Pages

Sunday, October 23, 2011

Every second counts.

Kumbaga kahit na hindi tayo sinisingil ng Diyos sa pinahiram na buhay sa atin, we have to maximize the use of it. Yung tipong wala dapat dull moments, yung pahinga mo eh dapat yung pinaka happy moment mo, at yung paghihirap mo naman eh dun mo gagamitin ang lakas mo.

Madalas kasi tayo, nauubos ang oras sa mga walang kwentang bagay. Minsan sa pag-aaway. sa paghihintay sa taong minamahal, sa bagay na minimithi na minamadali at kung ano ano pang delaying tactics na pangyayari.

Kaya sa huli, tayo pa rin ang nasa huli, tayo ang mga nakatunganga, tayo ang napagiiwanan. Bawat segundo ng buhay natin ay may mahalaga, hindi mo lang naiintindihan ang importansya ng bawat segundo ng buhay mo dahil hindi mo nararanasan o napapansin ang mga bagay na ito

  • Mga taong karera ang sports.
Bawat segundo ng buhay nila dito nakalaan, para ma break ang isang record, para matalo ang isang kalaban, kailangan nila ng bawat segundo. Kahit na 0.01 second pa yan.

  • Kapag ma late ka na sa klase mo, at naiwan ka ng tren.
O diba? Kung maaga aga ka lang sana ng tatlong segundo o limang segundo, kung tumakbo ka sana lalo, o kaya medyo binilisan mo ang lakad mo, hindi ka malalate sa school, hindi ka maiiwan ng tren na sasakyan mo.
  • Kapag nasa classroom ka na, at nageexam na sila kasi late ka.
Kung inagahan mo sana ng onti, hindi mo mararamdaman ang pressure, hindi mo proproblemahin ang exam, hindi mo proproblemahin kung ano yung tanong sa number 1 2 at 3. Kasi ang inabutan mo yung number 4 na.

Napakarami pa, sobrang rami pa ng mahahalagang segundo ng bawat buhay. Minsan nga sa loob ng isang segundo, nawawala sayo ang isang tao, sa loob ng ilang segundo, kinukuha ito sayo, sa loob ng ilang segundo, nawawala yung inalagaan mo ng ilang taon.

Napakamakapangyarihan ng segundo na yan, maaring mabago ang buhay mo at ang pagtingin ng tunay na halaga dito.