Pages

Showing posts with label Pananaw sa buhay. Show all posts
Showing posts with label Pananaw sa buhay. Show all posts

Wednesday, October 5, 2011

Misyon sa buhay ng isang normal na tao.


Habang naliligaw ako kanina papunta sa caloocan my mga bagay ako na pansin. ano un?

Mga taong nag mamasahe, mga taong nagtitinda sa siomayan, mga taong nagtitinda ng itlog pugo sa labas, nagtitinda ng nilagang mani, cheesesticks at kwekwek, mga taong naglalagay ng maliit na ukay ukay sa overpass, mga taong nag bebenta ng patingi tingi na yosi, kendi, at taong nag bibigay ng discount card sa SOGO at MARIPOSA. Iisa lang naman ang gusto niyan, iisa lang ang misyon niyan sa buhay. 
Yun ang buhayin ang kani kanilang pamilya, buhayin ang sarili, makapagtapos ng pag-aaral. Habang naglalakad ako sa overpass. Doon ko nakita ang tunay na buhay ng isang tao, ang tunay na kahirapan na dinadanas ng Pilipinas, yung kahit na maambon na eh tuloy pa rin na nakalatag ang kanilang mga paninda. May mga ilaw, charger ng cellphone, mga 3 for P50 na medyas, sinturon, “LONG SHORTS, at SHORT SHORTS” Panis diba? Matindi, kapag nagtanong ka pa nga naman kung gaano kahaba ang LONG SHORTS eh baka ma praning sayo ang nag titinda.
Lahat naman ata tayo nagkakapareho sa misyon na yan, meron sa atin misyon makatapos, misyon makahanap ng trabaho at yung mga personal na misyon natin sa buhay.
Tumambay ako saglit para pagmasdan ang mga tao sa overpass, nakukuha pa rin nila ngumiti, magbiruan, mag tawanan. Natutuwa ako na kahit ganun ang buhay nila eh ang kuntento nila at ang saya saya nila. Minsan nakakainggit yung ganun na buhay, hindi dahil sa nahihirapan sila makakuha ng pera pero yung pagiging kuntento nila na kung ano na lang ang maibigay at makain basta masaya at kumpleto ang pamilya ay ayos na.
May mga tindera na bitbit ang anak nila, may mga nagtitinda naman na nasa bahay lang ang kani kanilang mga anak na malamang eh nasa lansangan. Yung iba eh doon na mismo nag sasalo salo, dala ang supot ng pansit, o kaya naman sabaw ng sinigang na susupsupin na lang sa ilalim ng plastik eh ayos na ayos na ang bonding ng kainan ng buong pamilya.
May i rerequest ka pa ba sa buhay mo? Sa oras na makita mo ang mga taong ito? Alam natin lahat na sobrang may blessing tayo kesa sa kanila, pero ito yung ipapaalam nila sayo na hindi mo kailangan maging malungkot, dahil may mga taong mas malungkot at mas matindi pa ang dinadanas na problema kesa sayo.

Tuesday, September 27, 2011

Bayad po, SM lang. Dalawa.

Lahat ng sinimulan, may katapusan. Except nalang ‘yung counting numbers. Try mong magbilang hanggang infinity.
Habang nabubuhay ako, alam ko din sa sarili ko na balang araw, pwede ding mamaya, ay mamamatay din ako. Pero hindi na importante ‘yon o dapat takutan dahil alam naman din natin sa sarili natin na lahat tayo, dadaan diyan. Una-unahan lang ‘yan! Choth.
Kagaya nga din sa ibang bagay na sinimulan, magtatapos din sila. Tulad ng assignment, mga RPG games, at love(?) Ang buhay, parang jeep. Ang love, hindi dapat minamadali parang driver ng jeep. Trabaho lang niyang makapunta sa paroroonan mo. Kung masikip sa jeep, madami pang jeep diyan… May mga dadaan, may mga masasakyan ka pero hindi lahat ng lugar, isang sakayan lang. Siguro, sasakay ka ng ibang jeep… Pero hindi ka din magtatagal dahil akala mo, doon na ‘yon pupunta.
Bago ka sumakay ng jeep, tignan mo ‘yung mga sign sa windshield nila [Kilalanin mo muna ang tao]. Tulad nga ng sinabi ko kanina, wag magmadali dahil iisa lang din ang pupuntahan nating lahat. Una-unahan lang ‘yan.

