Pages

Wednesday, September 28, 2011

Paano gumawa ng romantikong pelikulang Pilipino.


  1. Pumili ng isang sobrang cheesy na kanta.
  2. Gawing literal ang lyrics ng kanta. At mula sa lyrics, bumuo ng isang kwento.
  3. Pumili ng linya mula sa kanta na gagawing title. Madalas yung title rin ng kanta o kaya nasa chorus.
  4. Piliin ang mga gaganap na artista:
    • Piliin ang pinakasikat na loveteam para sa bida.
    • Piliin ang mga bago/laos para sa support.
    • Piliin ang mga beterano para sa magulang
  5. Dapat may conflict sa estado sa buhay ang magkaloveteam. Madalas mayaman ang lalake at mahirap ang babae. PWedeng parehong mayaman o mahirap. Depende sa kanta.
  6. Syempre, magkakainlaban ang dalawang bida.
  7. Pero parehas o isa sa kanila ang magkakaroon rin ng problema sa pamilya niya
  8. Magkakalabuan ang dalawang bida.
  9. At doon eepal ang mga kaibigan nila. Madalas dalawa. Isang pro at isang anti.
  10. Minsan may epal pang third party. Pwede ring wala.
  11. Magkakaroon ng lakas ng loob ang bida na may problema sa pamilya na kausapin ang kapamilya niya na may problema sa kanya
  12. At dahil dun, magiging mabait na ito at tutulungan ang bida.
  13. Magkakaroon ang konprontasyon ang mga bida at mauuwi sa paalam.
  14. Pagkalipas ng ilang taon, magkikita ulit sila at parang walang nangyari. Tapos icucut dun para bitin ang ending. Hindi malinaw kung nagkabalikan ba sila.
  15. Tandaan, ang kanta na ginawan ng kwento ay dapat paulit-ulit magpleplay sa buong pelikula. Ito lang ang dapat OST ng pelikula. Wala ng iba.
  16. Ipromote ang pelikula sa mga noontime show at talkshow.
  17. Gumawa ng gimik para pag-usapan.