Pages

Wednesday, October 5, 2011

Misyon sa buhay ng isang normal na tao.


Habang naliligaw ako kanina papunta sa caloocan my mga bagay ako na pansin. ano un?

Mga taong nag mamasahe, mga taong nagtitinda sa siomayan, mga taong nagtitinda ng itlog pugo sa labas, nagtitinda ng nilagang mani, cheesesticks at kwekwek, mga taong naglalagay ng maliit na ukay ukay sa overpass, mga taong nag bebenta ng patingi tingi na yosi, kendi, at taong nag bibigay ng discount card sa SOGO at MARIPOSA. Iisa lang naman ang gusto niyan, iisa lang ang misyon niyan sa buhay. 
Yun ang buhayin ang kani kanilang pamilya, buhayin ang sarili, makapagtapos ng pag-aaral. Habang naglalakad ako sa overpass. Doon ko nakita ang tunay na buhay ng isang tao, ang tunay na kahirapan na dinadanas ng Pilipinas, yung kahit na maambon na eh tuloy pa rin na nakalatag ang kanilang mga paninda. May mga ilaw, charger ng cellphone, mga 3 for P50 na medyas, sinturon, “LONG SHORTS, at SHORT SHORTS” Panis diba? Matindi, kapag nagtanong ka pa nga naman kung gaano kahaba ang LONG SHORTS eh baka ma praning sayo ang nag titinda.
Lahat naman ata tayo nagkakapareho sa misyon na yan, meron sa atin misyon makatapos, misyon makahanap ng trabaho at yung mga personal na misyon natin sa buhay.
Tumambay ako saglit para pagmasdan ang mga tao sa overpass, nakukuha pa rin nila ngumiti, magbiruan, mag tawanan. Natutuwa ako na kahit ganun ang buhay nila eh ang kuntento nila at ang saya saya nila. Minsan nakakainggit yung ganun na buhay, hindi dahil sa nahihirapan sila makakuha ng pera pero yung pagiging kuntento nila na kung ano na lang ang maibigay at makain basta masaya at kumpleto ang pamilya ay ayos na.
May mga tindera na bitbit ang anak nila, may mga nagtitinda naman na nasa bahay lang ang kani kanilang mga anak na malamang eh nasa lansangan. Yung iba eh doon na mismo nag sasalo salo, dala ang supot ng pansit, o kaya naman sabaw ng sinigang na susupsupin na lang sa ilalim ng plastik eh ayos na ayos na ang bonding ng kainan ng buong pamilya.
May i rerequest ka pa ba sa buhay mo? Sa oras na makita mo ang mga taong ito? Alam natin lahat na sobrang may blessing tayo kesa sa kanila, pero ito yung ipapaalam nila sayo na hindi mo kailangan maging malungkot, dahil may mga taong mas malungkot at mas matindi pa ang dinadanas na problema kesa sayo.