Pages

Sunday, September 18, 2011

Subdivision People

Marahil marami sa atin dito ang nakatira sa mga subdivisions or villages. Yung iba naman pwedeng sa condo unit. Kung meron mang sa less-fortunate-place-to-live-in (ang panget kasi kung squatters) nakatira o kaya naman ay sa hindi kagandahang lugar eh kaunti lang. So bilang isang subdivision peeps napansin ko lang mayroong iba’t ibang klase ng mga nakatira dito
  • POLITICIAN. Siyempre sa kahit saang lugar naman meron at merong mga politikong tao. Sila yung mga taong namumuno ng isang subdivision. Sila din yung mga corrupt sa mga monthly dues na binabayad natin.
  • NEWSPAPERS. Mga taong malakas magkalat ng chismis sa isang subdivision. Madalas tong mag mula sa isang street hanggat makarating na sa kabila. Napansin ko din na mga kasambahay ang mga kadalasang newspaper ng isang subdivision.
  • TALK SHOW HOST. Sila naman sila Aling Ester at Aling Baby na nasa kanto palagi. Sila yung mga dakilang chismosa na wala ng ginawa kung hindi umupo sa kanto pag sapit ng hapon at magdaldalan. Sila din yung mga taong laging tumitingin sa mga bagong muka sa loob ng subdivision.
  • HARDCORE DRINKERS. Mga walang kamatayang manginginom. Laging nakatambay sa tindahan nila Aling Amy at may hawak na Red Horse o San Mig light. Madalas sila din yung mga malalakas mag vidoke at maiingay pag lasing na.
  • ALIENS. Sila naman yung mga kapitbahay na hindi madalas or never lumabas ng bahay nila unless aalis sila. Sila yung mga taong magtataka na may kapitbahay ka palang ganon. Kadalasan din sila yung may mga sikreto na itinatago kaya di nakikipag-kaibigan sa ibang kapitbahay.
Marami pang ibang klaseng mga tao sa isang subdivision. Maging sino man sila kailangan mo pa din silang pakisamahan. Iba’t ibang uri ng tao, merong professionals meron ding hindi. Parang sa buhay, iba’t ibang klaseng tao lahat kailangan mo pakisamahan para lang maki-agos sa daloy ng panahon