Pages

Sunday, February 12, 2012

Mga Uri ng Kopyahan sa Eskwelahan.

Fast Break - nagsisihaba ang leeg ng mga katabi, maaring ikaw sa iyong katabi kapag hindi mo alam ang sagot. Hanggat kaya mong ihaba ang iyong leeg eh gagawin mo ito. Kulang nalang ikaw si lastikman para todo todong itutok mo na ang mukha mo sa papel ng katabi mo. Fast break! Mabilisan, paspasan, baka ipasa na ang papel. Wala ng tanong ng tanong. Basta kopya lang ng kopya.

Lay Up - ito naman ang iaabot sayo mismo ng katabi mo ang sagot, kumbaga ka vibes mo yung katabi mo, maaring tropa o kaibigan. Ito ang masarap na experience lalo na kapag hindi nakita ng teacher.

Rebound - ito yung sasalo ng mga sagot na nakuha mo sa kabila. Kunwari tatlo kayo sa upuan. Yung pinakamatalino yung nasa pinaka gilid, tapos ikaw yung nasa gitna. Tapos may isa pang nag aabang ng sagot sa dulo. Rebound niya ang Lay up ng katabi mo.

Alley Oop - kung katabi mo ang pinakamatalino sa loob ng klase, ikaw ang kokopya at isusulat mo ang mga sagot sa isang malinis na papel. Kapag wala ang teacher o kaya naman hindi nakita ito. Ibabato mo itong papel sa likod para sa mga kaibigan mong umaasa din sa sagot ng katabi mo. Kailangan malakas ang pakiramdam mo at tama ang bigat ng papel para diretso sa likuran ito. Kung hindi, baka hanginin ng electric fan at makita ng iyong guro. Patay kayo diyan.

Substitution - ito yung limitado lang yung alam nung taong nakaka alam, so maghahanap at bubulong ito sa taong nasa harapan niya kung may sagot na ba ito at kokopyahin na lang niya ito at i share niya rin ang iba niyang sagot para magkatulungan na talaga. Tapos ikaw naman ang rerebound ng sagot nung nasa kabila at i alley oop mo ulit ito sa likod.

Time Out - tamang nakikiramdam ang lahat sa guro na nasa harapan, akala mo may coach at may mga kanya kanyang plano. May isang kakausap na estudyante sa guro para mawala ang atensyon niya sa klase at mag uumpisa na magtanungan at magbatuhan ng sagot. Hindi ganun kadali ang kopyahan na ito.

Isolation Play - ito yung pa isa isa ka magtanong, lalo na kapag hindi mo naman ka close ang katabi mo. Tamang nakiki feeling close ka, kunwari may sagot ka sa number 8 at itatanong mo yung number 7. Pero ang totoo naman talaga eh wala ka pang sagot sa lahat. Masabing may sagot ka lang at may maitanong ka lang. At kapag ipinakita niya ang papel niya. Kakabisaduhin mo lahat ng posible mong makita. Sa mga ganitong pagkakataon halos tatlo lang ang maalala mo sa tinignan mo. Dahil hindi naman astig ang utak mo para makabisa lahat ng sagot sa papel ng katabi mo.