Nakakalungkot tignan ang mga batang ito, sino pa ba? Edi yung mga pulubi sa daan, mga batang kalye, mga batang nakatambay sa overpass kahit na medyo masama ang ugali nila sa paghingi ng pera sayo, wala eh, wala kang magagawa kundi intindihin ang mga ito. Una mo kasing tatangungin dapat sa sarili mo, nag-aaral ba sila? May gabay ba sila ng magulang nila sa edad nila na iyon? Saan ba sila lumaki? Sa kalsada na diba? Kaya di mo masisi bakit ganun ang ugali nila.
Nakakalungkot lang na dis oras na ng gabi eh nasa daan pa rin sila. Namamalimos, naghahanap ng makakain, halatang walang magawa, kaya naglalaro na lang sila sa lansangan, overpass, pati na rin kung saan dumadaan ang mga sasakyan.
Minsan labag pa sa kalooban mo na abutan sila ng pera, hindi mo naman kasi alam kung ano ang bibilhin nila doon. Baka Rugby? O maaring ibigay rin sa magulang nila, para saan? Pang bili ng pagkain? O baka naman pang tong-its ni Nanay o kaya naman pambili ng Alak ni Tatay.
Di tulad nung ibang kabataan na may pera ang magulang, nakakapag-aral din naman pero bakit ganun ugali nila? Ugaling kalye.
Basta, nakakalulungkot, dapat nagpapasalamat ka hindi ka ganun. Wala ka sa daan ngayon, may maayos kang damit, nakakapag-aral ka at kung ano ano pang biyaya ang meron ka ngayon. Nakakalungkot lang talaga ang kanilang sinapit, minsan na nga lang mabubuhay sa mundo ganung buhay pa ang naranasan nila
Showing posts with label Mga nakapaligid sayo. Show all posts
Showing posts with label Mga nakapaligid sayo. Show all posts
Monday, December 5, 2011
Sunday, November 13, 2011
Buhay na puno ng Eksperimento
Ang buhay ay maaring madaan sa isang simpleng eksplanasyon na hindi na kailangan pang pahabain upang lubos na maintindihan. Isang simpleng parirala o pangungusap na madaling maintindihan. Para sa akin, ang buhay ay isang eksperimento. Saan? Sa ating sariling pagkatao. Eksperimento upang maunawaan natin kung ano ang mga bagay na kailangan nating pahalagahan at kung ano ang kailangang bitiwan gamit ang ating sariling utak at desisyon. Sa mundong ito, masasabi natin na lahat ay mahalaga. Pero, ano nga ba talaga ang buhay ng isang tao, ordinaryo man o hindi, mayaman man o mahirap.
Sa buhay ng tao, marami ang nararanasang problema, mga unos na dapat nating paglabanan. Ang mga pagsubok na ibinigay sa atin ng Diyos, na kailangan nating lampasan, na siya din namang nagpapalakas sa katatagan at pagkatao ng isang nilalang.
Marami nang kakaiba sa mundo ngayon. Maraming wirdo. Maraming mahirap intindihin. maraming mga taliwas sa nakikita at sa hindi. Maraming mga bagay na iba-iba ngunit kapag ating sinuri ay pareho lamang pala. Maraming akala mo ay totoo. Maraming totoo na mukha namang hindi. Marami kang makikitang hindi kapanipaniwala.
Oo, ang mundo, kung ating titingnan ay magulo, pero kung nanamnamin natin, tatanggapin, masaya naman talaga. Marami ang nagpapasaya sa iyo. Marami kang nakikitang nagugustuhan mo. Hindi man natin maintindihan ang ibang bagay alam mong ang mundo’y sadyang puno ng kulay.
Tulad ko, na minsan nang dumaan sa panahong gulong-gulo. Ayoko na, pero ginagawa ko. Masaya pero lumuluha. Nasasaktan pero laging nariyan. Matamlay pero laging nakaagapay. Ayaw maniwala pero sumusuporta. Malungkot pero nakangiti. Kontento pero kulang. Buhay pero tila walang bukas.
Natural siguro sa isang tao na dumaan sa buhay na naguguluhan ka sa katotohanan. Pagdaraanan at pagdaraanan ang kakaibang hanap sa tunay na pagkatao. Totoo ngang mahirap ang mga oras na ganito ngunit ang mahalaga matatag ang iyong paniniwala at alam mo ang lugar mo sa mundo. Hindi ka man maintindihan ng nakakarami ngunit alam mong may isang hindi ka iiwan, malimutan mo man minsan ang iyong sarili, babalik ka rin sa iyong pinanggalingan. Bagay na minsan ay labag sa iyong kalooban ngunit yan ang katotohanang na dapat isa loob mo dahil minsan bukod kay Bro, sarili mo lang ang tanging magiging kakampi at tagapagtanggol mo. At iyan ang buhay na puno ng eksperimento

Labels:
Mga nakapaligid sayo
Wednesday, November 9, 2011
Ang mga noypi pagdating sa concerts
Basta kung ano lang ang sikat na kanta, 'yun ang siguradong kayang sabayan ng mga Pinoy pagdating sa concerts. Kung ano 'yung pumasok sa charts, kung ano 'yung napatugtog sa radyo at napalabas sa Myx, kung ano 'yung nauso at naging hit. Hindi tayo kagaya ng ibang lahi na pagka may nag-concert na foreign o mapa-lokal man, kabisado talaga nila MOST of the songs at hindi 'yung na-mainstream at over-played lang. Napapansin ko lang din kasi sa mga DVD ng concert ng ganto-ganyang banda na nag-to-tour around the world eh kabisado talaga ng mga audience 'yung kanta nung pinuntahan nilang artist. Nakakatuwa.
Hindi ko naman nilalahat ang mga Pinoy, alam kong meron pa ring faithful sa pagbili ng mga album/pag-download ng mga kanta at nagkakaron ng time para pakinggan ang bawat kanta nito, i-kritiko o i-appreciate at hindi basta i-skip lang ng i-skip kasi hindi nila alam at hindi sila interesado kasi hindi ito famous.