Monday, September 19, 2011

Kung walang facebook ano kaya ang mangyayari?


  • Matututo kaya gumamit ang mga magulang natin ng internet?
  • May maghohold on kaya sa LDR? (Long Distance Relationship)
  • Lagi ba natin hawak ang ating cellphone dahil ito na lang ulit ang tulay sa komunikasyon?
  • Magkakaroon kaya ng paligsahan na like contest?
  • Magkaka grade ka siguro ng hindi pinapalike ang project mo sa school?
  • O kaya naman manalo sa isang paligsahan na hindi kailangan ng like ng ibang tao.
  • Mauuso kaya yung mga tag na yan na nagiging dahilan ng pag-aaway ng mag jowa?
  • Ano na nga kaya ang perception ng tao sa LIKE na salita? Ito ba ang sapilitang paglike ng isang entry dahil kaibigan mo ang nagsabi sayo?
  • Nauso kaya ang pag angkin ng Lupa sa Farmville at pagbenta ng kaibigan sa Friends For Sale, at magkaroon ng magandang bahay sa Sims Social?
  • Ano nga kaya tunay na buhay kapag walang Facebook?
  • Siguro masaya ang friendster.
  • Malalaman mo kaya talaga ang birthday ng kaibigan mo?
  • Magiging espesyal kaya ang kaarawan mo dahil wala namang babati dahil nga wala itong si facebook? Pero mas na appreciate mo yung bumati sa cellphone dahil naalala talaga nila ang birthday mo

Friday, September 16, 2011

TYPICAL BALIKBAYAN SCENES. FILIPINO STYLE

Marahil marami sa atin dito ang mga kamag anak eh nagta-trabaho sa abroad. Pwedeng si tatay, si nanay, si ate o kuya. Nandiyan din naman sila tito at tita at ang ating mga pinsan. Pansinin mo to tuwing pupunta ka sa Airport, na-obserbahan ko kasi kung paano natin salubungin ang mga kamag anak natin galing ibang bansa. Kapag balikbayan:

  • MAS MARAMI PA YUNG BOX KAYSA SA BAGAHE. Mga naglalakihang box ang makikita mo dala-dala ng mga trolley nila. Ang laman? Sangkatutak na pasalubong. Nandiyan yung mga pabango, toiletries, damit, mga gamit sa bahay, at kung ano anong pang display.
  • NAKA-PORMA. Lalo na pag seaman ang tatay o tito mo. Alam na alam ko mga get up ng seaman dahil seaman ang tatay ko. Mga long hair yan, usually naka-polo o kaya nakasumbrero. Tapos mapuputi sila, lalo na kung sa Europe galing. Kung di naman seaman, mahahalata mo naman ang mga suot nila dahil naka-jacket at naka-shades sila.
  • FANSIGNS. Placards. Para naman to sa mga taong susundo. Kanya kanyang paraphernalia ang dala para lang i-welcome yung bagong dating. Lalo na kung sobrang tagal na nilang di nakita ang isang kamag anak! Tapos andiyan na yung mga yakapan epek.
  • ISANG TROPA. Applicable to sa mga kamag anak ng mga taong nasa probinsya. Kung hindi ako nagkakamali mga sampu ang minimum na bilang ng mga ito. Dahil kung hindi sa jeep nakasakay eh sa isang malaking van kasama ang buong pamilya, yung iba pati kapit bahay kasama. Tapos magkakainan sila habang nag aantay ng paglapag ng eroplano ng kamag anak nila.
  • DUTY FREE. Pinaka-masayang parte ito ng pag sundo. Siyempre makakabili na kayo ng mga paborito mong tsokolate at chichiria. Andiyan din yung mga makukulit na crew nila at pipilitin kang bilhin yung mga paninda nila. Merong mga alak, laruan, damit at pabango. Pinakagusto ko? Yung grocery! (SPAM)

