Pages

Tuesday, February 28, 2012

Take my advice. I don’t use it anyway.

Sa panahon ngayon halos lahat nag-aasam na maligo sa pera — ang yumaman. Hindi naman masamang mangarap diba? Hindi rin masamang hilingin na sana hindi ka na mamomroblema kung may sasaingin pa ba kinabukasan, sa susunod na bukas, sa susunod pa na bukas; kung may maipanglolaod pa ba sa cellphone para makapag-unlitext at unlicall; kung may ipangpupusta sa Dota; kung may ipangbabayad sa lumulobong bill ng internet.

Ikaw, gusto mo rin yumaman noh? Yung tipong mabilisan — parang instant noodles.

Tips Para Yumaman:
 

  • Pagtaya sa lotto. Kung instant lang ang pag-uusapan, isa ito sa pinaka-effective na paraan. Imagine mo, sa P20 makakabili ka na ng Cornetto maari ka nang maging milyonaryo! Yun nga lang dapat tumpak yung anim mong inaalagaang numero.
  • Pagsali sa pacontest sa telebisyon. Syempre kung sasali ka na rin lang dapat siguraduhin mong dun sa bigtime mamigay ng papremyo. Dun sa Eat Bulaga! Happy, Yipee, Yehey! Willing Willie. Dun ka sumali. Konting iyak lang at konting drama sa buhay tapos konting sayaw/kanta — may pera ka na! Tsaka i-timing mo na pagsumali ka dapat may “event”, yun bang birthday ng isang host o anniversary ng show kasi usually dyan sila namimigay talaga ng maraming pera.
  • Pagiging boksingero. Gusto mong gumaling mag-English at mag-endorse ng Vit Water kagaya ni Manny? Edi magboksingero ka na! Sa una papanget ka kasi syempre magugulpi ka’t lahat lahat pero bawing bawi naman yan pag napatumba mo yung unggoy na kalaban mo. Si Manny nga pumogi na (thank you Belo), ubod ng yaman pa!

Pero kung gusto mo namang kumita ng perang pinaghirapan talaga, ano pang inaantay mo? Mag-apply ka na dito: 


  • P5000/hr, Enchanted Kingdom → taga-tulak ng Anchor’s Away.
  • P7000/day, Palengke → taga-lista ng noisy.
  • P800/min, Star City → taga-hila ng Roller Coaster.
  • P900/min, Quezon Avenue → ikaw yung humps.
  • P5000/hr, PLDT → ikaw yung dial tone.
  • P9000/hr, Post Office → taga-dila ng mga sobre.

Kung hindi ka pa rin makapagdecide at mas pipiliin mo na lang magnegosyo, may tips pa rin ako sayo. So don’t worry. Siguradong yayaman ka sa mga negosyong ito:
 

  • Magtinda ng mainit na kape, kakanin at bibingka sa North Pole.
  • Magtinda ng whitening soap sa Africa.

Ano pang inuupo mo dyan? Tumayo ka na and take my advice, I don’t use it anyway.

Sino nga ba?

Sino nga ba ang tunay na malungkot?
  • Yung batang hindi binilhan ng Macbook?
  • Yung batang hindi binilhan ng Blackberry o iPhone?
  • Yung batang hindi binilhan ng iPad?
  • Yung batang hindi binilhan ng PS3?
  • Yung batang hindi binilhan ng Wii?
  • Yung batang hindi binilhan ng XBOX?
  • Yung batang hindi binilhan ng iPod Touch?
  • Yung batang hindi nakapasok sa pribadong paaralan?
  • O yung batang hindi man lang nakatikim ni minsan ng kuryente sa kanilang tahanan?
Sino nga ba ang tunay na masaya?
  • Yung batang kompleto sa luho pero kulang ang pamilya sa hapag-kainan?
  • Yung batang ni minsan hindi nagkakalyo ang mga kamay kasi may taga-gawa at mga utusan?
  • Yung batang nakikipagtulungan sa mga magulang para malinis ang tahanan?
  • Yung batang araw-araw nanlilibre para lang dumugin ng mga “kaibigan”?
  • Yung batang madungis na sa kakalaro kasama ang ibang bata?
  • Yung batang hatid-sundo ng driver?
  • Yung batang hatid-sundo ng tatay kahit nilalakad lang ang daan?
  • Yung batang pinagmamayabang ang mga ari-arian ng kanyang mga magulang?
  • O yung batang pinagmamalaki ng kanyang mga magulang?
Isipin mo nga ng mabuti. Sino nga ba?