Ang isa pang nakakalungkot eh nakakabisado lang ng mga tao ang mga kanta pagka disbanded na o wala na o retired na ang mga artist/s. Ano pa kayang silbi nun? Well, siguro dun papasok 'yung better late than never. Kaya siguro pumupunta na lang dito karamihan ng mga musicians kapag marami na silang baong hits o kundiman pagka may mga edad na sila. Ang awkward lang din naman kasi, isa lang 'yung hit mo pagtapos 'yun lang din ang alam sabayan ng audience race mo. Mas nakakatuwang bumalik kung talagang inembrace nila ang music mo 'di ba? 'Yan ang hirap 'pagka nagsesettle na lang tayo sa medisina ng mainstream

Jokebox songs.
Temang baduy, makaluma, napaglipasan at masyadong madrama. Maraming negatibong impresyon ang kabataan sa mga kanta nina Claire Dela Fuente, Imelda Papin, Freddie Aguilar, ‘Yung kumanta ng “Napakasakit Kuya Eddie” tapos ‘yung “Bawal na gamot” at marami pang iba. Madalas ipang-joke time ‘tong mga ‘to at palit-palitan ang lyrics.
Siguro ‘yung tono o music lang ‘yung palya. Nag-iiba rin naman kasi ang taste ng bawat tao as time goes by, as it flies by. Kung dati, uso ‘yung mga ganun.. ngayon uso na ‘yung tsug-tsuku-pak na R&B tapos mga love songs na ni-revive lang naman nila nung 80’s at 90’s sa kapwa-OPM artist o sa forenjer na icon.
Actually, ‘yung lyrics nung mga kanta ng jukebox songs eh makatotohanan. In a sense na nagaganap talaga ‘yun sa totoong buhay, madaling makita lalo na sa henerasyon natin. Kagaya na lang nung Isang Linggong Pag-ibig na uso sa mga teenager na mapusok ngayon. ‘Yung bawal na gamot na halata mo namang pwedeng theme song ng mga Shabu addict, Chongke at Rugby Boys. ‘Yung kwento nung OFW sa napakasakit kuya Eddie.. ang daming ganun ngayon, mas dumami na rin kasi ang nagbabakasakali ng buhay sa ibang bansa pero ‘yung mga naiwan nila dito eh napapariwara. Ang pinaka-hindi nawala sa uso eh ‘yung Tukso dahil napakaraming nagkalat na polygamous ngayon.
Playlist ata ng kapit-bahay namin ‘tong mga nakasaad na kanta dito. Jukebox-an na!

Wednesday, September 28, 2011
Paano gumawa ng romantikong pelikulang Pilipino.
- Pumili ng isang sobrang cheesy na kanta.
- Gawing literal ang lyrics ng kanta. At mula sa lyrics, bumuo ng isang kwento.
- Pumili ng linya mula sa kanta na gagawing title. Madalas yung title rin ng kanta o kaya nasa chorus.
- Piliin ang mga gaganap na artista:
- Piliin ang pinakasikat na loveteam para sa bida.
- Piliin ang mga bago/laos para sa support.
- Piliin ang mga beterano para sa magulang
- Dapat may conflict sa estado sa buhay ang magkaloveteam. Madalas mayaman ang lalake at mahirap ang babae. PWedeng parehong mayaman o mahirap. Depende sa kanta.
- Syempre, magkakainlaban ang dalawang bida.
- Pero parehas o isa sa kanila ang magkakaroon rin ng problema sa pamilya niya
- Magkakalabuan ang dalawang bida.
- At doon eepal ang mga kaibigan nila. Madalas dalawa. Isang pro at isang anti.
- Minsan may epal pang third party. Pwede ring wala.
- Magkakaroon ng lakas ng loob ang bida na may problema sa pamilya na kausapin ang kapamilya niya na may problema sa kanya
- At dahil dun, magiging mabait na ito at tutulungan ang bida.
- Magkakaroon ang konprontasyon ang mga bida at mauuwi sa paalam.
- Pagkalipas ng ilang taon, magkikita ulit sila at parang walang nangyari. Tapos icucut dun para bitin ang ending. Hindi malinaw kung nagkabalikan ba sila.
- Tandaan, ang kanta na ginawan ng kwento ay dapat paulit-ulit magpleplay sa buong pelikula. Ito lang ang dapat OST ng pelikula. Wala ng iba.
- Ipromote ang pelikula sa mga noontime show at talkshow.
- Gumawa ng gimik para pag-usapan.
Labels:
Mga nakapaligid sayo
Sunday, September 25, 2011
10 QUESTIONS FOR A NURSE
As some people say, “Nursing is a privilege.” For Lorenzo Quitalig, a nurse of a government-owned hospital, serving other people with a happy disposition is essential for an unquestionable passion for work.
QUESTION 1: Paano po naiiba ang nursing sa ibang profession? (How does nursing differ from other professions.)
LORENZO: Sa nursing kasi, halo-halo yan, sa ibang profession, nagfofocus ka lang sa isang bagay. Sa nursing, maraming kailangan. Dapat may patience, hardworking ka, and higit sa lahat hospitable. (You deal with a lot of things in nursing unlike with other professions, which focus on a single thing. To be a nurse, you have to be patient, hardworking and hospitable.)
QUESTION 2: Ano po ang paraan ninyo sa pag-alaga sa pasyente? (How do you take care of your patients?)
LORENZO: Itinatrato ko sila bilang pamilya. (I treat them like they are family members.)
QUESTION 3: Ano ang nakikita ninyong disadvantage sa pagiging nurse?(What are the disadvantages of becoming a nurse?)
LORENZO: Bilang isang nurse, palagi akong nasa loob ng ospital. Naeexpose ako sa mga sakit. (Being a nurse, I am always inside the hospital. I get exposed to a lot of diseases.)
QUESTION 4: Masaya po ba kayo kahit napapaligiran kayo ng mga tao na may sakit? (Are you happy even though you are surrounded by people who are sick?)
LORENZO: Ah, syempre naman. Gusto ko kasi nag-aalaga ng mga tao. (Yes. I love to take care of people.)
