanap sa tunay na pagkatao. Totoo ngang mahirap ang mga oras na ganito ngunit ang mahalaga matatag ang iyong paniniwala at alam mo ang lugar mo sa mundo. Hindi ka man maintindihan ng nakakarami ngunit alam mong may isang hindi ka iiwan, malimutan mo man minsan ang iyong sarili, babalik ka rin sa iyong pinanggalingan. Bagay na minsan ay labag sa iyong kalooban ngunit yan ang katotohanang na dapat isa loob mo dahil minsan bukod kay Bro, sarili mo lang ang tanging magiging kakampi at tagapagtanggol mo. At iyan ang buhay na puno ng eksperimento

Saturday, November 12, 2011
How to have a Relationship that Lasts:
wala sa mga ididiscuss ko ang mga tips, do’s and dont’s na gagawin ng mag nobyo’t mag nobya dahil kung irerely mo ang strength mo through human nature, trust me it’s never gonna work out.
First and the most important key that i wanna mention here is, building a relationship that is Godly centered. it might sound boring but really it doesn’t take 2 for a relationship to last it takes three. and thats between you, your partner and God.
I’ts important to trust one another it’s the greatest proof of love. hindi mo pwedeng sabihing may tiwala ka sa tao pero you would bombard his/her emails, text messages, facebook etc. cause really kung mahal ka ng partner mo he/she wouldn’t do bad things on you that’s why it’s important to be a God fearing person cause he/she will be mature enough to deal with things. and yes, privacy is important.
Healthy relationships have miscommunications, of course! package yun kumabaga you can’t love with happiness alone kasama dyan ang trials and problems but it all depends kung paano nyo ito idedeal.
how? in Bibles James 1:19 says Everyone should be quick to listen, slow to speak and slow to become angry. exactly, when arguments came, yung moment na talagang gusto mo ng sumigaw at pagbuhatan ng kamay yung partner mo come to think of this verse, calm down.
Ayan! na share ko na ang insight ko, i think this is the mature way to have a relationship that lasts at hindi yung mga nangaling lang sa knowledge ng mga tao. again, we should always put God in it.
Salamat,
Amanda

Usapang Puso
Friday, November 11, 2011
Takot mag Pasko mag-isa.
Maraming tao na naman ang namromroblema dahil darating na naman daw ang pasko na malamig sa kanila, pagkatapos nilang tirikan ng kandila noong nobyembre a uno eh ito namang pasko eh gusto atang tarakan ng Christmas lights ang kanilang mga puso para naman daw magka-ilaw ito.
Bakit nga kaya naging tradisyon ng ibang tao ang maghabol ng relasyon kapag mga ganitong araw? Dahil ba ito eh pagbibigay ng pagmamahalan? O kaya naman gustong i celebrate ang pasko na mas special? O mang huthot ng regalo sa nobyo? Pwede pwede diba?
Syempre mag babagong taon, bagong taon ng bagong buhay, bagong taon ng bagong ligaya, bagong taon na puno ng pangako, tapos darating ang araw na manlalamig na ulit sa isat-isa tapos mawawalan ulit ng nobyo tapos maaring magkabalikan ulit sa araw ng mga puso.
Ganyan yan eh, ganun kalupet, ganun katindi ang mga kabataan ngayon. Ano nga ba naman magagawa mo? Kesa iputok mo ng butsi yung kakulitan na ginagawa nila, eh bakit hindi ka nga rin naman maghanap tulad nila diba? At least sila na eenjoy ang buhay na maraming minamahal, kung kaya naman nilang sumaya ulit pagkatapos ng matinding problema, anong masama dun hindi ba?

