Pages

Wednesday, September 14, 2011

HAPPINESS IS A CHOICE.

Isa to sa mga overrated statements na lagi nating naririnig. Para sa akin eh magulo tong statement na to. Pwede ko ding sabihing bull crap. Bakit? Sino ba naman kasi ang gusto malungkot di ba? Lahat naman tayo ay gusto maging masaya sa mga kanya kanya nating buhay. Oo nga sabihin nating pinipili ang maging masaya pero minsan kailangan mo ding makaramdam ng kalungkutan. Hindi mo naman kasi masasabi na masaya ka sa isang bagay kung hindi ka nakaramdam ng kalungkutan.
Minsan kasi kahit na anong pilit ang gawin mo sa sarili mo para sumaya ay hindi talaga pwede. Kahit na ipakita mo sa lahat ng tao na masaya ka kahit na alam mo sa sarili mo na hindi naman sino ba sa tingin mo ang niloloko mo? Di ba ang sarili mo din naman?
Hindi naman kasi masama maging malungkot eh, talagang darating to sa mga buhay natin. Hindi mo din pwede paniwalain ang sarili mo sa isang bagay na alam mong hindi naman totoo. Dahil kapag ganyan ang lagi mong ginagawa, sinasanay mo ang sarili mong mabuhay sa isang malaking kasinungalingan.Higit sa lahat kailangan mong maging malungkot para malaman mong SUMAYA ka pala.