Pages

Sunday, October 23, 2011

Paano kung isang araw hindi ka na magising?


Biglaan kang kukunin? May mag hahanap kaya sayo? May mag aalala kaya sa pag kawala mo? Bukod sa magulang mo? May taong maghahanap at malulungkot ba sa pagkawala mo?

Ito ang isang pangyayari sa buhay na kahit kailan hindi natin malalaman, maaring malaman mo ito ngayon kung alam mo sa sarili mong mabait ka at hindi nanlalamang sa kapwa, kapag alam mo ang tama sa mali lalo na pagdating sa kaibigan.

Mag rereflect lahat yan sa pang araw araw mong ginagawa. Kung paano ka makisama. Ayun na lang ang huling hiling mo sa buhay mo e, ang maraming pumunta sa oras ng lamay mo.
Makikita mo kaya yung mga taong bumibisita sayo kapag wala na tayo dito? O parang tulog lang tayo na walang panaginip? Hindi mo alam ang nangyayari, biglang wala ka na lang sa mundo?

Sana totoo na may kaluluwa ang tao na gumagala sa ating mundo. Tapos pwede ka pa rin gumala, para makita natin kung ano ang mundo sa susunod pang mga taon.

Gawin mo na lahat ng gagawin mo ngayon, sayang ang araw, ang buhay at pagkakataon.
Magpakabait hanggat kaya.

Every second counts.

Kumbaga kahit na hindi tayo sinisingil ng Diyos sa pinahiram na buhay sa atin, we have to maximize the use of it. Yung tipong wala dapat dull moments, yung pahinga mo eh dapat yung pinaka happy moment mo, at yung paghihirap mo naman eh dun mo gagamitin ang lakas mo.

Madalas kasi tayo, nauubos ang oras sa mga walang kwentang bagay. Minsan sa pag-aaway. sa paghihintay sa taong minamahal, sa bagay na minimithi na minamadali at kung ano ano pang delaying tactics na pangyayari.

Kaya sa huli, tayo pa rin ang nasa huli, tayo ang mga nakatunganga, tayo ang napagiiwanan. Bawat segundo ng buhay natin ay may mahalaga, hindi mo lang naiintindihan ang importansya ng bawat segundo ng buhay mo dahil hindi mo nararanasan o napapansin ang mga bagay na ito

  • Mga taong karera ang sports.
Bawat segundo ng buhay nila dito nakalaan, para ma break ang isang record, para matalo ang isang kalaban, kailangan nila ng bawat segundo. Kahit na 0.01 second pa yan.

  • Kapag ma late ka na sa klase mo, at naiwan ka ng tren.
O diba? Kung maaga aga ka lang sana ng tatlong segundo o limang segundo, kung tumakbo ka sana lalo, o kaya medyo binilisan mo ang lakad mo, hindi ka malalate sa school, hindi ka maiiwan ng tren na sasakyan mo.
  • Kapag nasa classroom ka na, at nageexam na sila kasi late ka.
Kung inagahan mo sana ng onti, hindi mo mararamdaman ang pressure, hindi mo proproblemahin ang exam, hindi mo proproblemahin kung ano yung tanong sa number 1 2 at 3. Kasi ang inabutan mo yung number 4 na.

Napakarami pa, sobrang rami pa ng mahahalagang segundo ng bawat buhay. Minsan nga sa loob ng isang segundo, nawawala sayo ang isang tao, sa loob ng ilang segundo, kinukuha ito sayo, sa loob ng ilang segundo, nawawala yung inalagaan mo ng ilang taon.

Napakamakapangyarihan ng segundo na yan, maaring mabago ang buhay mo at ang pagtingin ng tunay na halaga dito.

Yung pakiramdam na uuwi ka ng bahay mong pagod tapos pag Online mo may taong nagmamahal sayo.


Sobrang sarap lang nang pakiramdam, tipong kahit ka text mo siya, iba pa rin kapag sa computer kayo nag uusap. Isang matinding komunikasyon na ginawa rin ng mga tao.

