Pages

Monday, October 10, 2011

HINDI.


Hindi ako nagsasawang makita ka araw-araw, mula Lunes hanggang Linggo, wala akong pakelam. Hindi ako nagsasawang makita ang mukha mo sa bawat araw na nabubuhay ako sa mundo. Hindi ako nagsasawa sa itsura mo habang nagsasalita, tumatawa, nakasimangot, at kahit ano pa man. Hindi ako nagsasawang hawakan ang kamay mo kahit saan man tayo magpunta eh kulang na lang i-superglue ko nalang kamay ko sa kamay mo.

Hindi ako nagsasawang makipag-usap sa’yo kahit minsan wala tayong mapag-usapan. Hindi ako nagsasawa sa mga yakap mo na nang-iipit ng mga braso. Hindi ako nagsasawa sa halik mo, kesyo may laway o wala. Basta labi mo, swak na swak na ako. Hindi ako nagsasawang titigan ang mga mata mo kahit nakakaduling.

Hindi ako nagsasawa sa boses mo.. Di ako nagsasawang makasama ka na kahit minsan walang magawa, malakas parin ang trip nating dalawa na parang di magsyota, parang matalik na kaibigan lang. Hindi ako nagsasawa sa mga away nating dalawa na kahit nag kaka-tampohan na tayo, alam natin na yun ay kasama lang sa relasyon at nagpapatibay sa ating dalawa. Hindi ako nagsasawa sa mga korny pero nakakakilig na mga salita mo na talagang nagpapangiti sa akin. At higit sa lahat…
Hinding hindi ako nagsasawang mahalin ka. Bawat araw, lalong lumalalim ang nararamdaman ko para sa’yo. Akala ko nga dati dagat lang ang lumalalim, yun pala. Pati pagmamahal ko sa’yo. Bawat araw sinasabi ko sa sarili ko, di ko na kailangan pang maghanap ng iba. Maghahanap pa ba ako? Eh lahat naman ng gusto ko na sa’yo na. Sa bawat araw na ginawa ng Diyos, kung mawala ka man sa akin, parang nawalan narin ako ng buhay. Kasi di ka lang naman parte ng buhay ko. Sa katunayan, buhay na kita. Ikaw na ang buhay ko.
Kaya kahit araw-araw ko na sinasabi ‘to. Tulad ng linya ko..
Hindi ako nagsasawa.
Hindi ako nagsasawang sabihing…
Mahal na mahal kita.