Pages

Friday, November 11, 2011

Takot mag Pasko mag-isa.

Maraming tao na naman ang namromroblema dahil darating na naman daw ang pasko na malamig sa kanila, pagkatapos nilang tirikan ng kandila noong nobyembre a uno eh ito namang pasko eh gusto atang tarakan ng Christmas lights ang kanilang mga puso para naman daw magka-ilaw ito.

Bakit nga kaya naging tradisyon ng ibang tao ang maghabol ng relasyon kapag mga ganitong araw? Dahil ba ito eh pagbibigay ng pagmamahalan? O kaya naman gustong i celebrate ang pasko na mas special? O mang huthot ng regalo sa nobyo? Pwede pwede diba?

Syempre mag babagong taon, bagong taon ng bagong buhay, bagong taon ng bagong ligaya, bagong taon na puno ng pangako, tapos darating ang araw na manlalamig na ulit sa isat-isa tapos mawawalan ulit ng nobyo tapos maaring magkabalikan ulit sa araw ng mga puso.

Ganyan yan eh, ganun kalupet, ganun katindi ang mga kabataan ngayon. Ano nga ba naman magagawa mo? Kesa iputok mo ng butsi yung kakulitan na ginagawa nila, eh bakit hindi ka nga rin naman maghanap tulad nila diba? At least sila na eenjoy ang buhay na maraming minamahal, kung kaya naman nilang sumaya ulit pagkatapos ng matinding problema, anong masama dun hindi ba?