Pages

Monday, June 27, 2011

Minsan, masasabi talaga nating “Ang sarap mabuhay.”

Yun bang parang kumpletong kumpleto na. Wala nang hahanapin pa. Napaka-kumportable na ng kinalalagyan mo. Yung ipinagdadasal mong sana wag nang matapos o kaya sana bumagal ang oras. Minsan ba, naranasan mo na ito? Ang saya noh? Mga munting patikim sa atin ng buhay, mga panahon ng kasiyahan. Ngunit hindi lahat ganito, hindi lagi masaya ang mga pangyayari sa ating buhay. Ito ay para matuto din tayong mag-appreciate ng ibang bagay, yung hindi lang lahat saya. Matuto din tayong tumanggap ng pagkakamali, ng pagkasawi, at ng pagkalungkot.

Ito ang buhay ng tao. Napakaraming dapat matutunan.
Lagi mong sabihin sa sarili mong “Ang sarap mabuhay.” Dahil walang nakakaalam kung hanggang kelan lang ito. Kaya habang andiyan pa, pahalagahan mo na.