Ang pagiging kontento ay hindi ibig sabihin ng pagkakaroon ng lahat ng bagay sa mundo. Ang pagiging kontento ay ang pagtanggap sa katotohanang hindi mo kayang akuin ang lahat. Maging masaya ka na lang kahit wala ka ng mga bagay na meron ang ibang tao. Tandaan mong meron ka ring mga bagay na wala sa kanila.. at hanggang pangarap lang sila dito.

Monday, February 27, 2012

While we're busy growing up, They're Growing old

It’s sad, you know. Growing up like this. I mean, as we grow up, we’ve been distracted with the petty stuff and we’ve been worrying about the wrong things around us.

We used to cry when we didn’t get the toy we wanted. Then we grew up a little.
We started to ask our parents for money to buy clothes, gadgets. Then we grew up a little.
We began to sneak out past our bedtime to attend parties. Then we grew up a little. And a little more. And a little more..

We’re now in school, stressing over exams and projects, playing with other people’s feelings, fighting over love, balancing our jobs as we prepare ourselves to become adults.

It’s sad, you know. It’s sad that we barely notice how fast we’re growing up and how fast our parents are growing old. It’s sad to see that we take pills and drink stuff to stay awake, stay focus, or even get fucked up while our parents take pills and drink stuff just to get some proper sleep or just to stay alive to keep their bodies functioning properly. It’s sad to know how selfish and self-centered we truly are as kids.. how we can be so naive and oblivious about the important things. But I guess that’s just part of growing up. We get exposed to new things, we learn, we come to a point where we know the truth about ourselves no matter how much it sucks. And the only thing we can do is to accept it.

Eventually, we’ll have kids of our own and this whole thing will happen to us with our own children. The cycle continues. Life goes on. But we still have now, so let’s appreciate our parents and never take them for granted.

Sunday, February 26, 2012

Ang Dami mo alam. Naging Ignorante ka tuloy

Ang edukasyon na meron ka ay hindi awtomatikong nagsasaad ng katalinuhan mo. Ang konsepto ng katalinuhan, para sa akin, ay hindi nasusukat sa mga bagay na alam mo, kundi sa kung paano mo ginagamit ang mga ito, lalo na sa mga oras na hindi mo alam ang gagawin mo.

Siguro nga e nag-aaral ka ngayon sa isang prestihiyosong paaralan — sikat at pangmayaman — kung saan ka tinuturuan paano mag-analisa ng mga sikat na literatura ng mga sikat na manunulat, mga komplikadong diskusyon at mga argyumento. Maari ring naipasa na sayo ng mga professor mo ang mga kaalaman nila. Tipong kaya mo na ring sumulat ng mga malalalim na opinyon tungkol sa mga bagay-bagay. Pero alam mo, hindi sapat ‘yun para magmayabang ka at magmataas sa iba. Oo, marami kang alam. Halos lahat ng tinuro sayo memoryado mo na. Pero para sa akin, isa ka lang kantang paulit-ulit na tinutugtog, isang sirang plaka.. isang konseptong hindi na orihinal at walang pinagkaiba.

Sabi ng mga scientist na sa tuwing may natututunan tayong bago, may mga bagay na naiiba sa utak natin at a cellular level kaya may mga bagay rin tayong nakakalimutan. Kaya ka siguro ganyan, marami ka nang natutunan kaya nakalimutan mo na ang iyong wastong pag-aasal. Nakalimutan mo nang magpakumbaba. Nakalimutan mo na kung paano tratuhin ang mga tao ng tama — mapa-anumang estado nila sa buhay — mayaman man o mahirap; malinis man o gusgusin; matalino man o hindi. Nakalimutan mo nang iba-iba tayo dito sa mundo. At dahil dun, mas ignorante ka pa sa mga taong tingin mo ay walang alam.