Wednesday, November 9, 2011
This is an entry about love and I wrote it all by myself.
Commercial muna (wala ma isap na pamagat, dahil pinapa tulog na ako ng mahal ko inay,my pasok pa daw ako)tara game simulan na natin!
Bakit maraming hindi naayos na on-the-rocks na relasyon? ‘Yung tipong natutuluyan nang matapos.
Dahil ‘yan sa kakulangan niyo ng lakas umamin sa isa’t-isa. Kagaya na lang ng mga babaeng ang hilig gawing puzzled ang mga lalaki at mga lalaking ayaw ma-puzzle at nasasaktan din kaya hindi nagagawang ma-trace ang nais ipahiwatig na paglalambing ng mga babae.
Bukod sa gasgas na pagbibitiw ng desisyon sa isang temporary na damdamin eh isa pa sigurong dahilan ang masyadong pag-hangad ng idealistic na relasyon. Kung gusto mo ng ganun, isipin mo ng maiigi.. ni hindi mo nga alam kung anong nangyayari sa mga Happily ever after mong fancy, ‘di ba? Kung mga artista ngang akala mo perfect for each other na naghihiwalay pa eh.
Kung gusto mong magtagal, ipaglaban mo. Kung ayaw na nung isa, bitawan mo pansamantala. Kung napagtanto mong walang patutunguhan, pansamatagalan mong bitawan. If there’s a will, there’s a way!
Labels:
Usapang Puso
Ang mga noypi pagdating sa concerts
Basta kung ano lang ang sikat na kanta, 'yun ang siguradong kayang sabayan ng mga Pinoy pagdating sa concerts. Kung ano 'yung pumasok sa charts, kung ano 'yung napatugtog sa radyo at napalabas sa Myx, kung ano 'yung nauso at naging hit. Hindi tayo kagaya ng ibang lahi na pagka may nag-concert na foreign o mapa-lokal man, kabisado talaga nila MOST of the songs at hindi 'yung na-mainstream at over-played lang. Napapansin ko lang din kasi sa mga DVD ng concert ng ganto-ganyang banda na nag-to-tour around the world eh kabisado talaga ng mga audience 'yung kanta nung pinuntahan nilang artist. Nakakatuwa.
Hindi ko naman nilalahat ang mga Pinoy, alam kong meron pa ring faithful sa pagbili ng mga album/pag-download ng mga kanta at nagkakaron ng time para pakinggan ang bawat kanta nito, i-kritiko o i-appreciate at hindi basta i-skip lang ng i-skip kasi hindi nila alam at hindi sila interesado kasi hindi ito famous.
Ang isa pang nakakalungkot eh nakakabisado lang ng mga tao ang mga kanta pagka disbanded na o wala na o retired na ang mga artist/s. Ano pa kayang silbi nun? Well, siguro dun papasok 'yung better late than never. Kaya siguro pumupunta na lang dito karamihan ng mga musicians kapag marami na silang baong hits o kundiman pagka may mga edad na sila. Ang awkward lang din naman kasi, isa lang 'yung hit mo pagtapos 'yun lang din ang alam sabayan ng audience race mo. Mas nakakatuwang bumalik kung talagang inembrace nila ang music mo 'di ba? 'Yan ang hirap 'pagka nagsesettle na lang tayo sa medisina ng mainstream

Jokebox songs.
Temang baduy, makaluma, napaglipasan at masyadong madrama. Maraming negatibong impresyon ang kabataan sa mga kanta nina Claire Dela Fuente, Imelda Papin, Freddie Aguilar, ‘Yung kumanta ng “Napakasakit Kuya Eddie” tapos ‘yung “Bawal na gamot” at marami pang iba. Madalas ipang-joke time ‘tong mga ‘to at palit-palitan ang lyrics.
Siguro ‘yung tono o music lang ‘yung palya. Nag-iiba rin naman kasi ang taste ng bawat tao as time goes by, as it flies by. Kung dati, uso ‘yung mga ganun.. ngayon uso na ‘yung tsug-tsuku-pak na R&B tapos mga love songs na ni-revive lang naman nila nung 80’s at 90’s sa kapwa-OPM artist o sa forenjer na icon.
Actually, ‘yung lyrics nung mga kanta ng jukebox songs eh makatotohanan. In a sense na nagaganap talaga ‘yun sa totoong buhay, madaling makita lalo na sa henerasyon natin. Kagaya na lang nung Isang Linggong Pag-ibig na uso sa mga teenager na mapusok ngayon. ‘Yung bawal na gamot na halata mo namang pwedeng theme song ng mga Shabu addict, Chongke at Rugby Boys. ‘Yung kwento nung OFW sa napakasakit kuya Eddie.. ang daming ganun ngayon, mas dumami na rin kasi ang nagbabakasakali ng buhay sa ibang bansa pero ‘yung mga naiwan nila dito eh napapariwara. Ang pinaka-hindi nawala sa uso eh ‘yung Tukso dahil napakaraming nagkalat na polygamous ngayon.
Playlist ata ng kapit-bahay namin ‘tong mga nakasaad na kanta dito. Jukebox-an na!

Date a guy who.. Love a girl who.. Doctor who..
Sorry pero hindi ko talaga gaanong trip ‘yung mga ganyan. Feeling ko kasi dinidiktahan ako kahit hindi naman. Para bang saleslady na ino-offer ang isang magandang heels pero ang gusto ko talaga ay rubber shoes. Siguro ‘yung iba nakaka-relate dahil sila ay “A guy who../A girl who..” pero parang ang labo lang naman kasi noon.
Kahit pa anong biling ng utak mo, pag tinamaan ka ng magaling, hindi ka na titingin if “A guy..” or “A girl..” ‘Pag mahal mo, mahal mo. ‘Pagka gusto mong i-date, ide-date mo. Kahit pa si Piolo Pascual ‘yan kung ang trip mo naman eh ang mga gaya ni Ely Buendia hindi ka pa rin mabebentahan ng ideya.
Bawat tao ay may kanya-kanyang magugustuhan at mamahalin. Hindi dapat lagyan ng kategorya. Meron na ngang gwapo, maganda, matso, seksi, matalino, bobo, tanga, inutil dadagdagan niyo pa. Para lang ‘yang TUNAY NA LALAKE AT TUNAY NA BABAE. Lahat may say.

