Iba eh, dapat talented ka. Yung ibang pinaparating na pagka talented yung tipong hindi naman marunong kumanta eh pinapakanta. Iba talaga eh sobrang entertainer ng dating nila. Dalawa lang naman ito, ma entertain mo sila kung maganda ang boses mo o kaya naman ma entertain mo sila dahil panget ang boses mo. Ang mahalaga artista ka, audience sila at may ratings. Solb na!
Tulad rin sa pag arte may mga taong may itsura lang pero hindi naman magaling umarte. Akala mo kasali sa video ni Lady Gaga na poker face kung mga umarte. Mga walang emosyon, halatang hindi pa sanay. Halatang basta binunot lang sa mga talent search o kaya naman may itsura lang kaya ang inisip ng management eh ” Ayos na yan, ratings din yan “.
Iba talaga kapag artistahin ang mukha, tipong kahit hindi magaling eh laging napapansin, maraming tumatangkilik. Kahit na ramdam mo na walang kwenta, basta may itsura eh sige lang, anong magagawa mo? May manager ka eh, may fans, palagi silang na kyukyutan, naastigan sa itsura pero hindi nagagalingan. Ganun naman madalas ang industriya. Kung ano ang sabihin nito sayo eh dapat mong gawin. Kakanta ka ng LIVE sa audience pero lipsync lang pala ito? Ano yun? Naging komedyante ka na lang sana dahil ang galing mong mag joke.