Ikaw, gusto mo rin yumaman noh? Yung tipong mabilisan — parang instant noodles.
Tips Para Yumaman:
- Pagtaya sa lotto. Kung instant lang ang pag-uusapan, isa ito sa pinaka-effective na paraan. Imagine mo, sa P20 makakabili ka na ng Cornetto maari ka nang maging milyonaryo! Yun nga lang dapat tumpak yung anim mong inaalagaang numero.
- Pagsali sa pacontest sa telebisyon. Syempre kung sasali ka na rin lang dapat siguraduhin mong dun sa bigtime mamigay ng papremyo. Dun sa Eat Bulaga! Happy, Yipee, Yehey! Willing Willie. Dun ka sumali. Konting iyak lang at konting drama sa buhay tapos konting sayaw/kanta — may pera ka na! Tsaka i-timing mo na pagsumali ka dapat may “event”, yun bang birthday ng isang host o anniversary ng show kasi usually dyan sila namimigay talaga ng maraming pera.
- Pagiging boksingero. Gusto mong gumaling mag-English at mag-endorse ng Vit Water kagaya ni Manny? Edi magboksingero ka na! Sa una papanget ka kasi syempre magugulpi ka’t lahat lahat pero bawing bawi naman yan pag napatumba mo yung unggoy na kalaban mo. Si Manny nga pumogi na (thank you Belo), ubod ng yaman pa!
Pero kung gusto mo namang kumita ng perang pinaghirapan talaga, ano pang inaantay mo? Mag-apply ka na dito:
- P5000/hr, Enchanted Kingdom → taga-tulak ng Anchor’s Away.
- P7000/day, Palengke → taga-lista ng noisy.
- P800/min, Star City → taga-hila ng Roller Coaster.
- P900/min, Quezon Avenue → ikaw yung humps.
- P5000/hr, PLDT → ikaw yung dial tone.
- P9000/hr, Post Office → taga-dila ng mga sobre.
Kung hindi ka pa rin makapagdecide at mas pipiliin mo na lang magnegosyo, may tips pa rin ako sayo. So don’t worry. Siguradong yayaman ka sa mga negosyong ito:
- Magtinda ng mainit na kape, kakanin at bibingka sa North Pole.
- Magtinda ng whitening soap sa Africa.
Ano pang inuupo mo dyan? Tumayo ka na and take my advice, I don’t use it anyway.