QUESTION 5: Ano po ang kahalagahan ng self sacrifice sa nursing? (What is the importance of self sacrifice in your profession?)
LORENZO: Sa sobrang pagod, dapat masaya ka pa din at dapat nagagawa mo pa din ang lahat para sa mga pasyente mo. Kapag walang self sacrifice, hindi mo nagagawa ng husto ang mga gawain ng isang nurse. (Even though you are tired, you must still be happy and you are still able to cater to the needs of your patients. When self sacrifice is absent, the tasks of being a nurse are not done.)
QUESTION 6: Ano po ang naitulong ng nursing sa buhay ninyo? (What are the things that nursing aided in your personal life?)
LORENZO: Ah, kunwari, nagkasakit ang kapatid ko o kaya family members. Alam ko na agad kung ano ang dapat gawin. Nakakapagbigay ako ng advice.(For example, my sibling or one of my family members got sick. I already know what proper action will be done. I can also give advice.)
QUESTION 7: May balak ka ba na magpatuloy sa pagiging isang doctor? (Do you have plans of becoming a doctor?)
LORENZO: Oo. Kapag nakapagipon na ako para makapagaral. Tutulungan naman din ako ng mga magulang ko. (Yes. As soon as I raise money that will suffice my tuition. My parents will be helping me with the expenses, too.)
QUESTION 8: Paano po nakatulong ang nursing sa pagbabago ng iyong pagkatao? (How did nursing help you in becoming a better person?)
LORENZO: Mas nagiging aware ako sa science. (I am more aware about science.)
QUESTION 9: Ano po ang nagiging motivation ninyo sa pagpapatuloy bilang isang nurse? (What serves as your inspiration in continuing your legacy as a nurse?)
LORENZO: Ang mga pasyente. Narealize ko na, maraming tao ang nangangailangan ng tulong namin. (The patients made me realize that there are a lot of people out there who need help from us.)
QUESTION 10: Ano po ang maibibigay ninyong payo sa mga nag-aaral o mag-aaral pa lamang ng nursing? (What advice can you give to people who are studying or will be studying nursing?)
LORENZO: Mag-aral ng mabuti at itrato ang pasyente bilang pamilya. (Study hard and treat your patients like family members.)
Labels:
Mga nakapaligid sayo
Saturday, September 24, 2011
10 QUESTIONS FOR A TAXI DRIVER
Metro Manila, to say the least, is enormous. There are many places that you can go to, including those must-see historical landmarks. What makes Manila different to other cities is the pace. Everything that is going within this metropolis goes on with an intensity that can be an overwhelming experience for a first time visitor.
What better way to be not confused travelling around Manila than taking a taxi ride? One taxi driver that I got to meet was MANG EDUARDO. A taxi driver for more than 10 years now.
QUESTION 1: Paano po ba kayo nagsimula bilang isang taxi driver? (How did you start as a taxi driver?)
MANG ED: Marami na kasi kaming nasubukan na business ng asawa ko pero nalugi naman. Kaya nagtrabaho na lang ako bilang taxi driver. (My wife and I have invested on several businesses but each one of them wasn’t entitled to any success. That is why I decided to work as a taxi driver.)
QUESTION 2: Kabisado niyo po ba ang halos lahat ng pasikot-sikot dito sa Maynila? (Do you know every street and avenue here at Manila?)
MANG ED: Sa tagal ko nang nagtratrabaho bilang isang taxi driver, nakibisado ko na halos lahat pero ung iba, hindi pa. Ung mga madalang puntahan. (Since I am working as a taxi driver for a long time now, I have knowledge on where most of the streets and avenues are located.)
QUESTION 3: Paano po kapag hindi ninyo alam ung pupuntahan nung sasakay sa taxi? (What do you do whenever you don’t know where is the exact location of a customer’s destination?)
MANG ED: Minsan tinatanong naman nila kung alam ko, tapos sinasagot ko kung oo o hindi. Kapag hindi ko talaga alam, itatanong ko sa customer kung saan malapit ang tinutukoy nila para naman may guide ako. Tapos, minsan sila na ang magsasabi kung liliko man o hindi. (Sometimes, customers ask me if I know where exactly their destination is, then I answer with a yes or no. If I don’t know the exact place, I ask the customer about landmarks that are near the destination so that I’ll have a guide. When we are near the destination, sometimes, they direct me where the exact location is.)
QUESTION 4: Masaya po ba kayo sa pagiging isang taxi driver? (Are you happy with your occupation as a taxi driver?)
MANG ED: Oo naman. (Of course.)
QUESTION 5: Nagkakasya po ba ang kinikita ninyo para sa pangangailangan ng pamilya ninyo? (Does your salary fit to the needs of your family?)
MANG ED: Pinagkakasya namin. Sa awa ng Diyos nakakaraos. (We try to meet our needs.)
QUESTION 6: Mahirap po ba maging isang taxi driver? (Is it difficult to be a taxi driver?)
MANG ED: Hindi naman. (Not really.)
QUESTION 7: Mapanganib po ba ang trabaho ninyo? (Is your job dangerous?)
MANG ED: Hindi naman pero minsan lalo na sa gabi. May mga lasing kasi na nagmamaneho pa tapos mababangga ka nila. (Not really but sometimes it is especially during the night. There are drunk drivers that come irresponsible when it comes to driving and suddenly hits you unexpectedly.)
QUESTION 8: Paano po kayo nagsisimula ng isang araw bilang isang taxi driver? (How do you start the day as a taxi driver?)
MANG ED: Magdadasal muna ako na sana mailigtas ako sa kapahamakan. (I will pray first for me to be sparred from danger.)
QUESTION 9: Nakikita niyo pa po ba ang sarili ninyo bilang isang taxi driver sa hinaharap? (Do you still see yourself as a taxi driver in the near future?)
MANG ED: Hindi na. Nagiipon kaming magasawa para magtayo ulit ng negosyo. Susubukan namin muli. (Not anymore. My wife and I are saving our money in order to invest in another business. We will try it again.)
QUESTION 10: Ano po ang mga pangarap ninyo sa hinaharap? (What are your dreams?)
