- Bumagsak sa Licensure Exam, suko na.
- Nabasted, hindi na daw siya manliligaw kahit kanino.
- Nasaktan sa pag-ibig, hindi na daw siya magmamahal kahit kelan.
Bakit nga ba mas pinipili ng iba ang pagsuko? At least daw, sinubukan nila. Tapos na. Pero hindi eh. Paano kung yung future mo ang nakasalalay don? Wala na? Pababayaan mo na lang mawala yung pangarap mo?
Wala ka dapat panahon sa pagsuko. Subukan mo lang. Isipin mo kung bakit ka nabigo sa unang pagkakataon? Dahil ba may kulang? O nasobrahan? Dahil ba hindi pa ito ang tamang panahon? Dahil ba hindi ito ang para sa akin? Dahil ba kelangan ko pang galingan? Minsan, sa diskarte lang yan.
Kelan lang ba dapat sumuko?
Kapag nagawa mo na ang lahat. Kapag sa tingin mo, wala na talaga. Pero hindi ko sinasabi na pwede ito sa lahat ng bagay. May exceptions lang.
Kaya pag-isipan mo ng mabuti ang bawat bagay na gagawin mo. Sa ngayon, nabigo ka. Pero hindi ibig sabihin non, isusuko mo na ang lahat.