Lahat tayo may kanya kanyang estilo ng pag sundo sa ating mga kamag anak galing abroad. Ang sarap lang talaga sa pakiramdam pag pupunta ka ng airport kasi susundo ka. Hindi yung pupunta ka doon para mag hatid at alam mong matagal na panahon nanaman ang bibilangin mo para lang magkasama ulit kayo

Thursday, September 15, 2011

ONLY GOD KNOWS.

Siya lang naman kasi ang makakapagsabi kung hanggang kailan lang tayo mabubuhay dito sa mundo. Life on Earth is very short. Sabi nga nila live our life to the fullest, so that when your time comes to death, you’ll have a happy feeling that you haven’t wasted your time, instead you have done your best. Mabuhay tayo ng tama, hanggat may pagkakataon tayo para makagawa ng magandang bagay para sa kapwa natin. Hanggat may pagkakataon pang tumulong gawin na natin. Hindi natin masasabi kung hanggang saan lang tayo. Wag natin sayangin yung magandang pagkakataong binigay sa atin ni God.

Nakakalungkot lang talaga pero darating talaga yung mga pagkakataong may mawawala na mahal natin sa buhay. Isa sa mga pinakamasakit na pagkakataon na sa ating buhay na hindi natin kayang pigilan. .

Kaya ano dapat nating gawin? Make the most of every moment. Live happy. Para kahit na nawala ka na agad alam mo sa sarili mo na masaya kang nabuhay dito sa mundo. Hindi mo kasi masasabi ang panahon. Malay mo ito na din pala yung huling pagkakataon na mababasa mo yung text post na gawa ko. Wag naman sana

Wednesday, September 14, 2011

HAPPINESS IS A CHOICE.

Isa to sa mga overrated statements na lagi nating naririnig. Para sa akin eh magulo tong statement na to. Pwede ko ding sabihing bull crap. Bakit? Sino ba naman kasi ang gusto malungkot di ba? Lahat naman tayo ay gusto maging masaya sa mga kanya kanya nating buhay. Oo nga sabihin nating pinipili ang maging masaya pero minsan kailangan mo ding makaramdam ng kalungkutan. Hindi mo naman kasi masasabi na masaya ka sa isang bagay kung hindi ka nakaramdam ng kalungkutan.
Minsan kasi kahit na anong pilit ang gawin mo sa sarili mo para sumaya ay hindi talaga pwede. Kahit na ipakita mo sa lahat ng tao na masaya ka kahit na alam mo sa sarili mo na hindi naman sino ba sa tingin mo ang niloloko mo? Di ba ang sarili mo din naman?
Hindi naman kasi masama maging malungkot eh, talagang darating to sa mga buhay natin. Hindi mo din pwede paniwalain ang sarili mo sa isang bagay na alam mong hindi naman totoo. Dahil kapag ganyan ang lagi mong ginagawa, sinasanay mo ang sarili mong mabuhay sa isang malaking kasinungalingan.Higit sa lahat kailangan mong maging malungkot para malaman mong SUMAYA ka pala.

Wednesday, September 7, 2011


Parte ng buhay ang pagiging malungkot, pero gagawin mo dapat ang lahat ng makakaya mo para maiwasan ito. Napakasandali lang ng oras para lumigaya, tapos isisingit mo pa ang kalungkutan na nararamdaman mo. Saan ka na lang pupulutin niyan? Sino pa ang aasahan mong tutulong sayo? Yung taong piniling saktan ka at pabayaan?