MANG ED: Makapagtapos ang anak ko at maging matagumpay na sa negosyo. (My child to finish school and to become a successful entrepreneur.)
Labels:
Mga nakapaligid sayo
Friday, September 23, 2011
The Persistence of a Filipino
Filipinos tend to boast about their varied array of traits that is common in every true blooded Pinoy. Pinoys are hospitable, family-oriented, God-fearing, they have playful personalities, they are crafty and etc. But there is one particular trait I would like to instill in every Filipino, especially given the current situation of our nation: Persistence.
There are numerous problems that continually plague our country. Our economy is on a rapid decline, our government continues to reek of corruption and the worst part is, not too many people seem to be doing something about it. I am not implying that the modern Filipino is lazy, but rather, I believe that Filipinos today lack the drive and motivation to uplift themselves from their toxic environment. Filipinos have adapted the “learned helplessness” mentality and have accepted the notion that there is nothing they can do to actualize social change. Worse than that, we have settled into this culture of convenience wherein we no longer see the relevance of societal issues in our lives and refuse to help society. This in turn creates a culture of unnecessary dependence wherein we rely on others to do work that we are fully capable of doing. These cultures and mentalities continue to aid in the decline of ouronce glorious nation. And as we delve deeper into these lethal mindsets, we end up relying heavily on our government to do all the work for us. We develop this culture of illogical acceptance and blind conformity wherein we no longer think for ourselves or seek to question the given. Do not forget that it was this mentality that fuelled Hitler’s campaign in the 1930’s. A country of democracy that no longer seeks to question its government might as well be a dictatorship.
So many issues plague our country and you, as Filipinos, must realize that you have a role to play. Let your voice be heard on issues like the RH Bill, Automation of Elections, Corruption in the Government, Declining Educational Standards. The country must eliminate cultures of PASSIVITY and transform them into cultures of ACTIVISM. The Filipino citizens must not just watch from the sidelines. Channel the spirits of our forefathers when they questioned and rebelled Spanish Rule and fought for our democracy. We as modern day Filipinos must fight the very same fight. We must take ownership of our environment. Let us fight for Equality, Justice and Freedom. For these are more than just words, they are rights. Let us be persistent in our fight for a better Philippines for the future Filipino. Don’t give in to cultures of convenience or blind conformity. Use your minds, God blessed you with one. Do NOT lose it. I know it’s so easy to talk about hope and idealism, but sometimes, that’s all we need to do. Because talking about issues that matter, talking about ideas, talking about hopes and dreams is what can start this revolution that we need. So I pray that if you read this, TALK to other people about it. And encourage them to TALK to more people. Let us build this revolution with our minds and our voices. There is nothing wrong with being idealistic. Idealism, contrary to popular belief, is not blind optimism. Idealism doesn’t mean you are oblivious of reality. Idealism is seeing reality but refusing to accept it. Idealism and Persistence are the foundations of this nation. Let’s not break our foundation.
God bless the Filipino

Sunday, September 18, 2011
Subdivision People
Marahil marami sa atin dito ang nakatira sa mga subdivisions or villages. Yung iba naman pwedeng sa condo unit. Kung meron mang sa less-fortunate-place-to-live-in (ang panget kasi kung squatters) nakatira o kaya naman ay sa hindi kagandahang lugar eh kaunti lang. So bilang isang subdivision peeps napansin ko lang mayroong iba’t ibang klase ng mga nakatira dito
- POLITICIAN. Siyempre sa kahit saang lugar naman meron at merong mga politikong tao. Sila yung mga taong namumuno ng isang subdivision. Sila din yung mga
corruptsa mga monthly dues na binabayad natin.
- NEWSPAPERS. Mga taong malakas magkalat ng chismis sa isang subdivision. Madalas tong mag mula sa isang street hanggat makarating na sa kabila. Napansin ko din na mga kasambahay ang mga kadalasang newspaper ng isang subdivision.
- TALK SHOW HOST. Sila naman sila Aling Ester at Aling Baby na nasa kanto palagi. Sila yung mga dakilang chismosa na wala ng ginawa kung hindi umupo sa kanto pag sapit ng hapon at magdaldalan. Sila din yung mga taong laging tumitingin sa mga bagong muka sa loob ng subdivision.
- HARDCORE DRINKERS. Mga walang kamatayang manginginom. Laging nakatambay sa tindahan nila Aling Amy at may hawak na Red Horse o San Mig light. Madalas sila din yung mga malalakas mag vidoke at maiingay pag lasing na.
- ALIENS. Sila naman yung mga kapitbahay na hindi madalas or never lumabas ng bahay nila unless aalis sila. Sila yung mga taong magtataka na may kapitbahay ka palang ganon. Kadalasan din sila yung may mga sikreto na itinatago kaya di nakikipag-kaibigan sa ibang kapitbahay.
Marami pang ibang klaseng mga tao sa isang subdivision. Maging sino man sila kailangan mo pa din silang pakisamahan. Iba’t ibang uri ng tao, merong professionals meron ding hindi. Parang sa buhay, iba’t ibang klaseng tao lahat kailangan mo pakisamahan para lang maki-agos sa daloy ng panahon
Labels:
Mga nakapaligid sayo
Friday, September 16, 2011
TYPICAL BALIKBAYAN SCENES. FILIPINO STYLE
Marahil marami sa atin dito ang mga kamag anak eh nagta-trabaho sa abroad. Pwedeng si tatay, si nanay, si ate o kuya. Nandiyan din naman sila tito at tita at ang ating mga pinsan. Pansinin mo to tuwing pupunta ka sa Airport, na-obserbahan ko kasi kung paano natin salubungin ang mga kamag anak natin galing ibang bansa. Kapag balikbayan:
Lahat tayo may kanya kanyang estilo ng pag sundo sa ating mga kamag anak galing abroad. Ang sarap lang talaga sa pakiramdam pag pupunta ka ng airport kasi susundo ka. Hindi yung pupunta ka doon para mag hatid at alam mong matagal na panahon nanaman ang bibilangin mo para lang magkasama ulit kayo
- MAS MARAMI PA YUNG BOX KAYSA SA BAGAHE. Mga naglalakihang box ang makikita mo dala-dala ng mga trolley nila. Ang laman? Sangkatutak na pasalubong. Nandiyan yung mga pabango, toiletries, damit, mga gamit sa bahay, at kung ano anong pang display.
