Di naman bago sa ating mga Pilipino ang sumabak sa iba’t ibang klaseng pila lalo na at alam naman natin na may pagka-bulok ang sistema ng ating bansa kaya tayo ay napipilitang sumabak sa matinding hassle na ito. Narito ang ilang tips na pwede mong gawin para matanggal ang iyong pagkainip sa pila.
- MAKE FRIENDS - Minsan kailangan mong kapalan na ang muka mo, lalo na kung sobrang haba ng pila at sa tingin mong bukas ka pa matatapos. Lapitan mo na yung mga type mong chicks oh kaya naman ay mga papable. Dumiskarte ka ng malupit para magkaron ka ng kaibigan. (effective pag mag isa ka lang)
- Mag dala ng mga gadgets - Pag loner ka eh at alam mong isang buong araw ka pipila nun kailangan mo nito. Bukod sa pampalipas oras eh magagawa mong maaliw ang sarili mo kahit papano kaysa naman tumanganga ka.
- Mag lista ng NOISY - Eto effective lang kapag wala kang dalang gadgets, wala kang kaibigan, try mong mag lista ng noisy sa cellphone mo oh kaya naman lista mo yung mga dumadaan at mga singit sa pila at mag sumbong sa guard.
- Mag dala ka ng pagkain - Naku, kung PBB oh kaya naman pag kuha ng passport ang pipilahan mo eh sigurado gugutumin ka. Kaya dapat laging handa at laging puno ang tiyan.
- Pag tripan ang mga bagay bagay na makikita sa paligid - Effective ulit kung mag isa ka lang, wala kang gadgets, at wala ka ulit kaibigan. Kapag may nakita kang nakakatuwang bagay mapa-bato man yan o kaya naman halaman eh pag tripan mo na ito, pero wag masyado pahalata baka kasi mapagkamalang baliw.
- MAGSISIGAW KAPAG MALAPIT NA SA DULO - Ito yung pinakamasarap na pakiramdam sa isang pila, kapag malapit ka na sa dulo. Mararamdaman mong sobrang worth it yung pagod mo kapag nakuha mo na ang gusto mo.