- MAS MARAMI PA YUNG BOX KAYSA SA BAGAHE. Mga naglalakihang box ang makikita mo dala-dala ng mga trolley nila. Ang laman? Sangkatutak na pasalubong. Nandiyan yung mga pabango, toiletries, damit, mga gamit sa bahay, at kung ano anong pang display.
- NAKA-PORMA. Lalo na pag seaman ang tatay o tito mo. Alam na alam ko mga get up ng seaman dahil seaman ang tatay ko. Mga long hair yan, usually naka-polo o kaya nakasumbrero. Tapos mapuputi sila, lalo na kung sa Europe galing. Kung di naman seaman, mahahalata mo naman ang mga suot nila dahil naka-jacket at naka-shades sila.
- FANSIGNS. Placards. Para naman to sa mga taong susundo. Kanya kanyang paraphernalia ang dala para lang i-welcome yung bagong dating. Lalo na kung sobrang tagal na nilang di nakita ang isang kamag anak! Tapos andiyan na yung mga yakapan epek.
- ISANG TROPA. Applicable to sa mga kamag anak ng mga taong nasa probinsya. Kung hindi ako nagkakamali mga sampu ang minimum na bilang ng mga ito. Dahil kung hindi sa jeep nakasakay eh sa isang malaking van kasama ang buong pamilya, yung iba pati kapit bahay kasama. Tapos magkakainan sila habang nag aantay ng paglapag ng eroplano ng kamag anak nila.
- DUTY FREE. Pinaka-masayang parte ito ng pag sundo. Siyempre makakabili na kayo ng mga paborito mong tsokolate at chichiria. Andiyan din yung mga makukulit na crew nila at pipilitin kang bilhin yung mga paninda nila. Merong mga alak, laruan, damit at pabango. Pinakagusto ko? Yung grocery! (SPAM)
Lahat tayo may kanya kanyang estilo ng pag sundo sa ating mga kamag anak galing abroad. Ang sarap lang talaga sa pakiramdam pag pupunta ka ng airport kasi susundo ka. Hindi yung pupunta ka doon para mag hatid at alam mong matagal na panahon nanaman ang bibilangin mo para lang magkasama ulit kayo