Kahit kailan hindi ito makukuntento, totoo yan, palaging maghahanap ng iba yan. Ang taong nasabing nakuntento na ng husto eh pwede na sigurong mamatay. Wala na siyang gusto sa buhay niya eh, kuntento na siya, maaring masama pagkakasabi ko pero may pagka methapor lang yan. Ganyan talaga ang Pinoy, demanding tayo eh.
Tignan mo ha
Ang kulot nag papa straight ng buhok.
Ang straight naman nagpapakulot ng buhok.
Ang taong mapuputi gusto maging morena.
Ang mga taong kayumanggi naman eh gusto maging maputi.
Ang taong mahirap eh walang pinagkaiba sa taong mayaman, pareho silang nangangarap ng malalaking bagay, syempre parehas lang naman tao yun eh, yun nga lang mas nagsikap yung taong mayaman kaya ang tanging pinagkaiba nito eh yung posibilidad na pangarapin ng bawat isa.
Yung taong maliliit minsan gusto tumangkad.
May mga taong matatangkad naman na hiniling na sana lumiit sila ng onti.
Dati single ka naghahanap ka ng karelasyon.
Ngayong taken ka naiinggit ka sa mga taong single. ano ba talaga ate/kuya?
Mainam ang ikot ng mundo, sadyang magulo. Tila hindi lang climate change ang naapektuhan, pati ata mind shift ng tao eh naapektuhan na rin. Basta marami pang bagay tayong hinihiling sa tuwing nakukuha natin yung gusto natin, patuloy at patuloy na dadating ang demand mo sa sarili mo.
Maari kang mag demand sa sarili mo, gamit na gusto mo, bagay na gusto mong gawin ng tao sayo.
Minsan nga pati atensyon ng tao eh hindi rin nakukuntento, may mga taong patuloy na nagpapansin dahil sa tingin nito na kulang pa ang atensyon na binibigay sa kanya.