- NAKA-PORMA. Lalo na pag seaman ang tatay o tito mo. Alam na alam ko mga get up ng seaman dahil seaman ang tatay ko. Mga long hair yan, usually naka-polo o kaya nakasumbrero. Tapos mapuputi sila, lalo na kung sa Europe galing. Kung di naman seaman, mahahalata mo naman ang mga suot nila dahil naka-jacket at naka-shades sila.
- FANSIGNS. Placards. Para naman to sa mga taong susundo. Kanya kanyang paraphernalia ang dala para lang i-welcome yung bagong dating. Lalo na kung sobrang tagal na nilang di nakita ang isang kamag anak! Tapos andiyan na yung mga yakapan epek.
- ISANG TROPA. Applicable to sa mga kamag anak ng mga taong nasa probinsya. Kung hindi ako nagkakamali mga sampu ang minimum na bilang ng mga ito. Dahil kung hindi sa jeep nakasakay eh sa isang malaking van kasama ang buong pamilya, yung iba pati kapit bahay kasama. Tapos magkakainan sila habang nag aantay ng paglapag ng eroplano ng kamag anak nila.
- DUTY FREE. Pinaka-masayang parte ito ng pag sundo. Siyempre makakabili na kayo ng mga paborito mong tsokolate at chichiria. Andiyan din yung mga makukulit na crew nila at pipilitin kang bilhin yung mga paninda nila. Merong mga alak, laruan, damit at pabango. Pinakagusto ko? Yung grocery! (SPAM)
Lahat tayo may kanya kanyang estilo ng pag sundo sa ating mga kamag anak galing abroad. Ang sarap lang talaga sa pakiramdam pag pupunta ka ng airport kasi susundo ka. Hindi yung pupunta ka doon para mag hatid at alam mong matagal na panahon nanaman ang bibilangin mo para lang magkasama ulit kayo
Labels:
Mga nakapaligid sayo,
Pananaw sa buhay
Wednesday, September 14, 2011
Sa Pamantasang Walang Pantas
Patalino nang patalino ang sangkatauhan, sangkabataan, sanlipunan ngayon. Nauubusan na tayo ng mga taong walang opinyon—lahat may masasabi, lahat may boses. Lahat inaakalang ang pagiging opinyonado ay pagiging matalino. Masyado na tayong matalino na nakakalimutan na natin ang kahulugan at kahalagahan ng pagiging mangmang.
Masyado tayong hinuhubog ng popular na kultura at alam nating lason ito sa atin. Lason sa lipunan ang popular na kultura at pinapanatili tayong timik, walang-unlad. At sa’n tayo dinadala nito? Pumasok man tayo sa isang pamantasan, hindi natin magaganap ang salik ng pamantasan na pagpapantas. Na ang talino natin ay talinong akala nating sapat. Mga opinyon na walang basehan, opinyong suhetibo, opinyong hindi sinusuri nang maigi.

Sa pamantasang pinapasukan ko ngayon, naubos na ang pantas. Maging ang mga tinitingala ay nawawalan na ng kapantasan at napupuno ng kapintasan. Sa pamantasang pinapasukan mo ngayon, hindi talino ngunit estado social na lang ang iniintindi at nauubos na ang pagtanaw ng kahalagahan ng estado ng intelektwal na pag-unlad. Mga sanaysay na nauubusan ng intelektwal na batayan, mga school of thought na nawawalan ng thought, mga propesor na walang propesyon, mga estudyante ng pamantasan na hindi napapantas.
Sa bawat paghangad ng pagtaas ng kalidad ng edukasyon, lalong bumababa. Estado ma’y pinapabayaan na ang edukasyon. Ang kabataan nga daw ang pag-asa ng bayan.
Sa bawat paghangad ng pagtaas ng kalidad ng edukasyon, lalong bumababa. Estado ma’y pinapabayaan na ang edukasyon. Ang kabataan nga daw ang pag-asa ng bayan.
Labels:
Mga nakapaligid sayo
TIPS NA DAPAT GAWIN SA ISANG PILA.
Di naman bago sa ating mga Pilipino ang sumabak sa iba’t ibang klaseng pila lalo na at alam naman natin na may pagka-bulok ang sistema ng ating bansa kaya tayo ay napipilitang sumabak sa matinding hassle na ito. Narito ang ilang tips na pwede mong gawin para matanggal ang iyong pagkainip sa pila.
- MAKE FRIENDS - Minsan kailangan mong kapalan na ang muka mo, lalo na kung sobrang haba ng pila at sa tingin mong bukas ka pa matatapos. Lapitan mo na yung mga type mong chicks oh kaya naman ay mga papable. Dumiskarte ka ng malupit para magkaron ka ng kaibigan. (effective pag mag isa ka lang)
- Mag dala ng mga gadgets - Pag loner ka eh at alam mong isang buong araw ka pipila nun kailangan mo nito. Bukod sa pampalipas oras eh magagawa mong maaliw ang sarili mo kahit papano kaysa naman tumanganga ka.
- Mag lista ng NOISY - Eto effective lang kapag wala kang dalang gadgets, wala kang kaibigan, try mong mag lista ng noisy sa cellphone mo oh kaya naman lista mo yung mga dumadaan at mga singit sa pila at mag sumbong sa guard.
- Mag dala ka ng pagkain - Naku, kung PBB oh kaya naman pag kuha ng passport ang pipilahan mo eh sigurado gugutumin ka. Kaya dapat laging handa at laging puno ang tiyan.
- Pag tripan ang mga bagay bagay na makikita sa paligid - Effective ulit kung mag isa ka lang, wala kang gadgets, at wala ka ulit kaibigan. Kapag may nakita kang nakakatuwang bagay mapa-bato man yan o kaya naman halaman eh pag tripan mo na ito, pero wag masyado pahalata baka kasi mapagkamalang baliw.