Sunday, November 6, 2011
Pwede mo akong palitan pero siguraduhin mong mas mahal mo siya sakin. Pwede mo akong iwan pero siguraduhin mong kaya mo. Kasi pag ako sobrang nasaktan, wala ka nang babalikan.-MandaPanda
Labels:
Usapang Puso
Saturday, November 5, 2011
Umiiyak ang isang tao dahil
- Kailangan niya ito - ang tinutukoy ko dito ay ang mga artista, umiiyak sila para kumita ng pera, kailangan nila umiyak para umarte at magustuhan ng tao sa mga telebisyon.
- Napamahal ang tao sa kanya - ito yung mga taong nagmahal at nasaktan, ito yung mga taong iniwan, pwede rin namang nangiwan. Basta kapag may taong nawala sa buhay nila. Namatayan, nawalan, at kahit ano pang dahilan ng pagkawala.
- Nasugatan ito - sa mga bata, kailangan ng pag-aaruga, kailangan ng kalinga, kaya nga kapag nadadapa ang bata tumatayo agad ito at tska lang iiyak hindi ba? Parang ganun din ang mga taong nasa edad natin ngayon, mga 16 to 20+ nagiging bata sila kapag nagmamahal, nasusugatan sila, hindi man ang kanilang tuhod,kamay,siko kundi ang puso nilang sinugatan.
- Takot - takot na mawala ang isang tao, takot baka bumagsak ang grade, takot dahil may kasalanan, takot dahil nagsinungaling. Kapag naghalo-halo ang problema biglang babagsak ang mga luha.
- Masaya - hindi porket umiyak ang isang tao eh malungkot na ito, minsan sa sobrang saya nito o kaya naman sa sobrang natanggap na sorpresa eh hindi sapat ang mga ngiti kaya napaiyak ang mga ito. Tears of Joy Ika nga, minsan lang mangyari sa buhay ng tao ito. Kaya ito yung mga luha na hindi makakalimutan.
Sunday, October 23, 2011
Paano kung isang araw hindi ka na magising?
Biglaan kang kukunin? May mag hahanap kaya sayo? May mag aalala kaya sa pag kawala mo? Bukod sa magulang mo? May taong maghahanap at malulungkot ba sa pagkawala mo?
Ito ang isang pangyayari sa buhay na kahit kailan hindi natin malalaman, maaring malaman mo ito ngayon kung alam mo sa sarili mong mabait ka at hindi nanlalamang sa kapwa, kapag alam mo ang tama sa mali lalo na pagdating sa kaibigan.
Mag rereflect lahat yan sa pang araw araw mong ginagawa. Kung paano ka makisama. Ayun na lang ang huling hiling mo sa buhay mo e, ang maraming pumunta sa oras ng lamay mo.
Makikita mo kaya yung mga taong bumibisita sayo kapag wala na tayo dito? O parang tulog lang tayo na walang panaginip? Hindi mo alam ang nangyayari, biglang wala ka na lang sa mundo?
Sana totoo na may kaluluwa ang tao na gumagala sa ating mundo. Tapos pwede ka pa rin gumala, para makita natin kung ano ang mundo sa susunod pang mga taon.

Gawin mo na lahat ng gagawin mo ngayon, sayang ang araw, ang buhay at pagkakataon.
Magpakabait hanggat kaya.
Magpakabait hanggat kaya.
Every second counts.
Kumbaga kahit na hindi tayo sinisingil ng Diyos sa pinahiram na buhay sa atin, we have to maximize the use of it. Yung tipong wala dapat dull moments, yung pahinga mo eh dapat yung pinaka happy moment mo, at yung paghihirap mo naman eh dun mo gagamitin ang lakas mo.
Madalas kasi tayo, nauubos ang oras sa mga walang kwentang bagay. Minsan sa pag-aaway. sa paghihintay sa taong minamahal, sa bagay na minimithi na minamadali at kung ano ano pang delaying tactics na pangyayari.
Kaya sa huli, tayo pa rin ang nasa huli, tayo ang mga nakatunganga, tayo ang napagiiwanan. Bawat segundo ng buhay natin ay may mahalaga, hindi mo lang naiintindihan ang importansya ng bawat segundo ng buhay mo dahil hindi mo nararanasan o napapansin ang mga bagay na ito
Napakarami pa, sobrang rami pa ng mahahalagang segundo ng bawat buhay. Minsan nga sa loob ng isang segundo, nawawala sayo ang isang tao, sa loob ng ilang segundo, kinukuha ito sayo, sa loob ng ilang segundo, nawawala yung inalagaan mo ng ilang taon.
Napakamakapangyarihan ng segundo na yan, maaring mabago ang buhay mo at ang pagtingin ng tunay na halaga dito.