Ang sarap lang ng pakiramdam kapag may taong nag hihintay sayo, may masasabihan kang pagod ka, may taong handang kumausap sayo. May taong lalambing sayo, tapos hindi mo alam na may mga simpleng sorpresa pala siya sayo.

Ang sarap lang sa pakiramdam na may taong handang mag alaga at magsakripisyo ng oras para sayo, hindi mo alam na habang wala ka may ginagawa siyang effort para sayo. Yung tipong ganun, tipong normal na araw mo eh nagiging espesyal na araw dahil sa ginagawa niya. tandaan mo hindi nakakapagod mag mahal mas nakakapagod eh ung uuwi ka ng bahay na walang tatawag sayo para pagaangin ang pakiramdam mo,

Saturday, October 15, 2011

How do you see yourself 10 years from now?

When we were little kids, people would often ask us what we want to be when we grow up? Back then I would’ve answered that I wanted to become a Engineer or maybe a doctor. I don’t know, I can barely remember.

Then at some point we forget to ask ourselves what we want to be when we grow up, now that we actually consider ourselves as adults. I still find myself in a stance because my burning desire stands firm on what I want.

I want to change the world.

Whatever the means are, no matter how difficult it is, I just want to change the world. Probably work for United Nations would be a treat. I’m dead serious about this. I’m not trying to be hypocritical but I mean what I say, and I mean what I want. I want to freaking fight off poverty. That’s eat. Damn, if I can bring bread to the suffering kids in Africa I would.

Some of you would want to question why I want this. But I really do. Even if you turn my world upside down I will still want to change the world. And in some public gathering, given the opportunity to answer this question, I’ll answer it with conviction. Hell yeah I want to change the world!

And maybe 10 years from now, I’ll look at this post and wherever I am at that moment, I know it will all make sense.

Darling, if you’re going to dream big, Dream Awesomeness.

Thursday, October 13, 2011

Blackboard, Whiteboard, Kodigo Photographer

Isa ka ba sa mga estudyanteng hindi nag susulat ng notes at pinipik-churan mo na lang ito dahil sa haba ng isusulat? Ang swerte mo pa kapag gamit mo eh iphone,itouch o kaya yung mga touch screen na may zoom, mas madaling mag review hindi ba? Pero may mga camera naman na hindi touchscreen pero my ibat-ibang pakulo pagtapos mong kumuha ng litrato the best pa kung 5 megapixels ang nabili mong cellphone.

Nakakatuwa na nagagamit ang teknolohiya dahil sa pansariling katamaran, pero diba mas nakakatuwa kung sinusulat mo rin? Kasi kahit hindi ka nakikinig eh may tiyansang maalala mo yung mga isinulat mo pag dating ng exam.

Para bang unfair sayo kung ikaw eh nagpakapagod na nagsulat tapos nakita mo isang pindutan lang nila eh may notes na agad sila, ang dami ng nagagawa ng cellphone ngayon. Minsan nga lagayan pa ng kodiko, kunwari gagawa ka ng reviewer tapos pipik-churan mo lang ulit ito, instant score at tamang diskarte na lang sa mga professors.

Kulet lang ng buhay ng college eh, hindi mo alam kung professors mo ba ang niloloko mo o kaya naman ang sarili mo.

Monday, October 10, 2011

HINDI.


Hindi ako nagsasawang makita ka araw-araw, mula Lunes hanggang Linggo, wala akong pakelam. Hindi ako nagsasawang makita ang mukha mo sa bawat araw na nabubuhay ako sa mundo. Hindi ako nagsasawa sa itsura mo habang nagsasalita, tumatawa, nakasimangot, at kahit ano pa man. Hindi ako nagsasawang hawakan ang kamay mo kahit saan man tayo magpunta eh kulang na lang i-superglue ko nalang kamay ko sa kamay mo.

Hindi ako nagsasawang makipag-usap sa’yo kahit minsan wala tayong mapag-usapan. Hindi ako nagsasawa sa mga yakap mo na nang-iipit ng mga braso. Hindi ako nagsasawa sa halik mo, kesyo may laway o wala. Basta labi mo, swak na swak na ako. Hindi ako nagsasawang titigan ang mga mata mo kahit nakakaduling.

