Pages

Monday, December 19, 2011

At least sila meron. Ikaw wala.

May mga pagkakataon sa buhay ng isang tao na manlalait siya ng mga relasyon, mga taong nakikita niya sa mall, sa palengke, sa village niyo o kahit saan pa man na may nakikita kang magkasintahan na naglalakad.

Hinuhusgahan mo sila ayon sa itsura. Yung mga jejemon na nakikita mo sa mall na sobra makaakbay sa mga kani kanilang shota. Mga matatanda na daig pa ang mga bata makipag PDA sa mga Mall. Pero mas tanggap naman ng lipunan ang mga matatandang sobrang sweet, dahil bihira na ang ganun ngayon.

Minsan pa nga kapag mukhang katulong yung babae, sinasabi mo dayoff. Taos huhusgahan mo din ang kasama niya na maaring security guard o construction worker naman. 

At least meron sila yung tinatawag na tunay na pagmamahal, yung tunay na pag-ibig ika nga, yung hindi nila iniinda kung ano at sino sila, yung pinapahiwatig lang nila eh yung pagmamahal. Nararamdaman nila sa isat-isa yun. Kung tutuusin wala naman talagang panget na magkarelasyon. Patuloy na ang nag-iisip lang nito eh ang mga mapagkutyang tao, mga tao na walang ginawa kundi manira maitaas lang ang sarili nila.

Kaya mga nananatiling single eh, sabagay.. Hindi nga naman natin masisisi, malay mo ilang beses ng niloko ng kasintahan, malay mo puro palpak na lang ang pinasok na relasyon dahil ang gusto ko eh yung magandang bebot o isang mala Piolo Pascual na Chikboy. Ayan kaya sa huli iniiwan, niloloko, umaasa, pinapaasa.

Di tulad ng mga nilalait mo sa mall, dinaig ka nila sa diskarte, dinaig ka ng mga jejemon na inaasar mo, Bakit? Eh malakas loob nila e. Kanya kanyang swerte ika nga. Kanya kanyang bola ng kapalaran.

Kahit anong pang lalait pa yan sa kanila, at least sila meron.. Ikaw wala :)