skip to main |
skip to sidebar
- Kailangan niya ito - ang tinutukoy ko dito ay ang mga artista, umiiyak sila para kumita ng pera, kailangan nila umiyak para umarte at magustuhan ng tao sa mga telebisyon.
- Napamahal ang tao sa kanya - ito yung mga taong nagmahal at nasaktan, ito yung mga taong iniwan, pwede rin namang nangiwan. Basta kapag may taong nawala sa buhay nila. Namatayan, nawalan, at kahit ano pang dahilan ng pagkawala.
- Nasugatan ito - sa mga bata, kailangan ng pag-aaruga, kailangan ng kalinga, kaya nga kapag nadadapa ang bata tumatayo agad ito at tska lang iiyak hindi ba? Parang ganun din ang mga taong nasa edad natin ngayon, mga 16 to 20+ nagiging bata sila kapag nagmamahal, nasusugatan sila, hindi man ang kanilang tuhod,kamay,siko kundi ang puso nilang sinugatan.
- Takot - takot na mawala ang isang tao, takot baka bumagsak ang grade, takot dahil may kasalanan, takot dahil nagsinungaling. Kapag naghalo-halo ang problema biglang babagsak ang mga luha.
- Masaya - hindi porket umiyak ang isang tao eh malungkot na ito, minsan sa sobrang saya nito o kaya naman sa sobrang natanggap na sorpresa eh hindi sapat ang mga ngiti kaya napaiyak ang mga ito. Tears of Joy Ika nga, minsan lang mangyari sa buhay ng tao ito. Kaya ito yung mga luha na hindi makakalimutan.