- Mga taong karera ang sports.
- Kapag ma late ka na sa klase mo, at naiwan ka ng tren.
- Kapag nasa classroom ka na, at nageexam na sila kasi late ka.
Napakarami pa, sobrang rami pa ng mahahalagang segundo ng bawat buhay. Minsan nga sa loob ng isang segundo, nawawala sayo ang isang tao, sa loob ng ilang segundo, kinukuha ito sayo, sa loob ng ilang segundo, nawawala yung inalagaan mo ng ilang taon.
Napakamakapangyarihan ng segundo na yan, maaring mabago ang buhay mo at ang pagtingin ng tunay na halaga dito.
Yung pakiramdam na uuwi ka ng bahay mong pagod tapos pag Online mo may taong nagmamahal sayo.
Sobrang sarap lang nang pakiramdam, tipong kahit ka text mo siya, iba pa rin kapag sa computer kayo nag uusap. Isang matinding komunikasyon na ginawa rin ng mga tao.
Ang sarap lang ng pakiramdam kapag may taong nag hihintay sayo, may masasabihan kang pagod ka, may taong handang kumausap sayo. May taong lalambing sayo, tapos hindi mo alam na may mga simpleng sorpresa pala siya sayo.
Ang sarap lang sa pakiramdam na may taong handang mag alaga at magsakripisyo ng oras para sayo, hindi mo alam na habang wala ka may ginagawa siyang effort para sayo. Yung tipong ganun, tipong normal na araw mo eh nagiging espesyal na araw dahil sa ginagawa niya. tandaan mo hindi nakakapagod mag mahal mas nakakapagod eh ung uuwi ka ng bahay na walang tatawag sayo para pagaangin ang pakiramdam mo,
Saturday, October 15, 2011
How do you see yourself 10 years from now?
When we were little kids, people would often ask us what we want to be when we grow up? Back then I would’ve answered that I wanted to become a Engineer or maybe a doctor. I don’t know, I can barely remember.
Then at some point we forget to ask ourselves what we want to be when we grow up, now that we actually consider ourselves as adults. I still find myself in a stance because my burning desire stands firm on what I want.
I want to change the world.
Whatever the means are, no matter how difficult it is, I just want to change the world. Probably work for United Nations would be a treat. I’m dead serious about this. I’m not trying to be hypocritical but I mean what I say, and I mean what I want. I want to freaking fight off poverty. That’s eat. Damn, if I can bring bread to the suffering kids in Africa I would.
Some of you would want to question why I want this. But I really do. Even if you turn my world upside down I will still want to change the world. And in some public gathering, given the opportunity to answer this question, I’ll answer it with conviction. Hell yeah I want to change the world!
And maybe 10 years from now, I’ll look at this post and wherever I am at that moment, I know it will all make sense.
Darling, if you’re going to dream big, Dream Awesomeness.

Thursday, October 13, 2011
Blackboard, Whiteboard, Kodigo Photographer
Isa ka ba sa mga estudyanteng hindi nag susulat ng notes at pinipik-churan mo na lang ito dahil sa haba ng isusulat? Ang swerte mo pa kapag gamit mo eh iphone,itouch o kaya yung mga touch screen na may zoom, mas madaling mag review hindi ba? Pero may mga camera naman na hindi touchscreen pero my ibat-ibang pakulo pagtapos mong kumuha ng litrato the best pa kung 5 megapixels ang nabili mong cellphone.
Nakakatuwa na nagagamit ang teknolohiya dahil sa pansariling katamaran, pero diba mas nakakatuwa kung sinusulat mo rin? Kasi kahit hindi ka nakikinig eh may tiyansang maalala mo yung mga isinulat mo pag dating ng exam.
Para bang unfair sayo kung ikaw eh nagpakapagod na nagsulat tapos nakita mo isang pindutan lang nila eh may notes na agad sila, ang dami ng nagagawa ng cellphone ngayon. Minsan nga lagayan pa ng kodiko, kunwari gagawa ka ng reviewer tapos pipik-churan mo lang ulit ito, instant score at tamang diskarte na lang sa mga professors.
Kulet lang ng buhay ng college eh, hindi mo alam kung professors mo ba ang niloloko mo o kaya naman ang sarili mo.

Monday, October 10, 2011
HINDI.
Hindi ako nagsasawang makita ka araw-araw, mula Lunes hanggang Linggo, wala akong pakelam. Hindi ako nagsasawang makita ang mukha mo sa bawat araw na nabubuhay ako sa mundo. Hindi ako nagsasawa sa itsura mo habang nagsasalita, tumatawa, nakasimangot, at kahit ano pa man. Hindi ako nagsasawang hawakan ang kamay mo kahit saan man tayo magpunta eh kulang na lang i-superglue ko nalang kamay ko sa kamay mo.
Hindi ako nagsasawang makipag-usap sa’yo kahit minsan wala tayong mapag-usapan. Hindi ako nagsasawa sa mga yakap mo na nang-iipit ng mga braso. Hindi ako nagsasawa sa halik mo, kesyo may laway o wala. Basta labi mo, swak na swak na ako. Hindi ako nagsasawang titigan ang mga mata mo kahit nakakaduling.
Hindi ako nagsasawa sa boses mo.. Di ako nagsasawang makasama ka na kahit minsan walang magawa, malakas parin ang trip nating dalawa na parang di magsyota, parang matalik na kaibigan lang. Hindi ako nagsasawa sa mga away nating dalawa na kahit nag kaka-tampohan na tayo, alam natin na yun ay kasama lang sa relasyon at nagpapatibay sa ating dalawa. Hindi ako nagsasawa sa mga korny pero nakakakilig na mga salita mo na talagang nagpapangiti sa akin. At higit sa lahat…
Hinding hindi ako nagsasawang mahalin ka. Bawat araw, lalong lumalalim ang nararamdaman ko para sa’yo. Akala ko nga dati dagat lang ang lumalalim, yun pala. Pati pagmamahal ko sa’yo. Bawat araw sinasabi ko sa sarili ko, di ko na kailangan pang maghanap ng iba. Maghahanap pa ba ako? Eh lahat naman ng gusto ko na sa’yo na. Sa bawat araw na ginawa ng Diyos, kung mawala ka man sa akin, parang nawalan narin ako ng buhay. Kasi di ka lang naman parte ng buhay ko. Sa katunayan, buhay na kita. Ikaw na ang buhay ko.