Mas kilala mo ang sarili mo. Hindi naman niya nakikita na malungkot ka ngayon e, hindi bat para kang lugi sa ginagawa mo? Habang ikaw na malungkot , siya naman tong hindi ka napapansin at nagsasaya.

Tuesday, September 6, 2011


ISIPIN MO, KUNG NAGING MADALI LAHAT NG BAGAY SA MUNDO, SA TINGIN MO BA, MAAAPPRECIATE MO PA ANG KAGANDAHAN NITO?
MAIISIP MO PA BANG MAGSUMIKAP? HINDI NA DIBA?

Monday, September 5, 2011


Nawawala lang naman sayo ang isang tao kapag hindi mo ito naalagaan ng tama.

Thursday, September 1, 2011

Kung ano man yung mga pagkakamali mo, huwag mong pagsisihan yun dahil hanggang sa huli tandaan mong naging desisyon mo yun. Parte yan ng pagkakamali na nararanasan ng karamihan. Kung simpleng pagkakamali lang naman eh wala dapat alalahanin. Marami pa namang susunod na pagkakataon. Pagkakataon na mas mapapabuti pa, pagkakataon na posibleng maging mas ayos pa sa iniisip mong kahihinatnan ng iyong gagawin.

Lagi mong tatandaan na desisyon mo yan. Ang desisyon na ginawa mo para sa sarili mo ay hindi pinagsisisihan

Wednesday, August 31, 2011

May mga bagay na kahit sa pagsusulat ay hindi mo pa rin maipaliwanag ang nararamdaman mo.

Ang hirap lang kasi hindi mo alam kung ano ang gagawin mo. Hindi mo alam kung saan ka lulugar. Ewan ko ba. Siguro, parte lang talaga ito ng buhay. May oras na sobrang guguluhin ka ng isip mo. Ngunit sa gitna ng kaguluhan na kasalukuyan mong hinaharap, pilit pa ring hinahanap ang saya at halaga ng pangyayaring ito. Ano nga bang saysay nito? Paano nga ba ito malalagpasan?

Bahala na si Batman.

Friday, August 26, 2011

PAHALAGAHAN MO ANG MGA BAGAY NA AYAW MONG MAWALA SAYO.


KAPAG BINALEWALA MO ITO, MAAARING MAKITA MO NALANG ITONG HAWAK NA NG IBA…AT HINDI MO NA PWEDENG BAWIIN PA.

Friday, August 5, 2011

Time Flies



Before you know it, today becomes yesterday and tomorrow is already knocking at your door. When last night and tonight seems like it’s one and the same, because it feels like there’s less and less daylight anymore.

I can’t lie and say that I never have those days where I feel like time has stopped, when I feel trapped in a moment for the longest time. It’s like the hands of time are holding me in place for no apparent reason. But for the most part, especially lately, I feel like there isn’t enough time altogether. Either there isn’t enough time, or maybe I’m just not making the most of what time I have.

I’m at the point where I’m realizing the value of time, and how I should appreciate it more. Because every second I don’t use is a second that I’ll never get back. Eventually, that unused time will accumulate and maybe even become days. Days that I wish I could have used to be with family, friends, or to go out and live it up.

Time doesn’t stop for anyone, or anything. I just feel like it’s up to me to determine whether it was a waste of time, or something more.

Sunday, July 17, 2011



No matter what, once in your life, someone will hurt you. That someone will take all that you are, and rip it into pieces and they won’t even watch where the pieces land. But through the breakdown, you’ll learn something about yourself. You’ll learn that you’re strong. And no matter how hard they destroy you, that you can conquer anyone.

