Nag iinternet - Nagiinternet sila dahil ito na lang naman talaga ang pinakamagandang gawin ng isang kabataan ngayon. Nandito ang buhay nila kapag nasa bahay sila. Tamang nakikipag chikahan kulitan sa mga kaibigan nila online.
Kumakanta - isang ritual para manatili ang bagyo eh sinasabayan nila ito ng pagkanta. Tipong kanta lang ng kanta, videoke lang ng videoke hanggang maging signal number 3 na ang ulan. Ewan ko ba bakit lumaki ang mga taong may paniniwalang kapag kumakanta ka eh umuulan.
Nag dodrowing - Ginagawa ng mahihilig sa arts. Tipong idinrowing na ang lahat. Muta, kulangot, buhok ng tao, isang tunay na tao, isang paboritong karakter at marami pang iba. Nakakainggit yung magaling gumuhit. Sarap magnakaw ng talent.
Tamang Text lang - GM dito, GM doon. Nilalamig daw siya at kailangan niya ng kayakap. Ayan kasi, binreak ang bf/gf eh hindi alam na may bagyong dadating ayan tuloy nanlalamig dahil sa sobrang hinanakit sa naging desisyon niya sa buhay niya.
Movie Marathon - Aba ito ang pinakamainam gawin. Manunuod ng mga pelikulang napanuod na, o kaya naman mag dodownload ng bagong pelikula sa internet. Swerte kapag malinaw ang kopya. Sabayan mo pa ng Order sa paborito mong Fastfood chain.
Kumain - Kailangan pa ba ng paliwanag dito?
Matulog - hindi nila nababasa ito ngayong blog ko. Dahil tulog sila ngayon. Ayan o tulo laway. Patuloy na nananaganip ng matiwasay.