Temang baduy, makaluma, napaglipasan at masyadong madrama. Maraming negatibong impresyon ang kabataan sa mga kanta nina Claire Dela Fuente, Imelda Papin, Freddie Aguilar, ‘Yung kumanta ng “Napakasakit Kuya Eddie” tapos ‘yung “Bawal na gamot” at marami pang iba. Madalas ipang-joke time ‘tong mga ‘to at palit-palitan ang lyrics.
Siguro ‘yung tono o music lang ‘yung palya. Nag-iiba rin naman kasi ang taste ng bawat tao as time goes by, as it flies by. Kung dati, uso ‘yung mga ganun.. ngayon uso na ‘yung tsug-tsuku-pak na R&B tapos mga love songs na ni-revive lang naman nila nung 80’s at 90’s sa kapwa-OPM artist o sa forenjer na icon.
Actually, ‘yung lyrics nung mga kanta ng jukebox songs eh makatotohanan. In a sense na nagaganap talaga ‘yun sa totoong buhay, madaling makita lalo na sa henerasyon natin. Kagaya na lang nung Isang Linggong Pag-ibig na uso sa mga teenager na mapusok ngayon. ‘Yung bawal na gamot na halata mo namang pwedeng theme song ng mga Shabu addict, Chongke at Rugby Boys. ‘Yung kwento nung OFW sa napakasakit kuya Eddie.. ang daming ganun ngayon, mas dumami na rin kasi ang nagbabakasakali ng buhay sa ibang bansa pero ‘yung mga naiwan nila dito eh napapariwara. Ang pinaka-hindi nawala sa uso eh ‘yung Tukso dahil napakaraming nagkalat na polygamous ngayon.
Playlist ata ng kapit-bahay namin ‘tong mga nakasaad na kanta dito. Jukebox-an na!