Pages

Thursday, November 24, 2011

Maraming tanong na hindi malaman laman ang sagot.

  • Eh yung salitang AALIS na AKO. Kelan ka aalis? Kapag late ka na? Kapag andun na mga kasama mo? Gusto mo ba yung hinihintay ka nila? Tapos pinag uusapan ka nila na pa importante ka? Huwag ganun.
  • Eh yung salitang PATAWAD? Hanggang kailan ka maniniwala? Eh kung paulit ulit naman niyang ginagawa? Kapag sobrang naging tanga ka na sa kanya? Tska mo malalaman na pinagtritripan at niloloko ka na pala.
  • Eh ano ibig sabihin ng HINDI NA UULITIN tapos INULIT ULI? Hindi ba paulit-ulit ka lang na ginagago ng taong mahal mo? Kelan ka matututo? Kelan mo aalisin ang pagka martyr? Hirap sayo, sinaktan ka na eh sige ka pa.
  • Eh yung salitang Mahal kita? Kelan mo masasabi sa taong gusto mo yun? Kapag meron na bagong nanliligaw sa kanya? Sa tagal mong binakuran yan eh hahayaan mo lang mapikot ng iba?
  • Yung salitang move on kaya? Hanggang kelan? Saan ka titigil? Kapag masaya ka na? O kapag nagkaroon na siya ng iba? O kapag natanggap mo na wala na kayo talaga?
  • Eh yung salitang BALANG ARAW? Kailan kaya yung araw na yun kapag sinabi yun? Bukas? Sa isang buwan? Taon? Dekada? Susunod na pagkabuhay kung kelan naging ipis ka na? Maraming pwedeng paglagyan ng salitang balang araw.
  • Eh yung salitang Bahala na? Sino na naman ang gagawa niyan? Si Batman na lang na laging tinatapunan ng bahala? Siguro nagtatampo ngayon si Batman, dahil sa hindi man lang naipaglaban ng tao yung ipinaglalaban niya at iniwan na lang ang problema na ito sa kanya.