Kaya kahit araw-araw ko na sinasabi ‘to. Tulad ng linya ko..
Hindi ako nagsasawa.
Hindi ako nagsasawang sabihing…
Mahal na mahal kita.
Hindi ako nagsasawa.
Hindi ako nagsasawang sabihing…
Mahal na mahal kita.
Friday, October 7, 2011
Bitawan mo daw ang isang tao at kung talagang sayo siya babalik yun.
Isa ako sa mga taong hindi naniniwala dito.
Bakit mo bibitawan? Eh alam mong sayo na nga. Parang ang gulo diba? Ayan ang hirap kapag nasanay sa kowts ang karamihan, kapag nasanay sa mga teleserye na pinapaikot lang naman ang ating isipan.
Paano siya mapapasayo ulit kung binitawan mo na? Paano siya mapapasayo ulit kung sinaktan mo na siya dulot ng kahapon? Hindi ba’t isang kalokohan yun? Isa rin ako sa mga taong hindi naniniwala sa destiny. Ang lahat ng nangyayari ngayon eh depende sa kung ano ang desisyon mo.
Kung desisyon mong siya ang mamahalin mo ipaglalaban mo. Kung desisyon mo ang iwan siya, hindi talaga siya ang sayo. Hindi mo kasi pinaglaban eh diba? Katulad nalang ito sa normal na buhay. Kung desisyon mong huwag mag-aral eh kawawa ka naman sa hinaharap. Kahit na naniniwala ka sa destiny mo na magiging mayaman ka sa hinaharap pero hindi ka naman nagtapos at hindi ka naghahanap ng trabaho. Sa tingin mo ba gagana ba yung destiny na yun? Hindi diba?
Kaya ang pagmamahal sa isang tao, inaalagaan yan, pinoprotektahan, hindi pinapabayaan at lalong hindi binibitawan

Wednesday, October 5, 2011
Misyon sa buhay ng isang normal na tao.
Habang naliligaw ako kanina papunta sa caloocan my mga bagay ako na pansin. ano un?
Mga taong nag mamasahe, mga taong nagtitinda sa siomayan, mga taong nagtitinda ng itlog pugo sa labas, nagtitinda ng nilagang mani, cheesesticks at kwekwek, mga taong naglalagay ng maliit na ukay ukay sa overpass, mga taong nag bebenta ng patingi tingi na yosi, kendi, at taong nag bibigay ng discount card sa SOGO at MARIPOSA. Iisa lang naman ang gusto niyan, iisa lang ang misyon niyan sa buhay.

Yun ang buhayin ang kani kanilang pamilya, buhayin ang sarili, makapagtapos ng pag-aaral. Habang naglalakad ako sa overpass. Doon ko nakita ang tunay na buhay ng isang tao, ang tunay na kahirapan na dinadanas ng Pilipinas, yung kahit na maambon na eh tuloy pa rin na nakalatag ang kanilang mga paninda. May mga ilaw, charger ng cellphone, mga 3 for P50 na medyas, sinturon, “LONG SHORTS, at SHORT SHORTS” Panis diba? Matindi, kapag nagtanong ka pa nga naman kung gaano kahaba ang LONG SHORTS eh baka ma praning sayo ang nag titinda.
Lahat naman ata tayo nagkakapareho sa misyon na yan, meron sa atin misyon makatapos, misyon makahanap ng trabaho at yung mga personal na misyon natin sa buhay.
Tumambay ako saglit para pagmasdan ang mga tao sa overpass, nakukuha pa rin nila ngumiti, magbiruan, mag tawanan. Natutuwa ako na kahit ganun ang buhay nila eh ang kuntento nila at ang saya saya nila. Minsan nakakainggit yung ganun na buhay, hindi dahil sa nahihirapan sila makakuha ng pera pero yung pagiging kuntento nila na kung ano na lang ang maibigay at makain basta masaya at kumpleto ang pamilya ay ayos na.
May mga tindera na bitbit ang anak nila, may mga nagtitinda naman na nasa bahay lang ang kani kanilang mga anak na malamang eh nasa lansangan. Yung iba eh doon na mismo nag sasalo salo, dala ang supot ng pansit, o kaya naman sabaw ng sinigang na susupsupin na lang sa ilalim ng plastik eh ayos na ayos na ang bonding ng kainan ng buong pamilya.
May i rerequest ka pa ba sa buhay mo? Sa oras na makita mo ang mga taong ito? Alam natin lahat na sobrang may blessing tayo kesa sa kanila, pero ito yung ipapaalam nila sayo na hindi mo kailangan maging malungkot, dahil may mga taong mas malungkot at mas matindi pa ang dinadanas na problema kesa sayo.
Labels:
Pananaw sa buhay
Sunday, October 2, 2011
Pangungulila
Ang hirap pala sa pakiramdam kapag alam mong limitado lang yung mga oras na pwede kayong magkasama ng mga taong mahahalaga sa buhay mo. Yung tipong kahit gustuhin mo mang magkita kayo palagi o araw-araw eh hindi maaari? Para san nga daw ba ang mga salitang “Uy na miss kita” kung lagi lang din kayong magkikita. Naalala mo ba nung highschool ka pa? Sawang sawa ka sa mga kaibigan mo di ba? Tipong lagi mong sinasabi na gusto mo na mag college kasi nakakasawa na ang maging bata. Pero kapag dumating ka na sa punto ng hindi na kayo madalas mag kita, mami-miss mo din yung mga kalokohang mga ginawa niyo noong bata pa kayo.
Oh kaya naman ay sa mga kapamilya nating nasa abroad na nag bakasyon lang dito sa Pinas. Ayaw man natin silang paalisin ay wala tayong magagawa. Gustuhin man nating makasama sila ng matagal o kaya ay hindi na mag hiwalay. Bakit pa kasi kailangang mag kalayo kayo ng mga taong mahal mo sa buhay noh? Isa pa sa mga mahihirap na sitwasyon ay yung mga taong nasa LDR (Long Distance Relationship). Ang hirap pala ng pakiramdam ng pangungulila sa taong mahal mo. Gustuhin mo mang makita hindi naman pwede dahil sa pesteng distansya na yan.
Kaya sa oras na magkakasama na kayo, iparamdam mo na sa kanya kung gaano siya kahalaga. Hindi mo alam kung kailan pa ulit kayo magkakasama. Hindi mo alam kung kailan mo ulit maririnig yung boses niya, makikita ang muka niya ng harapan at higit sa lahat ang makita siyang masaya kasama ka. Kung meron man akong hihilingin dito sa mundo na to, siguro yun yung makasama ko yung mga mahal ko sa buhay at ang mga kaibigan ko. Gusto ko yung kumpleto, gusto ko yung walang aalis. Kahit na hindi ko na maramdaman yung “pagka-miss” basta magkakasama kami.

