Isa ka ba sa mga estudyanteng hindi nag susulat ng notes at pinipik-churan mo na lang ito dahil sa haba ng isusulat? Ang swerte mo pa kapag gamit mo eh iphone,itouch o kaya yung mga touch screen na may zoom, mas madaling mag review hindi ba? Pero may mga camera naman na hindi touchscreen pero my ibat-ibang pakulo pagtapos mong kumuha ng litrato the best pa kung 5 megapixels ang nabili mong cellphone.
Nakakatuwa na nagagamit ang teknolohiya dahil sa pansariling katamaran, pero diba mas nakakatuwa kung sinusulat mo rin? Kasi kahit hindi ka nakikinig eh may tiyansang maalala mo yung mga isinulat mo pag dating ng exam.
Para bang unfair sayo kung ikaw eh nagpakapagod na nagsulat tapos nakita mo isang pindutan lang nila eh may notes na agad sila, ang dami ng nagagawa ng cellphone ngayon. Minsan nga lagayan pa ng kodiko, kunwari gagawa ka ng reviewer tapos pipik-churan mo lang ulit ito, instant score at tamang diskarte na lang sa mga professors.
Kulet lang ng buhay ng college eh, hindi mo alam kung professors mo ba ang niloloko mo o kaya naman ang sarili mo.