Pages

Sunday, October 2, 2011

Pangungulila

Ang hirap pala sa pakiramdam kapag alam mong limitado lang yung mga oras na pwede kayong magkasama ng mga taong mahahalaga sa buhay mo. Yung tipong kahit gustuhin mo mang magkita kayo palagi o araw-araw eh hindi maaari? Para san nga daw ba ang mga salitang “Uy na miss kita” kung lagi lang din kayong magkikita. Naalala mo ba nung highschool ka pa? Sawang sawa ka sa mga kaibigan mo di ba? Tipong lagi mong sinasabi na gusto mo na mag college kasi nakakasawa na ang maging bata. Pero kapag dumating ka na sa punto ng hindi na kayo madalas mag kita, mami-miss mo din yung mga kalokohang mga ginawa niyo noong bata pa kayo.

Oh kaya naman ay sa mga kapamilya nating nasa abroad na nag bakasyon lang dito sa Pinas. Ayaw man natin silang paalisin ay wala tayong magagawa. Gustuhin man nating makasama sila ng matagal o kaya ay hindi na mag hiwalay. Bakit pa kasi kailangang mag kalayo kayo ng mga taong mahal mo sa buhay noh? Isa pa sa mga mahihirap na sitwasyon ay yung mga taong nasa LDR (Long Distance Relationship). Ang hirap pala ng pakiramdam ng pangungulila sa taong mahal mo. Gustuhin mo mang makita hindi naman pwede dahil sa pesteng distansya na yan.

Kaya sa oras na magkakasama na kayo, iparamdam mo na sa kanya kung gaano siya kahalaga. Hindi mo alam kung kailan pa ulit kayo magkakasama. Hindi mo alam kung kailan mo ulit maririnig yung boses niya, makikita ang muka niya ng harapan at higit sa lahat ang makita siyang masaya kasama ka. Kung meron man akong hihilingin dito sa mundo na to, siguro yun yung makasama ko yung mga mahal ko sa buhay at ang mga kaibigan ko. Gusto ko yung kumpleto, gusto ko yung walang aalis. Kahit na hindi ko na maramdaman yung “pagka-miss” basta magkakasama kami.