Sana alam mo na ang pagiging matalino ay hindi lang base sa mga facts at impormasyong napupulot sa mga libro at sa internet, kundi pati na rin sa kung paano mo dinadala ang sarili mo bilang TAO. Siguro habang binabasa mo ‘to marami kang nakitang grammatical error, pati na rin ang pagkaka-organisa ng mga naisip ko. Pasensya na pero wala akong pakialam. Ang gusto ko lang naman ay makuha mo ang punto ko. ‘Yun lang.

SA PAG-IBIG..


Kapag may nagkulang, sa halip na ikagalit mo, bakit hindi mo subukang punuan?

Kapag may sumobra naman, sa halip na i-take for ganted mo, bakit hindi mo subukan suklian?

Kapag sakto lang, sa halip na maging kampante ka, bakit hindi mo subukan pagtibayin ang inyong samahan?

Kapag may simingit na iba, sa halip na patulan mo, bakit hindi mo subukan layuan?

Kapag may mahal (na) siyang iba, sa halip na akitin mo, bakit hindi mo subukan maging masaya para sa kanya?

Kapag hindi mo kaya maging masaya para sa kanya, sa halip na magmukmok at malungkot ka, bakit hindi mo subukan mag-isip namaghihiwalay din sila may ibang taong nakalaan para sayo?

Kapag masyadong matagal dumating ‘yung “the one” mo, sa halip na ma-inggit ka sa mga taken, bakit hindi ka na muna magpakasaya sa pagiging single mo?

Kapag torpe siya, sa halip sa magpakipot ka, bakit hindi mo subukan na ikaw na lang ‘yung mauna?

Kapag siya naman ‘yung nauna, sa halip na magpakipot ka pa, bakit hindi mo subukan na huwag na siyang pahirapan pa?

Kapag naging kayo na, sa halip na ibuhos niyo lahat ng pagmamahal niyo para sa isa’t isa, bakit hindi niyo subukan magpasintabi ng kaunti para kung sakali man e matapos ‘yang lahat meron pang matira?

Kapag iniwan ka ng taong mahal mo, sa halip na maging brokenhearted ka, bakit hindi mo subukan tanggapin ang katotohanang wala na siya?

Kapag nahihirapan kang magmove on, sa halip na manggamit ka ng iba, bakit hindi mo subukan ilagay ang sarili mo sa posisyon nila?

Masakit hindi ba? Kaya nga mag-isip-isip ka muna bago ka pumasok sa mga sitwasyong ganyan.. mga sitwasyong hindi tiyak ang kahihinatna

Sunday, February 12, 2012

Mga Uri ng Kopyahan sa Eskwelahan.

Fast Break - nagsisihaba ang leeg ng mga katabi, maaring ikaw sa iyong katabi kapag hindi mo alam ang sagot. Hanggat kaya mong ihaba ang iyong leeg eh gagawin mo ito. Kulang nalang ikaw si lastikman para todo todong itutok mo na ang mukha mo sa papel ng katabi mo. Fast break! Mabilisan, paspasan, baka ipasa na ang papel. Wala ng tanong ng tanong. Basta kopya lang ng kopya.

Lay Up - ito naman ang iaabot sayo mismo ng katabi mo ang sagot, kumbaga ka vibes mo yung katabi mo, maaring tropa o kaibigan. Ito ang masarap na experience lalo na kapag hindi nakita ng teacher.

Rebound - ito yung sasalo ng mga sagot na nakuha mo sa kabila. Kunwari tatlo kayo sa upuan. Yung pinakamatalino yung nasa pinaka gilid, tapos ikaw yung nasa gitna. Tapos may isa pang nag aabang ng sagot sa dulo. Rebound niya ang Lay up ng katabi mo.

Alley Oop - kung katabi mo ang pinakamatalino sa loob ng klase, ikaw ang kokopya at isusulat mo ang mga sagot sa isang malinis na papel. Kapag wala ang teacher o kaya naman hindi nakita ito. Ibabato mo itong papel sa likod para sa mga kaibigan mong umaasa din sa sagot ng katabi mo. Kailangan malakas ang pakiramdam mo at tama ang bigat ng papel para diretso sa likuran ito. Kung hindi, baka hanginin ng electric fan at makita ng iyong guro. Patay kayo diyan.