Hindi ako nagsasawa sa boses mo.. Di ako nagsasawang makasama ka na kahit minsan walang magawa, malakas parin ang trip nating dalawa na parang di magsyota, parang matalik na kaibigan lang. Hindi ako nagsasawa sa mga away nating dalawa na kahit nag kaka-tampohan na tayo, alam natin na yun ay kasama lang sa relasyon at nagpapatibay sa ating dalawa. Hindi ako nagsasawa sa mga korny pero nakakakilig na mga salita mo na talagang nagpapangiti sa akin. At higit sa lahat…
Hinding hindi ako nagsasawang mahalin ka. Bawat araw, lalong lumalalim ang nararamdaman ko para sa’yo. Akala ko nga dati dagat lang ang lumalalim, yun pala. Pati pagmamahal ko sa’yo. Bawat araw sinasabi ko sa sarili ko, di ko na kailangan pang maghanap ng iba. Maghahanap pa ba ako? Eh lahat naman ng gusto ko na sa’yo na. Sa bawat araw na ginawa ng Diyos, kung mawala ka man sa akin, parang nawalan narin ako ng buhay. Kasi di ka lang naman parte ng buhay ko. Sa katunayan, buhay na kita. Ikaw na ang buhay ko.
Kaya kahit araw-araw ko na sinasabi ‘to. Tulad ng linya ko..
Hindi ako nagsasawa.
Hindi ako nagsasawang sabihing…
Mahal na mahal kita.

Friday, October 7, 2011

Bitawan mo daw ang isang tao at kung talagang sayo siya babalik yun.

Isa ako sa mga taong hindi naniniwala dito.

Bakit mo bibitawan? Eh alam mong sayo na nga. Parang ang gulo diba? Ayan ang hirap kapag nasanay sa kowts ang karamihan, kapag nasanay sa mga teleserye na pinapaikot lang naman ang ating isipan.

Paano siya mapapasayo ulit kung binitawan mo na? Paano siya mapapasayo ulit kung sinaktan mo na siya dulot ng kahapon? Hindi ba’t isang kalokohan yun? Isa rin ako sa mga taong hindi naniniwala sa destiny. Ang lahat ng nangyayari ngayon eh depende sa kung ano ang desisyon mo.

Kung desisyon mong siya ang mamahalin mo ipaglalaban mo. Kung desisyon mo ang iwan siya, hindi talaga siya ang sayo. Hindi mo kasi pinaglaban eh diba? Katulad nalang ito sa normal na buhay. Kung desisyon mong huwag mag-aral eh kawawa ka naman sa hinaharap. Kahit na naniniwala ka sa destiny mo na magiging mayaman ka sa hinaharap pero hindi ka naman nagtapos at hindi ka naghahanap ng trabaho. Sa tingin mo ba gagana ba yung destiny na yun? Hindi diba?

Kaya ang pagmamahal sa isang tao, inaalagaan yan, pinoprotektahan, hindi pinapabayaan at lalong hindi binibitawan

Wednesday, October 5, 2011

Misyon sa buhay ng isang normal na tao.


Habang naliligaw ako kanina papunta sa caloocan my mga bagay ako na pansin. ano un?

