Pages

Friday, July 22, 2011

Buhay sa Loob at Labas ng Internet

Marami satin ang sineseryoso kung ano ang nakikita dito sa internet. Lalo na kung blogger ka ng maraming bagay, kunwari ang pagkakaalam ng tao dito sayo eh seryoso ka dahil sa mga seryoso mong mga posts. Pero hindi mo alam na sa personal pala eh kalog na kalog pala ang taong iyon

Minsan nahuhusgahan tayo dito dahil sa mga nasasabi natin, sa mga opinyon na ibinibigay natin na mali sa mata ng iba. Sa oras na mali ang opinyon natin sa mata ng iba mag uumpisa na silang humusga.
Masyado kasi nilang siniseryoso ang mga nakikita nila ng hindi man lang kinikilala yung mga taong nasa likod nito. Minsan nga yung taong masama pa sa internet yung mababait pa sa personal e.
Napakadaling mag sabi ng kasinungalingan sa internet.

Kaya hindi alam ng tao ang tunay na personalidad mo dito sa loob ng internet, hindi kasi nila nakikita yung itsura mo. Walang emosyon, hindi ka nila mahuhulaan kung anong itsura ng mukha mo habang sinasabi yun. Puro sulat lang naman yung nandito e. Hindi ba?