Pages

Monday, December 5, 2011

Ako pauwi na, yung mga bata namamalimos pa sa daan.

Nakakalungkot tignan ang mga batang ito, sino pa ba? Edi yung mga pulubi sa daan, mga batang kalye, mga batang nakatambay sa overpass kahit na medyo masama ang ugali nila sa paghingi ng pera sayo, wala eh, wala kang magagawa kundi intindihin ang mga ito. Una mo kasing tatangungin dapat sa sarili mo, nag-aaral ba sila? May gabay ba sila ng magulang nila sa edad nila na iyon? Saan ba sila lumaki? Sa kalsada na diba? Kaya di mo masisi bakit ganun ang ugali nila.

Nakakalungkot lang na dis oras na ng gabi eh nasa daan pa rin sila. Namamalimos, naghahanap ng makakain, halatang walang magawa, kaya naglalaro na lang sila sa lansangan, overpass, pati na rin kung saan dumadaan ang mga sasakyan.

Minsan labag pa sa kalooban mo na abutan sila ng pera, hindi mo naman kasi alam kung ano ang bibilhin nila doon. Baka Rugby? O maaring ibigay rin sa magulang nila, para saan? Pang bili ng pagkain? O baka naman pang tong-its ni Nanay o kaya naman pambili ng Alak ni Tatay.

Di tulad nung ibang kabataan na may pera ang magulang, nakakapag-aral din naman pero bakit ganun ugali nila? Ugaling kalye. 
 
Basta, nakakalulungkot, dapat nagpapasalamat ka hindi ka ganun. Wala ka sa daan ngayon, may maayos kang damit, nakakapag-aral ka at kung ano ano pang biyaya ang meron ka ngayon. Nakakalungkot lang talaga ang kanilang sinapit, minsan na nga lang mabubuhay sa mundo ganung buhay pa ang naranasan nila