- MAGSISIGAW KAPAG MALAPIT NA SA DULO - Ito yung pinakamasarap na pakiramdam sa isang pila, kapag malapit ka na sa dulo. Mararamdaman mong sobrang worth it yung pagod mo kapag nakuha mo na ang gusto mo.
Labels:
Mga nakapaligid sayo
Sunday, September 11, 2011
Paghahambing
Buhay sa elementary
- uso ang cleaners
- uso ang mga coloring books, materials, at ibat-iba pang coloring activity.
- uso ang flashcards ng multiplication.
- Uso ang muse at escort.
- Tuwang tuwa kapag may parada o sabihin na nating United Nation Day.
- Takot kang malista sa noisy and standing.
- Natutuwa ka dati sa pencil case na dragonball o kaya sailormoon. Kung elementary ka ngayon sigurado akong Ben10 o kaya naman Barbie ang pencil case mo.
Buhay Highschool
- hindi na uso ang cleaners.
- uso na mag drawing gamit ang bond paper para sa values education niyo.
- uso na ang oral recitation ng multiplication.
- matututo kang magmahal sa stage ng buhay mo na ito.
- matututo kang masaktan dahil nagmahal ka.
- hindi lang sarili ang problema mo dito, kundi ang ibang tao.
- hindi ka na takot malagay sa noisy and standing.
- Boss ka kapag president ka sa classroom.
- gusto mo nang sumipsip sa teacher mo.
- masaya ka kapag natapat ang bagyo o holiday kapag biyernes.
Buhay college
- sabi ng iba petiks lang. akala lang nila yun, kaya patuloy silang bumabagsak e.
- dadami ang barkada mo.
- maeexplore mo pa ng malaki ang mundo.
- aasa ka sa mga mababait na professors.
- kaaway mo ang mga terror na professors.
- pwede ka na gumamit ng calculator pero hirap ka pa rin i solve ang problems sa blackboard.
- Dati unisilver ang kwintas mo, ngayon Flash drive na dahil sa dami ng files at pinapatypes ng professors niyo.
- Kunwari may project ka at mag oovernight sa kaklase mo, yun pala may kasiyahan lang kayo.
- Maaring gumala kapag mahaba ang oras ng vacant mo.
- Hawak mo ang schedule mo depende kung paano ka nag enroll.
Labels:
Mga nakapaligid sayo
Thursday, September 8, 2011
What do you think is the role of the call center agents in our society?
Anonymous asked: pwede po magtanong? help sna. What do you think is the role of the call center agents in our society? im not that good at expressing my opinions kase, kaya hihingi sana kong help. sna ok lang po. Thank you po. Kahit na hindi nyo na ko ihelp, thank you pa din :)
Kung assignment ‘to, hindi ko alam kung makakatulong kasi kadalasan ng hinihingi sa mga write-ups sa school ay positive dapat. Katulad ng tanong: What is the role of the call center agents in our society? Pwede namang “is there a significant role played by the call center agents that affects our society?” which could be answered by yes or no, hindi ‘yung former question na obligado kang magsagot ng tungkol do’n kasi “what is” hindi “is there.”
Anyway, to answer your question (about my opinion), I think due to the popularity of the BPO workforce, masyado nating tinitignan na malaki ang naitutulong nito sa bansa, which is not true, as far as my calculations are concerned (prove me wrong). They serve foreign investors and not the country. Well, they pay large amounts of taxes to add to the government fund but that’s all they contribute to the economy. Katulad nga do’n sa sinabi ko sa isang nagtanong sa’kin, they are helping other countries, not ours. Also, due to the popularity of it, we are losing our almost-gone Pilipino culture which had been in danger for so long since we are an American dictated country, even our culture is in danger as well as our economy. The way most of our generation’s population dream a large amount of pay with the dreams coming true with being “call center agents,” we don’t seem to value the regular workplace, the regular professions. Just like what the other anonymous asker asked, we don’t seem to dream larger and the people who dream of being professionals, like teachers, clerks, secretaries, etc. have been minimal; it is, maybe, because the large portion of the population are preoccupied with the thought that at BPOs, the salaries are high with a regular job in which we think that is the only place we could get that amount of pay.
In that, also, thinking that there are higher paying jobs, we don’t seem to care about lower-earning people and just dream of having higher pays than the others. We don’t seem to make a legitimate call for high salaries for the regular workers because we are eaten by the thought that everyone has an exit from low-paying jobs, which is the BPO workplace, and the regular workers—the factory laborers, secretaries, maintenance, assistants, the working class—are left with lower wages.
The people who work in it do not affect our society, it is the nature of work and the popularity of it is what’s affecting us: that we have to deal with the fact that we have to be slaves and nothing more. And the role of the call center agents? Tax payers.
Labels:
Mga nakapaligid sayo
Reklamador Nation
Ilang beses kong nabasa ngayon ang mga katagang “reklamo kayo nang reklamo, wala naman kayong ginagawa para umunlad” at “ang pagbabago ay nagsisimula sa sarili” sa iba’t ibang baryante at iba’t ibang pagkakamali sa paggamit ng balarila. Hindi ko alam kung kelan ko sinimulang alimurahin ang pag-iisip na ganito. Na kesyo naninisi ang iba kahit na walang ginagawa, kahit na mga tambay, nakikisisi sa mga kasamaang-palad na tinatamasa nila—na wala silang karapatang sisihin ang gubyerno dahil wala silang ginagawa para sa sarili nila. Kaunti pa lang ang nababanggit ko pero unti-unti ko nang gustong sabihin at ilabas ang sentimyento ko sa mga taong pilit na tinutunggali ang mga tumutunggali. Na ang mga taong walang magawa para sa sarili nila ay nagkukubli sa kanilang mga kawalang-silbi dahil sila rin ay natatakot tumunggali sa mga bagay na hindi nila kayang gawin para sa sarili nila.