Thursday, September 29, 2011
Wanted Aspiring singer na tulad mo
Wanted: Aspiring singer na tulad mo
"i want you" ikaw ba ay bibo sa banyo kumanta? o bida sa videokehan? halinat mag pasikat tayo. handa ka na ba maging isang youtube sensation? tara gawa tayong ng cover! *seryoso hahah* pwes kelangan ko na tulong mo kaibigan. pls (insert ang nag mamaka-awang expression dito). my gingawa kasi ako kanta baka pwede ikaw ang kumanta?. dahil pag ako ang kumanta.. uulan at madaming bumbilya ang mababasag! chos.. biro lang pag interesado ka. message mo lang ako sa FB ah?!. (wag ka mag alala my kapalit ng pabuya ang talento mo) salamat!

Wednesday, September 28, 2011
Emosyon ng pagsusulat.
Minsan marami tayong naisusulat. KApag malungkot tayo, kapag masaya o kaya naman eh excited ka sa isang bagay. Pero dumadating sa punto na neutral ang pakiramdam natin. Nagiging manhid nga kaya tayo paminsan-minsan? Ito yung punto na nakikibasa ka na lang muna. Kasi nga humihingi ang utak mo ng bagong ideya.
“Mahirap kasi magsulat ng walang pinaghuhugutan.”
Kaya minsan yung mga isinusulat natin kapag malungkot tayo, napakarami. Kasi sobrang bigat na ito sa loob natin.
At kapag masaya naman, minsan sobrang ikli. Dahil sa salitang “Masaya ako”naiparating mo na ang nararamdaman mo. Kapag malungkot kasi nagbibigay ka pa ng kwento, aral, dahilan sa nangyari. Kung yung mga bagy na alam mong orihinal ang pagkakagawa? Basahin mo yun. Pinaghirapan at pinag-isipan nila yun. Hindi sila maglalagay ng isang teksto dito kung wala kang mapapala.
Ang pagbasa sa sinulat ng isang kaibigan eh pwedeng isimbolo ng pagdamay.
Kung ano ba ang nangyari sa kanya, bakit niya nasabi yun sa sinulat niya, kung ano ba ang karanasan niya bakit ganun kabigat ang binibitawan niyang mga salita. Napakarami pwedeng dahilan bakit ganon ang tema ng pagsusulat niya.
Intindihin mo na lang..
~ :)

