Ano kaya ang mangyayari sa akin sa mga susunod na taon? Kailangan ko lang namang maging Engineer. After non? Gusto ko muna mag work sa isang company or firm tapos mag masters din ako. Gusto ko din pag sabayin ang pagtuturo at pagtatrabaho (weh? gusto ko lang try mag turo) hahaha.. Ang dami ko kasing balak na mangyari sa buhay ko. Gusto ko pumunta sa iba’t ibang lugar. Gusto ko libutin at magbakasyon kasama si Phiwee.
Sabi ko pa sa kanya, aanhin mo lahat ng magiging success sa buhay kung wala naman ako sayo para uwian mo? Isa din ‘yun sa mga na realize ko nung nag aaral ako. ‘Wag na ‘wag ko daw isasara ang puso ko sa pagma-mahal kahit nagaaral pa lang ako. Madalas kasi sabihin ng mga matatanda sa atin na unahin muna ang pag-aaral bago ang pag ibig. Tama nga naman sila doon pero wala naman akong nakikitang masama kung pagsasabayin mo ‘yung dalawa, siyempre dapat marunong ka mag balanse. Meron kasing mga tao na career first before anything.
‘Yung mga tipong ayaw ma in love hanggat di pa sila nagiging successful. ‘Di naman sa hinuhusgahan ko ‘yung desisyon nila. Buhay nila ‘yun at wala ako sa lugar para sabihin ko sa kanila kung ano ang dapat nilang gawin o hindi. Pero na realize ko lang na aanhin ko nga ang success kung wala naman akong taong pagaalayan ng lahat ng ‘to? Sige, given na para nga sa pamilya natin ang lahat ng ginagawa natin pero naisip mo ba na kailangan ding dumating sa point na may sarili ka ng pamilyang uuwian?
Siyempre ‘yung iba sasabihin “MAY TAMANG ORAS PARA DIYAN”. Oo meron nga, pero paano kung nasanay ka na mag isa? Ang lungkot lang noon. Sabi ko nga sa sarili ko, kahit ma delay pa ‘yung success ko sa buhay basta kasama ko si Phiwee. ‘Di ko kailangan ng sobrang achievement sa buhay. Baliwala din naman kasi lahat ng ‘yun kung hindi ko kasama ang taong mahal ko. Gusto ko kasi si Phiwee na talaga, ayoko na sa iba. Hindi ko na nga nakikita ‘yung sarili ko na magkakaroon pa ako ng ibang karelasyon. Okay na ako. Kuntento na ako sa kanya, wala na din naman akong hahanapin pa.
Sana lang talaga matupad ko lahat ng pangarap ko hindi lang para sa sarili at pamilya ko kung hindi para na din sa amin ni Phiwee. Kahit ano mang mangyari sa akin sa mga susunod na taon; mahirap man o masaya, basta alam kong kasama ko si Phiwee at nandun pa din ‘yung pagmamahal namin sa isa’t isa, hindi ako susuko.