"masyado maganda ang buhay para malungkot".

goodnight sa mga matutulog na at goodmorning sa mga gising pa.. well bago ako matulog gusto ko sana mag post ng bagay na masaya. ung tipong gagaan ung loob ng makakabasa.. gusto ko iparating sayo na gaano kalungkot ang gabi mo ngaun panigurado bukas ng umaga my ngiti sa labi mo. dahil binigyan tayo ng Diyos ng panibagong araw para makita pa ang masasayang bagay sa mundo.. alam ko mahirap ngumiti pag sobra lungkot ramdam ko yan. kaso hindi ka pwede sumuko. my mga taong nag mamahal sayo. my mga taong gusto ka makita masaya. wag mo sayangin ang buhay mo sa mga taong hindi mag dudulot ng maganda sa buhay mo. "masyado maganda ang buhay para malungkot" isipin mo langam lang ang problema mo kumpara sa mga batang lumalaban sa cancer ngaun..

Wednesday, July 13, 2011

Mga taong masayahin:

  • Mababaw ka ba at onting bagay lang eh natatawa ka na? Kahit corny?
  • Nagagawa mo bang magbiro kahit may problema?
  • Kahit gaano kahirap yung bagay, nagagawa mo bang ngumiti at magpatawa?
  • Hindi ka naman “pasaway”, gusto mo lang talaga mag-enjoy sa buhay
  • Kahit sa pag-ibig, nasasaktan ka na, pilit pa ring pinasasaya ang mga bagay
  • Isa ka sa mga “kalog”, kahit mga katropa mo, sobrang nakakarelate sayo kasi ganon din sila
Ngunit alam mo ba, na ang mga ganitong klaseng tao, ay yun pa ang mayroong pinakamabigat na problema? Oo, panay ngiti ang makikita mo sakanila, hindi mahahalata na mayroon silang pinagdadaanan. Hindi sa ayaw nilang magpatulong sa ibang tao, ang gusto lang nila, sila muna ang umayos ng mga problemang ito. Baka raw kasi konting “positive thoughts” ay maging okay ang lahat, kaya idaan sa ngiti, idaan lang sa tawa. Kaya masasabi ko, ang mga tulad nila ay matatawag na isa sa mga pinakamalakas na tao.
Ngayon, Isa ka ba sakanila?

Monday, June 27, 2011

So, nabigo ka lang, eh susuko ka na?

Karamihan satin, pagsuko agad ang unang option.
  • Bumagsak sa Licensure Exam, suko na.
  • Nabasted, hindi na daw siya manliligaw kahit kanino.
  • Nasaktan sa pag-ibig, hindi na daw siya magmamahal kahit kelan.
Marami pang sitwasyon. Ngunit iisa lamang ang problema. Pagsuko.
Bakit nga ba mas pinipili ng iba ang pagsuko? At least daw, sinubukan nila. Tapos na. Pero hindi eh. Paano kung yung future mo ang nakasalalay don? Wala na? Pababayaan mo na lang mawala yung pangarap mo?
Wala ka dapat panahon sa pagsuko. Subukan mo lang. Isipin mo kung bakit ka nabigo sa unang pagkakataon? Dahil ba may kulang? O nasobrahan? Dahil ba hindi pa ito ang tamang panahon? Dahil ba hindi ito ang para sa akin? Dahil ba kelangan ko pang galingan? Minsan, sa diskarte lang yan.

Kelan lang ba dapat sumuko?

Kapag nagawa mo na ang lahat. Kapag sa tingin mo, wala na talaga. Pero hindi ko sinasabi na pwede ito sa lahat ng bagay. May exceptions lang.

Kaya pag-isipan mo ng mabuti ang bawat bagay na gagawin mo. Sa ngayon, nabigo ka. Pero hindi ibig sabihin non, isusuko mo na ang lahat.

Minsan, masasabi talaga nating “Ang sarap mabuhay.”