Tungkol sakin
Paano gumawa ng romantikong pelikulang Pilipino.
- Pumili ng isang sobrang cheesy na kanta.
- Gawing literal ang lyrics ng kanta. At mula sa lyrics, bumuo ng isang kwento.
- Pumili ng linya mula sa kanta na gagawing title. Madalas yung title rin ng kanta o kaya nasa chorus.
- Piliin ang mga gaganap na artista:
- Piliin ang pinakasikat na loveteam para sa bida.
- Piliin ang mga bago/laos para sa support.
- Piliin ang mga beterano para sa magulang
- Dapat may conflict sa estado sa buhay ang magkaloveteam. Madalas mayaman ang lalake at mahirap ang babae. PWedeng parehong mayaman o mahirap. Depende sa kanta.
- Syempre, magkakainlaban ang dalawang bida.
- Pero parehas o isa sa kanila ang magkakaroon rin ng problema sa pamilya niya
- Magkakalabuan ang dalawang bida.
- At doon eepal ang mga kaibigan nila. Madalas dalawa. Isang pro at isang anti.
- Minsan may epal pang third party. Pwede ring wala.
- Magkakaroon ng lakas ng loob ang bida na may problema sa pamilya na kausapin ang kapamilya niya na may problema sa kanya
- At dahil dun, magiging mabait na ito at tutulungan ang bida.
- Magkakaroon ang konprontasyon ang mga bida at mauuwi sa paalam.
- Pagkalipas ng ilang taon, magkikita ulit sila at parang walang nangyari. Tapos icucut dun para bitin ang ending. Hindi malinaw kung nagkabalikan ba sila.
- Tandaan, ang kanta na ginawan ng kwento ay dapat paulit-ulit magpleplay sa buong pelikula. Ito lang ang dapat OST ng pelikula. Wala ng iba.
- Ipromote ang pelikula sa mga noontime show at talkshow.
- Gumawa ng gimik para pag-usapan.
Labels:
Mga nakapaligid sayo
Tuesday, September 27, 2011
Bayad po, SM lang. Dalawa.
Lahat ng sinimulan, may katapusan. Except nalang ‘yung counting numbers. Try mong magbilang hanggang infinity.
Habang nabubuhay ako, alam ko din sa sarili ko na balang araw, pwede ding mamaya, ay mamamatay din ako. Pero hindi na importante ‘yon o dapat takutan dahil alam naman din natin sa sarili natin na lahat tayo, dadaan diyan. Una-unahan lang ‘yan! Choth.
Kagaya nga din sa ibang bagay na sinimulan, magtatapos din sila. Tulad ng assignment, mga RPG games, at love(?) Ang buhay, parang jeep. Ang love, hindi dapat minamadali parang driver ng jeep. Trabaho lang niyang makapunta sa paroroonan mo. Kung masikip sa jeep, madami pang jeep diyan… May mga dadaan, may mga masasakyan ka pero hindi lahat ng lugar, isang sakayan lang. Siguro, sasakay ka ng ibang jeep… Pero hindi ka din magtatagal dahil akala mo, doon na ‘yon pupunta.
Bago ka sumakay ng jeep, tignan mo ‘yung mga sign sa windshield nila [Kilalanin mo muna ang tao]. Tulad nga ng sinabi ko kanina, wag magmadali dahil iisa lang din ang pupuntahan nating lahat. Una-unahan lang ‘yan.
Labels:
Pananaw sa buhay
Purefoods’ Trio: Ang “Big Three” ng Philippine basketball noong late 80's
“Last two minutes! Last two minutes!” Sigaw ng coliseum barker.
The shot was missed! Codiñera grabs the rebound… Ahead to Patrimonio, inside the shaded lane… Lastimosa is open from the long court… Jolas, fakes, triple V… Yes!!! (Pwede na ba akong commentator ng ESPN? Putik, ang hirap umingles.)
“Lastimosa, three-points!” Sigaw muli ng coliseum barker.
Natural na ang ganitong eksena sa basketball dito sa Pilipinas noon pa mang dekada 70. At sa mga huling taon ng dekada 80, naging matunog sa Philippine Basketball Association ang koponan ng Purefoods TJ Hotdogs. At kapag binanggit ang Purefoods noon, hindi pwedeng hindi kasama dito ang tatlong pangalan: Alvin Patrimonio, Jerry Codiñera, at Jojo Lastimosa.
Pumasok ang Purefoods sa PBA noong taong 1988 pagkatapos nilang bilhin ang prangkisa ng Great taste team. At dahil bagong koponan, syempre gusto nilang magpasikat sa madla kaya naman kumuha sila ng tatlong sikat na manlalaro mula sa iba’t ibang unibersidad. Napili nila si Alvin “The Captain” Patrimonio mula sa Mapua, si Jerry “The Defense Minister” Codiñera mula sa UE (Go fight, red and white!), at si Jojo “Jolas” Lastimosa mula sa Ateneo.
Kung pamilyar kayo ngayon sa Big Three ng Boston Celtics na sina Paul Pierce, Kevin Garnett, at Ray Allen, maituturing na Big Three ng Purefoods noong late 80s ang triumvirate nila. Sa katunayan, naging synonymous na sina Patrimonio, Codiñera at Lastimosa sa Purefoods. At kung susuriing maigi, halos magkakapareho sila nina Pierce, Garnett at Allen ng Boston Celtics sa istilo ng paglalaro. Parehong heart and soul ng kanilang koponan sina Patrimonio at Paul Pierce. Matinik sa depensa sina Codiñera at Kevin Garnett (Bagamat hindi dumadakdak si Codiñera at halimaw naman sa dakdakan si Garnett), at parehong clutch three point shooter sina Lastimosa at Ray Allen.
Masasabi kong Purefoods ang nagmulat sa akin sa mundo ng basketball. Ito kasi ang kauna-unahan kong naging paboritong team sa PBA, kasunod ang Alaska. Bagamat wala pa akong kamuwang-muwang noon sa mundo, naaaliw ako kapag nanonood ang pinsan ko ng PBA sa TV

