Minsan marami tayong naisusulat. KApag malungkot tayo, kapag masaya o kaya naman eh excited ka sa isang bagay. Pero dumadating sa punto na neutral ang pakiramdam natin. Nagiging manhid nga kaya tayo paminsan-minsan? Ito yung punto na nakikibasa ka na lang muna. Kasi nga humihingi ang utak mo ng bagong ideya.
“Mahirap kasi magsulat ng walang pinaghuhugutan.”
Kaya minsan yung mga isinusulat natin kapag malungkot tayo, napakarami. Kasi sobrang bigat na ito sa loob natin.
At kapag masaya naman, minsan sobrang ikli. Dahil sa salitang “Masaya ako”naiparating mo na ang nararamdaman mo. Kapag malungkot kasi nagbibigay ka pa ng kwento, aral, dahilan sa nangyari. Kung yung mga bagy na alam mong orihinal ang pagkakagawa? Basahin mo yun. Pinaghirapan at pinag-isipan nila yun. Hindi sila maglalagay ng isang teksto dito kung wala kang mapapala.
Ang pagbasa sa sinulat ng isang kaibigan eh pwedeng isimbolo ng pagdamay.
Kung ano ba ang nangyari sa kanya, bakit niya nasabi yun sa sinulat niya, kung ano ba ang karanasan niya bakit ganun kabigat ang binibitawan niyang mga salita. Napakarami pwedeng dahilan bakit ganon ang tema ng pagsusulat niya.
Intindihin mo na lang..
~ :)