Isang araw lang naman ang kinailangan ko para mabago ang pananaw ko sa mundo. Hindi ko naman talaga siya kinailangan dahil kusang lumapit ang liwanag na tumapat sa pikit kong mga mata. Hindi man siya tunay na liwanag dahil dilim lang ang nakita ko pagdilat dahil walang tanglaw ang ibinabanderang araw at bituin ng ating watawat. Ni walang puti ang puting nakapaligid dito. Ang asul ay nagmimistulang itim at ang pula sa ilalim ay pilit ding isinasama sa dilim ng estado ng bayang magiliw
Pero ano nga ba ang dapat na pamantayan para makapagreklamo ka? Dapat ba ay may naia-ambag ka sa bayan para makapagreklamo ka? Para ba itong Timezone na kailangan munang may credits ang iyong Reklamo Card para makapagreklamo ka sa bawat istasyong pagrereklamuhan? Kailangan bang may estado ka sa buhay at hindi ka mababang-uri bago makapagreklamo? Hindi ko alam kung ano ang batayan ng mga taong nagsasabing “gumawa ka muna sa sarili mo kung gusto mo ng pagbabago” para sabihin nila ‘yon sa mga mabababang-uri na walang kapasidad para umunlad dahil pinipigilan ito ng mga nakatataas na uri na kung susumahin ay kakarampot lamang dito sa ating bansa. Na ang mga naghaharing-uri ay halos iisang bahagdan lamang ng buong populasyon ng Pilipinas. Na ang mga gitnang-uri ay nagmamataas dahil alam nilang hindi sila kabilang sa nakararaming nakabababang uri kahit na tinatapakan pa rin sila ng iilan… Kaya ba ang tingin na lang nitong mga gitnang-uri sa mga babang-uri ay walang karapatan para magreklamo dahil pakiramdam nila ay malaki na ang naiaambag nila sa bansa? Hindi ba’t nakakatapak ito ng dangal ng malawak na bilang ng mga maralita nating kababayan? Na kailangan mo munang umunlad para magkaboses. Na kailangan, may yaman ka para maging mamamayang lumalaban. Na kailangan, hindi ka dukha para hindi ka kundenahin sa iyong pagkukundena
Medyo matagal na panahon na, ilang taon na rin ang nakalipas nang magkaro’n ako ng matatag na pundasyon sa aking sariling pananaw at ang aking politikal na pag-anib sa ideyolohiya ng kaliwa. Medyo matagal na nung una kong dinilat ang mata at ininda ang aking estadong panlipunan dahil kung tutuusin, iisang malaking tumpok tayo ng populasyon na inaalipusta ng mga nakatataas at hindi natin kailangan ng mataas na estado ng pamumuhay para lang magkaro’n ng boses. Mali ang sistema at hindi ang mamamayan. Ang estado ang nagbunga ng kamalian ng sanlipunan sa Pilipinas at hindi ang mamamayan. May mali sa sistemang panlipunan at hindi mali ang mamamayan. Marahil ay hindi niyo matanggap na sa sarili niyo ay wala rin kayong magawa kaya hindi kayo makapagreklamo sa estado na hindi naman naglilingkod sa atin. Marahil ay hindi niyo makita na ang mga mamamayan, mga kapwa niyo, ay naghihirap dahil sa bulag niyong mga mata sa maluwag at masagana niyong pamumuhay—pero ayan sila, nagrereklamo at nananawagan para sa kanilang mga karapatang sibil. Marahil ay natanggap niyo na ang kasinungalingang walang magagawa ang mga panawagan para magbago ang lipunan. Marahil nagsawa ka na sa mga isyung naglilipana. Marahil, marami pang dahilan… Ngunit may mali sa lipunan at hindi mali ang mamamayan kaya ang mamamayan ay nananawagan at hindi basta nagrereklamo at naninisi. Nananawagan sa pagbabagong panlipunan na sasalba sa bawa’t isa. Na sa pagbabagong panlipunan lang, sa pagrereklamong inyong tinutukoy, magkakaro’n ng tunay na pag-unlad ang ating bansa.
Na nasa kolektiba at sama-samang pagkilos, at hindi sa hiwa-hiwalay at isa-isang pag-unlad, nakikita ang pagbabago.
Labels:
Mga nakapaligid sayo
Friday, August 26, 2011
Normal na ginagawa ng isang tao kapag umuulan.
Nag iinternet - Nagiinternet sila dahil ito na lang naman talaga ang pinakamagandang gawin ng isang kabataan ngayon. Nandito ang buhay nila kapag nasa bahay sila. Tamang nakikipag chikahan kulitan sa mga kaibigan nila online.
Kumakanta - isang ritual para manatili ang bagyo eh sinasabayan nila ito ng pagkanta. Tipong kanta lang ng kanta, videoke lang ng videoke hanggang maging signal number 3 na ang ulan. Ewan ko ba bakit lumaki ang mga taong may paniniwalang kapag kumakanta ka eh umuulan.
Nag dodrowing - Ginagawa ng mahihilig sa arts. Tipong idinrowing na ang lahat. Muta, kulangot, buhok ng tao, isang tunay na tao, isang paboritong karakter at marami pang iba. Nakakainggit yung magaling gumuhit. Sarap magnakaw ng talent.
Tamang Text lang - GM dito, GM doon. Nilalamig daw siya at kailangan niya ng kayakap. Ayan kasi, binreak ang bf/gf eh hindi alam na may bagyong dadating ayan tuloy nanlalamig dahil sa sobrang hinanakit sa naging desisyon niya sa buhay niya.
Movie Marathon - Aba ito ang pinakamainam gawin. Manunuod ng mga pelikulang napanuod na, o kaya naman mag dodownload ng bagong pelikula sa internet. Swerte kapag malinaw ang kopya. Sabayan mo pa ng Order sa paborito mong Fastfood chain.
Kumain - Kailangan pa ba ng paliwanag dito?
Matulog - hindi nila nababasa ito ngayong blog ko. Dahil tulog sila ngayon. Ayan o tulo laway. Patuloy na nananaganip ng matiwasay.
Labels:
Mga nakapaligid sayo
Tuesday, August 16, 2011
Kagandahan sa panunuod ng pelikula.
Ang kagandahan kapag nanunuod ka ng pelikula eh yung values na matututunan mo dito. Depende sa pinanuod mong palabas.