Katulad ng mga magsyotang nag-split, kinalaunan ay naghiwa-hiwalay din sila ng landas. Mula sa Purefoods, si Codiñera ay itrinade sa Mobiline Phone Pals kapalit ng banong si Andy Seigle. Si Lastimosa naman ay pinamigay sa Alaska noong 1991 at dito, lalo pang umusbong ang career n’ya at naging isa sa main weapons ng tinaguriang “Team of the 90s” ng PBA. Binansagan din noon si Jolas bilang “Mr. 4th Quarter Man” dahil sa kanyang husay sa clutch baskets. Si Patrimonio naman ay nanatili sa Purefoods hanggang sa magretiro noong 2004.
Kahit na mga retirado na sila, hindi pa rin nila maiwan ang sport na yumakap sa kanilang pagkatao. Si Patrimonio ay kasalukuyang team manager ng B-Meg Llamados (koponan ni Papa James Yap). Si Codiñera ay naging assistant coach ng UP Fighting Maroons at ngayon ay head coach ng UE Red Warriors sa UAAP. Si Lastimosa naman ay isa ngayon sa assistant coaches ng Alaska Aces.

Pambansang Laro
Sunday, September 25, 2011
10 QUESTIONS FOR A NURSE
As some people say, “Nursing is a privilege.” For Lorenzo Quitalig, a nurse of a government-owned hospital, serving other people with a happy disposition is essential for an unquestionable passion for work.
QUESTION 1: Paano po naiiba ang nursing sa ibang profession? (How does nursing differ from other professions.)
LORENZO: Sa nursing kasi, halo-halo yan, sa ibang profession, nagfofocus ka lang sa isang bagay. Sa nursing, maraming kailangan. Dapat may patience, hardworking ka, and higit sa lahat hospitable. (You deal with a lot of things in nursing unlike with other professions, which focus on a single thing. To be a nurse, you have to be patient, hardworking and hospitable.)
QUESTION 2: Ano po ang paraan ninyo sa pag-alaga sa pasyente? (How do you take care of your patients?)
LORENZO: Itinatrato ko sila bilang pamilya. (I treat them like they are family members.)
QUESTION 3: Ano ang nakikita ninyong disadvantage sa pagiging nurse?(What are the disadvantages of becoming a nurse?)
LORENZO: Bilang isang nurse, palagi akong nasa loob ng ospital. Naeexpose ako sa mga sakit. (Being a nurse, I am always inside the hospital. I get exposed to a lot of diseases.)
QUESTION 4: Masaya po ba kayo kahit napapaligiran kayo ng mga tao na may sakit? (Are you happy even though you are surrounded by people who are sick?)
LORENZO: Ah, syempre naman. Gusto ko kasi nag-aalaga ng mga tao. (Yes. I love to take care of people.)
QUESTION 5: Ano po ang kahalagahan ng self sacrifice sa nursing? (What is the importance of self sacrifice in your profession?)
LORENZO: Sa sobrang pagod, dapat masaya ka pa din at dapat nagagawa mo pa din ang lahat para sa mga pasyente mo. Kapag walang self sacrifice, hindi mo nagagawa ng husto ang mga gawain ng isang nurse. (Even though you are tired, you must still be happy and you are still able to cater to the needs of your patients. When self sacrifice is absent, the tasks of being a nurse are not done.)
QUESTION 6: Ano po ang naitulong ng nursing sa buhay ninyo? (What are the things that nursing aided in your personal life?)
LORENZO: Ah, kunwari, nagkasakit ang kapatid ko o kaya family members. Alam ko na agad kung ano ang dapat gawin. Nakakapagbigay ako ng advice.(For example, my sibling or one of my family members got sick. I already know what proper action will be done. I can also give advice.)
QUESTION 7: May balak ka ba na magpatuloy sa pagiging isang doctor? (Do you have plans of becoming a doctor?)
LORENZO: Oo. Kapag nakapagipon na ako para makapagaral. Tutulungan naman din ako ng mga magulang ko. (Yes. As soon as I raise money that will suffice my tuition. My parents will be helping me with the expenses, too.)
QUESTION 8: Paano po nakatulong ang nursing sa pagbabago ng iyong pagkatao? (How did nursing help you in becoming a better person?)
LORENZO: Mas nagiging aware ako sa science. (I am more aware about science.)
QUESTION 9: Ano po ang nagiging motivation ninyo sa pagpapatuloy bilang isang nurse? (What serves as your inspiration in continuing your legacy as a nurse?)
LORENZO: Ang mga pasyente. Narealize ko na, maraming tao ang nangangailangan ng tulong namin. (The patients made me realize that there are a lot of people out there who need help from us.)
QUESTION 10: Ano po ang maibibigay ninyong payo sa mga nag-aaral o mag-aaral pa lamang ng nursing? (What advice can you give to people who are studying or will be studying nursing?)
LORENZO: Mag-aral ng mabuti at itrato ang pasyente bilang pamilya. (Study hard and treat your patients like family members.)
Labels:
Mga nakapaligid sayo