Yun bang parang kumpletong kumpleto na. Wala nang hahanapin pa. Napaka-kumportable na ng kinalalagyan mo. Yung ipinagdadasal mong sana wag nang matapos o kaya sana bumagal ang oras. Minsan ba, naranasan mo na ito? Ang saya noh? Mga munting patikim sa atin ng buhay, mga panahon ng kasiyahan. Ngunit hindi lahat ganito, hindi lagi masaya ang mga pangyayari sa ating buhay. Ito ay para matuto din tayong mag-appreciate ng ibang bagay, yung hindi lang lahat saya. Matuto din tayong tumanggap ng pagkakamali, ng pagkasawi, at ng pagkalungkot.

Ito ang buhay ng tao. Napakaraming dapat matutunan.
Lagi mong sabihin sa sarili mong “Ang sarap mabuhay.” Dahil walang nakakaalam kung hanggang kelan lang ito. Kaya habang andiyan pa, pahalagahan mo na.

Saturday, June 25, 2011

Kailan ba nakuntento ang tao?

Kahit kailan hindi ito makukuntento, totoo yan, palaging maghahanap ng iba yan. Ang taong nasabing nakuntento na ng husto eh pwede na sigurong mamatay. Wala na siyang gusto sa buhay niya eh, kuntento na siya, maaring masama pagkakasabi ko pero may pagka methapor lang yan. Ganyan talaga ang Pinoy, demanding tayo eh.

Tignan mo ha

    Ang kulot nag papa straight ng buhok.
    Ang straight naman nagpapakulot ng buhok.
    Ang taong mapuputi gusto maging morena.
    Ang mga taong kayumanggi naman eh gusto maging maputi.
    Ang taong mahirap eh walang pinagkaiba sa taong mayaman, pareho silang nangangarap ng malalaking bagay, syempre parehas lang naman tao yun eh, yun nga lang mas nagsikap yung taong mayaman kaya ang tanging pinagkaiba nito eh yung posibilidad na pangarapin ng bawat isa.
    Yung taong maliliit minsan gusto tumangkad.
    May mga taong matatangkad naman na hiniling na sana lumiit sila ng onti.
    Dati single ka naghahanap ka ng karelasyon.
    Ngayong taken ka naiinggit ka sa mga taong single. ano ba talaga ate/kuya?

Mainam ang ikot ng mundo, sadyang magulo. Tila hindi lang climate change ang naapektuhan, pati ata mind shift ng tao eh naapektuhan na rin. Basta marami pang bagay tayong hinihiling sa tuwing nakukuha natin yung gusto natin, patuloy at patuloy na dadating ang demand mo sa sarili mo.

Maari kang mag demand sa sarili mo, gamit na gusto mo, bagay na gusto mong gawin ng tao sayo.

Minsan nga pati atensyon ng tao eh hindi rin nakukuntento, may mga taong patuloy na  nagpapansin dahil sa tingin nito na kulang pa ang atensyon na binibigay sa kanya.

Kapag nagsimula kang badtrip sa umaga, maaring hanggang katapusan ng araw mo eh badtrip ka.

Always wear that sexy smile pag gising sa umaga :) Ang panget din naman kasi nun, kagigising mo lang badtrip ka na agad? Eh wala pa nga nangyayari? Ay maari rin pala mangyari yun, meron kang panaginip na hinahantay tapos nangyari siya tapos nabitin ka no? Oo nga kawawa nga, tipong aalalahanin mo palagi bakit hindi natuloy, bakit ginising ka ng magulang mo, an sakit sa ulo dahil puyat ka, tapos binitin pa panaginip mo, tapos hindi pa masarap ulam mo mababatrip ka nga sa umaga.

Pero huwag ka mandadamay ng tao kapag badtrip ka, pag mga kaibigan mo ang nabadtrip sayo baka wala kang takbuhan niyan. Minsan kasi kailangan muna natin kumalma bago tayo makisalamuha sa iba. Mahirap kasi kapag tao ang binabangga, you will never know ano ang pwedeng mangyari sa gagawin mong aksyon.

Kaya ingat sa paglabas ng nararamdaman.