- Kapag gera ang pinanuod mo matututunan mo pano tumapang.
- Kapag tungkol naman sa pag-ibig matututunan mo ang ibat-ibang problema sa relasyon pero sa huli nagkakabalikan rin ang mga ito.
- Kapag tungkol naman sa fantasy ang pinanuod mo, matututunan mo ang ibat-ibang imahinasyon na meron ang bawat tao. Maari mang hindi totoo ang mga ito pero pede mo ito gawing inspirasyon.
- Kapag naman pinanuod mo eh yung tungkol sa mga bampira na may glitters sa mukha. Matututunan mo na ang glitters pala eh pwede gawing make up.
- At kapag inspirational movies naman, naku po dito ka tatamaan talaga. Tipong tapos na ang pelikula eh napapaisip ka pa. Ang tindi lang
Labels:
Mga nakapaligid sayo
Tuesday, July 26, 2011
BAKA SAKALING TUMAMA AKO!
Madalas na sinabi ng mga pinoy sa tuwing tataya sa mga instant yaman promo. Kahit sa simpleng raffle ay gusto nilang manalo (sino nga namang ayaw?). Kaya siguro may mga ganitong ugali ang mga pinoy dahil gusto nila ng ginhawa, sa tagal ba naman ng Pilipinas na nakakaranas ng hirap, sino ba namang ayaw makaranas ng ginhawa?
Mga libangan na nakikita ng mga pinoy bilang simbolo ng pag-unlad at pag-ahon sa hirap…
Mga libangan na nakikita ng mga pinoy bilang simbolo ng pag-unlad at pag-ahon sa hirap…
- Lotto - pinakasikat na sugal na maituturing. Ito ang pinakapatok na sugal sa Pilipinas. May iba’t ibang section ito, 6/35, 6/40, 6/45, 6/49, 6/55. Nakapagtataka pa ba na marami ang pumipila at naghahantay dito ng pagkatagal-tagal kung ang premyo ay higit pa sa yaman ng isang presidente? Siguro nga isang instant kaswertehan dapat ang makuha mo bago mo makuha ang isang instant premyo. Kapag nanalo ka naman dito ay instant delikado rin ang buhay mo dahil tyak hahantingin ka ng mga masasamang loob. Pati mga kamag-anak mo, hahantingin ka din.
- Jueteng - kinahuhumalingan noong panahon ni pangulang ERAP. Ito ang sugal na ilegal sa bansa natin. Hindi ito pinapayagan, di ko alam kung bakit. Hanggang ngayon ay hindi pa rin namamatay ang kultura ng Jueteng. Maliit lang kase ang presyo ng itatatya mo pero kapag nanalo ka e ang laki ng mapapanalunan mo. At alam mo ba kung bakit hindi matigil-tigil ito? Anak ng Jueteng kase ‘yang sila Juan, gusto umunlad ng biglaan.
- Sweepstakes - ‘di tulad sa lotto, makikita mo na agad ang resulta nito. Bibili ka ng card (sweepstakes card) sa halagang 20-100 piso tapos kailangan may extra piso ka pa para mag-scratch. Parang tanga ka lang dun nagi-scratch tapos di ka naman mananalo dahil mahirap manalo dito. Sa lahat naman mahirap e. Swertihan lang din ang pagkapanalo dito.
- Karera ng Kabayo - mula sa paghahanda, hanggang sa katapusan. Nakatutok ang mga dilat na mata ng isang mananaya sa karera ng kabayo. Hindi maiiwasan ang tensyon dahil malakihan ang taya dito at kapag tumama ka e solid boy! Minsan ay bigla nalang sisigaw ‘yung nakataya na “P*tngina! Bilisan mo, matatalo ‘yung pangbigas ko!”.
- Sabong - mula sa pagkokondisyon ng manok hanggang sa paglaban, nakatutok ang amo at ang mga fans nito. Malakihang tayaan din ang nangyayari sa sugal na ito. Paglalabanin ang dalawang manok hanggang sa may tumakbo o may mamatay na isa. 1,000-80,000 piso ang tayaan dito (pinagsama-sama na ang lahat ng taya).
Labels:
Mga nakapaligid sayo
Monday, July 25, 2011
Grabe talaga ang kontribusyon ng malamig na panahon sa katamaran
- Ang hirap gumising at bumangon sa kama,
- Nakakatamad maligo,
- Nakakatamad pumasok o magtrabaho,
- Halos sa lahat ng bagay tinatamad ka na,
- Uminom ng mainit na kape, o tsokolate,
- Magyakapan
- Minsan nakakagawa pa ito ng “sweet moments” (Halimbawa yung mga napapanood mo sa pelikula, na dalawang tao sumilong sa ilalim ng puno dahil inabutan ng ulan, etc.)
Labels:
Mga nakapaligid sayo
Friday, July 22, 2011
Buhay sa Loob at Labas ng Internet
Marami satin ang sineseryoso kung ano ang nakikita dito sa internet. Lalo na kung blogger ka ng maraming bagay, kunwari ang pagkakaalam ng tao dito sayo eh seryoso ka dahil sa mga seryoso mong mga posts. Pero hindi mo alam na sa personal pala eh kalog na kalog pala ang taong iyon
Minsan nahuhusgahan tayo dito dahil sa mga nasasabi natin, sa mga opinyon na ibinibigay natin na mali sa mata ng iba. Sa oras na mali ang opinyon natin sa mata ng iba mag uumpisa na silang humusga.
Masyado kasi nilang siniseryoso ang mga nakikita nila ng hindi man lang kinikilala yung mga taong nasa likod nito. Minsan nga yung taong masama pa sa internet yung mababait pa sa personal e.
Napakadaling mag sabi ng kasinungalingan sa internet.
Kaya hindi alam ng tao ang tunay na personalidad mo dito sa loob ng internet, hindi kasi nila nakikita yung itsura mo. Walang emosyon, hindi ka nila mahuhulaan kung anong itsura ng mukha mo habang sinasabi yun. Puro sulat lang naman yung nandito e. Hindi ba?