Mga taong nag mamasahe, mga taong nagtitinda sa siomayan, mga taong nagtitinda ng itlog pugo sa labas, nagtitinda ng nilagang mani, cheesesticks at kwekwek, mga taong naglalagay ng maliit na ukay ukay sa overpass, mga taong nag bebenta ng patingi tingi na yosi, kendi, at taong nag bibigay ng discount card sa SOGO at MARIPOSA. Iisa lang naman ang gusto niyan, iisa lang ang misyon niyan sa buhay. 
Yun ang buhayin ang kani kanilang pamilya, buhayin ang sarili, makapagtapos ng pag-aaral. Habang naglalakad ako sa overpass. Doon ko nakita ang tunay na buhay ng isang tao, ang tunay na kahirapan na dinadanas ng Pilipinas, yung kahit na maambon na eh tuloy pa rin na nakalatag ang kanilang mga paninda. May mga ilaw, charger ng cellphone, mga 3 for P50 na medyas, sinturon, “LONG SHORTS, at SHORT SHORTS” Panis diba? Matindi, kapag nagtanong ka pa nga naman kung gaano kahaba ang LONG SHORTS eh baka ma praning sayo ang nag titinda.
Lahat naman ata tayo nagkakapareho sa misyon na yan, meron sa atin misyon makatapos, misyon makahanap ng trabaho at yung mga personal na misyon natin sa buhay.
Tumambay ako saglit para pagmasdan ang mga tao sa overpass, nakukuha pa rin nila ngumiti, magbiruan, mag tawanan. Natutuwa ako na kahit ganun ang buhay nila eh ang kuntento nila at ang saya saya nila. Minsan nakakainggit yung ganun na buhay, hindi dahil sa nahihirapan sila makakuha ng pera pero yung pagiging kuntento nila na kung ano na lang ang maibigay at makain basta masaya at kumpleto ang pamilya ay ayos na.
May mga tindera na bitbit ang anak nila, may mga nagtitinda naman na nasa bahay lang ang kani kanilang mga anak na malamang eh nasa lansangan. Yung iba eh doon na mismo nag sasalo salo, dala ang supot ng pansit, o kaya naman sabaw ng sinigang na susupsupin na lang sa ilalim ng plastik eh ayos na ayos na ang bonding ng kainan ng buong pamilya.
May i rerequest ka pa ba sa buhay mo? Sa oras na makita mo ang mga taong ito? Alam natin lahat na sobrang may blessing tayo kesa sa kanila, pero ito yung ipapaalam nila sayo na hindi mo kailangan maging malungkot, dahil may mga taong mas malungkot at mas matindi pa ang dinadanas na problema kesa sayo.

Sunday, October 2, 2011

Pangungulila

Ang hirap pala sa pakiramdam kapag alam mong limitado lang yung mga oras na pwede kayong magkasama ng mga taong mahahalaga sa buhay mo. Yung tipong kahit gustuhin mo mang magkita kayo palagi o araw-araw eh hindi maaari? Para san nga daw ba ang mga salitang “Uy na miss kita” kung lagi lang din kayong magkikita. Naalala mo ba nung highschool ka pa? Sawang sawa ka sa mga kaibigan mo di ba? Tipong lagi mong sinasabi na gusto mo na mag college kasi nakakasawa na ang maging bata. Pero kapag dumating ka na sa punto ng hindi na kayo madalas mag kita, mami-miss mo din yung mga kalokohang mga ginawa niyo noong bata pa kayo.

Oh kaya naman ay sa mga kapamilya nating nasa abroad na nag bakasyon lang dito sa Pinas. Ayaw man natin silang paalisin ay wala tayong magagawa. Gustuhin man nating makasama sila ng matagal o kaya ay hindi na mag hiwalay. Bakit pa kasi kailangang mag kalayo kayo ng mga taong mahal mo sa buhay noh? Isa pa sa mga mahihirap na sitwasyon ay yung mga taong nasa LDR (Long Distance Relationship). Ang hirap pala ng pakiramdam ng pangungulila sa taong mahal mo. Gustuhin mo mang makita hindi naman pwede dahil sa pesteng distansya na yan.

Kaya sa oras na magkakasama na kayo, iparamdam mo na sa kanya kung gaano siya kahalaga. Hindi mo alam kung kailan pa ulit kayo magkakasama. Hindi mo alam kung kailan mo ulit maririnig yung boses niya, makikita ang muka niya ng harapan at higit sa lahat ang makita siyang masaya kasama ka. Kung meron man akong hihilingin dito sa mundo na to, siguro yun yung makasama ko yung mga mahal ko sa buhay at ang mga kaibigan ko. Gusto ko yung kumpleto, gusto ko yung walang aalis. Kahit na hindi ko na maramdaman yung “pagka-miss” basta magkakasama kami.