Habang nabubuhay ako, alam ko din sa sarili ko na balang araw, pwede ding mamaya, ay mamamatay din ako. Pero hindi na importante ‘yon o dapat takutan dahil alam naman din natin sa sarili natin na lahat tayo, dadaan diyan. Una-unahan lang ‘yan! Choth.
Kagaya nga din sa ibang bagay na sinimulan, magtatapos din sila. Tulad ng assignment, mga RPG games, at love(?) Ang buhay, parang jeep. Ang love, hindi dapat minamadali parang driver ng jeep. Trabaho lang niyang makapunta sa paroroonan mo. Kung masikip sa jeep, madami pang jeep diyan… May mga dadaan, may mga masasakyan ka pero hindi lahat ng lugar, isang sakayan lang. Siguro, sasakay ka ng ibang jeep… Pero hindi ka din magtatagal dahil akala mo, doon na ‘yon pupunta.
Bago ka sumakay ng jeep, tignan mo ‘yung mga sign sa windshield nila [Kilalanin mo muna ang tao]. Tulad nga ng sinabi ko kanina, wag magmadali dahil iisa lang din ang pupuntahan nating lahat. Una-unahan lang ‘yan.