Pages

Friday, October 7, 2011

Bitawan mo daw ang isang tao at kung talagang sayo siya babalik yun.

Isa ako sa mga taong hindi naniniwala dito.

Bakit mo bibitawan? Eh alam mong sayo na nga. Parang ang gulo diba? Ayan ang hirap kapag nasanay sa kowts ang karamihan, kapag nasanay sa mga teleserye na pinapaikot lang naman ang ating isipan.

Paano siya mapapasayo ulit kung binitawan mo na? Paano siya mapapasayo ulit kung sinaktan mo na siya dulot ng kahapon? Hindi ba’t isang kalokohan yun? Isa rin ako sa mga taong hindi naniniwala sa destiny. Ang lahat ng nangyayari ngayon eh depende sa kung ano ang desisyon mo.

Kung desisyon mong siya ang mamahalin mo ipaglalaban mo. Kung desisyon mo ang iwan siya, hindi talaga siya ang sayo. Hindi mo kasi pinaglaban eh diba? Katulad nalang ito sa normal na buhay. Kung desisyon mong huwag mag-aral eh kawawa ka naman sa hinaharap. Kahit na naniniwala ka sa destiny mo na magiging mayaman ka sa hinaharap pero hindi ka naman nagtapos at hindi ka naghahanap ng trabaho. Sa tingin mo ba gagana ba yung destiny na yun? Hindi diba?

Kaya ang pagmamahal sa isang tao, inaalagaan yan, pinoprotektahan, hindi pinapabayaan at lalong hindi binibitawan