Pages

Saturday, December 17, 2011

Taong kwarto ka rin ba?

Yung ang mundo mo eh umiikot sa loob ng kwarto, lalo na kapag may laptop ka or sariling desktop sa loob ng kwarto. Para bang napakaliit ng bahay mo dahil dun ka lang nakapirmi. Ok din kasi mag-isa minsan sa kwarto eh, nandun lahat ng privacy mo, lahat ng bagay na ginagawa mo eh maluwag mong nagagawa dahil nga walang nakatingin, walang nakikinig, sarili mong mundo. Ikaw ang boss, ikaw ang masusunod. Dito rin nakakapag-aral ng maayos. Onting soundtrip galing internet, o kaya naman galing mp3 player tapos may maliit na speaker eh may mahihiling ka pa ba?

Minsan masarap makipagusap kapag nasa loob ka lang ng kwarto, maari mong lambingin yung kinakausap mo, pwede ka mag open ng kahit na ano. Basta masaya kapag may sariling kwarto.

May mga tao rin naman na ang buhay eh nasa sala. Dahil nandun ang computer, dun na umiikot ang mundo niya, doon na siya nanunuod ng TV, dahil malapit din sa mesa doon na rin siya kumukuha ng pagkain at ginagawang Dining Table ang Computer Table.

Maiisip mo na ang swerte mo no? Dahil yung ibang tao nga walang matirhan, tapos ikaw eh pa petiks petiks lang sa loob ng kwarto mo.