Substitution - ito yung limitado lang yung alam nung taong nakaka alam, so maghahanap at bubulong ito sa taong nasa harapan niya kung may sagot na ba ito at kokopyahin na lang niya ito at i share niya rin ang iba niyang sagot para magkatulungan na talaga. Tapos ikaw naman ang rerebound ng sagot nung nasa kabila at i alley oop mo ulit ito sa likod.

Time Out - tamang nakikiramdam ang lahat sa guro na nasa harapan, akala mo may coach at may mga kanya kanyang plano. May isang kakausap na estudyante sa guro para mawala ang atensyon niya sa klase at mag uumpisa na magtanungan at magbatuhan ng sagot. Hindi ganun kadali ang kopyahan na ito.

Isolation Play - ito yung pa isa isa ka magtanong, lalo na kapag hindi mo naman ka close ang katabi mo. Tamang nakiki feeling close ka, kunwari may sagot ka sa number 8 at itatanong mo yung number 7. Pero ang totoo naman talaga eh wala ka pang sagot sa lahat. Masabing may sagot ka lang at may maitanong ka lang. At kapag ipinakita niya ang papel niya. Kakabisaduhin mo lahat ng posible mong makita. Sa mga ganitong pagkakataon halos tatlo lang ang maalala mo sa tinignan mo. Dahil hindi naman astig ang utak mo para makabisa lahat ng sagot sa papel ng katabi mo.

Kung magmamahal ka ng tao.

Siguraduhin mo unang una eh handa kang masaktan. Dahil hindi puro sarap ang iyong pinuntahan. Para kang pumasok sa giyera. Na ipaglalaban mo kung ano ang nararamdaman mo. Kayo ang magkakampi dito. Minsan sa gerang ito, hindi niyo maiiwasang mag away. Dahil ang problema ang inyong kaaway. Dahil hindi kayo magkaintindihan. Kayo ay mag sisigawan. At dahil dito napagtataasan ka na niya ng boses.

Kung magmamahal ka siguraduhin mong mahal mo talaga. Yung tipong wala na talagang iba. Kung baga siya na lang at wala ng iba. Ang panget naman kung mahal mo siya tapos may iba ka. Ano yun lokohan? Ano yun? Dalawa puso mo? Bakit hindi mo i transplant o i donate yang isa. Nakatulong ka pa sa taong nangangailangan.

Handa kang magpatawad. Ito dapat ang laging iniisip ng taong nag aaway. Hindi naman wrestling ang relasyon na kailangan na lang lagi mag away. Dapat lagi kayo magkabati. Kapag may kasalanan ang iba. Eh kung hanggat maaring mapatawad mo ay gawin mo. Nag sosorry na nga e. Alam mo naman siguro kung concern na siya ngayon. Kapag hindi mo napatawad ang isang tao. Dito siya magsisimulang manglamig. At baka maghanap ng iba to.

Handa ka sa pwendeng mangyari. Hindi porket mahal niyo ang isat isa ngayon eh hindi na kayo mawawala sa bawat isa. Tandaan mong nasa relasyon palang kayo. Yung mga taong nagsumpaan nga nag kakahiwalay pa. Kayo pa kayang nasa relasyon pa lang? Maging matapang para sabihing sapat na ang ipinakita ko para mahalin ka. Para kapag iniwan ka. Hindi ikaw ang may kawalan kundi siya.

Wednesday, February 1, 2012

Mga Behind the scene ng bawat break-up lines. Part 2

Calachuchi Bahaghari went from being “In a relationship” to “Single”**. Sabay may drawing ng isang maliit na puso sa dulo. Isa sa mga post na lintik kung makatawag ng atensyon. Lalo na kung kilala mo ang taong yun at ang jowa niya. Tipong sumikat ang love team nila dahil sa maka-diabetes na ka-sweetan. Couples shirt kung saan ang nakaprint ay mukha ng bawat isa. Holding hands while kumakandirit. Magkadikit na pisngi ang profile pic nila sa FB. I love you messages sa text, sa call, sa twitter, sa status, sa email, sa YM pati na din sa telegrama

Dont get me wrong. Walang masama dun. In fact, Hanga ako sa mga taong hindi alintana ang iba sa pagpapadama ng kanilang pag-ibig. Pero paano kung biglang matapos ang dating akala mo ay walang hanggan? Paano kung naglasang hilaw na bayabas ang dating sintamis ng bukayo? Paano kung naihipan ng malakas na hangin ang apoy? Paano na kung wala na kayo?

