Pages

Wednesday, November 16, 2011

Panlabas na anyo lang 'yan

Para sa akin hindi importrante kung hindi ganong kagandahan o kagwapuhan ang isang tao. Kung baga sabi nga nila aanhin mo naman ‘yun kung wala kang magandang ugali di ba? Aanhin mo ang magandang hitsura kung wala ka namang pinagaralan umasta o sabihin nanating low-IQ. 

Useless lahat ng ‘yan, kung baga eh pang front ka lang hanggang pa pogi o nag mamaganda lang. Napansin ko lang kasi sa ibang tao na hindi sila satisfied sa mga hitsura nila. Lagi nilang sinasabi na sana maganda / gwapo din ako, para naman may magkagusto sa akin o kaya naman para hindi ako nahihiyang humarap sa tao. Ang baba ng tingin nila sa sarili nila. Eh ano naman kung di ka nga kagandahan o kagwapuhan? Kung meron ka namang magandang puso, at matalino ka, sapat na ‘yun para maging proud ka sa sarili mo.

Isa pa, basta ba magaling ka manamit or kahit di ka ganong kagaling at least malinis ka manamit, mabango ka at kaaya-aya sa paningin. Presentable ka, at sa kahit na sinong tao ka ipakilala, taas noo kang haharap sa kanila. 

Hindi naman kasi importante na dapat maputi ka maganda ka o gwapo ka, basta kaya mong iharap ang sarili mo sa ibang tao sapat na ‘yun. Kaya wag kang mahihiya, ipagmalaki mo kung sino ka, dahil wala kang katulad. Hanggat wala kang ginagawang masama o natatapakang ibang tao, wala ka dapat ikahiya maging ano man ang hitsura mo