Pages

Tuesday, July 26, 2011

BAKA SAKALING TUMAMA AKO!

Madalas na sinabi ng mga pinoy sa tuwing tataya sa mga instant yaman promo. Kahit sa simpleng raffle ay gusto nilang manalo (sino nga namang ayaw?). Kaya siguro may mga ganitong ugali ang mga pinoy dahil gusto nila ng ginhawa, sa tagal ba naman ng Pilipinas na nakakaranas ng hirap, sino ba namang ayaw makaranas ng ginhawa?
Mga libangan na nakikita ng mga pinoy bilang simbolo ng pag-unlad at pag-ahon sa hirap…
  • Lotto - pinakasikat na sugal na maituturing. Ito ang pinakapatok na sugal sa Pilipinas. May iba’t ibang section ito, 6/35, 6/40, 6/45, 6/49, 6/55. Nakapagtataka pa ba na marami ang pumipila at naghahantay dito ng pagkatagal-tagal kung ang premyo ay higit pa sa yaman ng isang presidente? Siguro nga isang instant kaswertehan dapat ang makuha mo bago mo makuha ang isang instant premyo. Kapag nanalo ka naman dito ay instant delikado rin ang buhay mo dahil tyak hahantingin ka ng mga masasamang loob. Pati mga kamag-anak mo, hahantingin ka din. 
  • Jueteng - kinahuhumalingan noong panahon ni pangulang ERAP. Ito ang sugal na ilegal sa bansa natin. Hindi ito pinapayagan, di ko alam kung bakit. Hanggang ngayon ay hindi pa rin namamatay ang kultura ng Jueteng. Maliit lang kase ang presyo ng itatatya mo pero kapag nanalo ka e ang laki ng mapapanalunan mo. At alam mo ba kung bakit hindi matigil-tigil ito? Anak ng Jueteng kase ‘yang sila Juan, gusto umunlad ng biglaan.
  • Sweepstakes - ‘di tulad sa lotto, makikita mo na agad ang resulta nito. Bibili ka ng card (sweepstakes card) sa halagang 20-100 piso tapos kailangan may extra piso ka pa para mag-scratch. Parang tanga ka lang dun nagi-scratch tapos di ka naman mananalo dahil mahirap manalo dito. Sa lahat naman mahirap e. Swertihan lang din ang pagkapanalo dito.
  • Karera ng Kabayo - mula sa paghahanda, hanggang sa katapusan. Nakatutok ang mga dilat na mata ng isang mananaya sa karera ng kabayo. Hindi maiiwasan ang tensyon dahil malakihan ang taya dito at kapag tumama ka e solid boy! Minsan ay bigla nalang sisigaw ‘yung nakataya na “P*tngina! Bilisan mo, matatalo ‘yung pangbigas ko!”. 
  • Sabong - mula sa pagkokondisyon ng manok hanggang sa paglaban, nakatutok ang amo at ang mga fans nito. Malakihang tayaan din ang nangyayari sa sugal na ito. Paglalabanin ang dalawang manok hanggang sa may tumakbo o may mamatay na isa. 1,000-80,000 piso ang tayaan dito (pinagsama-sama na ang lahat ng taya). 
Sa kulturang ibinigay at ipinamana sa atin ng mga espanyol ay naiwan ang kaugaliang pagsusugal. At hanggang ngayon ay hindi pa rin ito natatanggal. Hindi naman masama magbaka sakali na bigla kang yumaman pero lagi mo lang tandaan na “Lahat ng bagay ay pinaghihirapan”.