Okey lang siguro kung mutual ang decision. Tamang “apir” lang, naka move on na kayo pareho. Parang walang nangyari

1. I HOPE WE COULD STILL BE FRIENDS – Oo naman. Buburahin nga lang kita sa Facebook, Twitter at cellphone ko. Susunugin ko din mga litrato mo para gawing bonfire. At wag na wag kanang dadaan sa bahay. Bibili ako ng bagong aso. Yung hindi ka kilala. Para lapain ka kung sakaling maligaw ka samin. Pero friends parin tayo.

2. I STILL CARE – ibig sabihin nito, wag mo daw bawiin yung mga mamahaling gamit na niregalo mo sa kanya.

3. I LOVE YOU, BUT IM NOT IN LOVE WITH YOU – Astig. Nakuha niyang durugin ang puso mo ng pinong-pino na tila pulbos ng espasol dahil lang sa salitang “IN”. Kahit sa scrabble hindi pwede yun eh.

4. I WILL TREASURE YOU FOREVER – ako din, i will treasure you forever. Pwede ko bang hingiin ang bungo mo para gawing souvenir??

5. YOU WILL REALIZE THAT IT’S FOR THE BETTER – siguro nga. Dadating ang panahon na matatangap ko din. Salamat ha. For the mean time, pwede ba kitang saksakin ng bread knife sa leeg? Pang-alis stress lang.

6. YOU’RE LIKE A BROTHER/SISTER TO ME – kung trip mo ding halikan ang kapatid mo tulad ng sa atin. Patingin ka sa psychiatrist.

7. IT’S NOT THAT THERE’S SOMEONE ELSE (FOR NOW) – wala naman daw siyang iba. as of this moment. habang kausap ka niya at mahigpit ang hawak mo sa tinidor at kutsilyo.

8. IT’S OVER, PLEASE UNDERSTAND – oo nga naman. Intindihin mo siya. Mukhang hirap na hirap si gago sa pinagdadaanan niya. Sana maintindihan ka rin niya pag sapilitan mo siyang pinainom ng insecticide.

9. MAYBE IT’S STILL US IN THE FUTURE – astig. Pansamantala muna niyang dudukutin ang puso mo at ilalaglag sa blender. Tapos ibabalik niya sayo ang baso ng dinuguan shake kalakip ang pag-asa na baka bukas o sa kabilang buhay e magiging kayo uli. Sarap no.

10. YOU’RE STILL MY BEST FRIEND – the best. Ayaw mo nun? Bestfriend ka pa rin niya? So ibig sabihin, ililibre mo parin siya at obligado kang magregalo tuwing may okasyon. Anong kapalit? Ikaw lang naman ang unang makakaalam kung sino ang bago niyang jowa. Ikaw din ang unang makakarinig ng mga “sweet moments” nila nung ipinalit sayo, habang ikaw ay busy sa paghihigpit ng tali sa iyong leeg na nakasabit sa ceiling fan.

Pagkatapos mong palitan ang pangalan niya sa phonebook bilang Lucifer, gawing scratch paper ang mga sulat niya pag math exam, idikit ang picture niya sa mga wanted posters, ituro siya bilang prime suspect sa holdapan ng mga computer shop, idelete sa mga social networking sites, ipagkalat na ipinanganak siyang may buntot na parang unggoy. Aminin mo. Ilang beses mo paring chinecheck ang profile niya sa FB gamit ang isang dummy account. Natural lang yun. Alangan namang maghanda ka pa ng pansit at biko dahil iniwan ka ng jowa mo. Di madaling lumimot. Pero lilipas din yan. Parang gutom. Mahapdi sa simula. Pero nawawala din. Dadating ang oras, matatawa ka nalang kung bakit mo pinagaksayahan ng luha ang gung-gong na yun.

Hindi lahat ng nakipaghiwalay sa kanilang mga karelasyon ay manloloko. At hindi lahat ng nanatili sa kanilang “relationship status” ay matino.

Ang nabigong pag-ibig ay parang sugat. Patakan mo ng kalamansi. Para di ka maiputan ng ibong adarna.