- Yung batang hindi binilhan ng Macbook?
- Yung batang hindi binilhan ng Blackberry o iPhone?
- Yung batang hindi binilhan ng iPad?
- Yung batang hindi binilhan ng PS3?
- Yung batang hindi binilhan ng Wii?
- Yung batang hindi binilhan ng XBOX?
- Yung batang hindi binilhan ng iPod Touch?
- Yung batang hindi nakapasok sa pribadong paaralan?
- O yung batang hindi man lang nakatikim ni minsan ng kuryente sa kanilang tahanan?
- Yung batang kompleto sa luho pero kulang ang pamilya sa hapag-kainan?
- Yung batang ni minsan hindi nagkakalyo ang mga kamay kasi may taga-gawa at mga utusan?
- Yung batang nakikipagtulungan sa mga magulang para malinis ang tahanan?
- Yung batang araw-araw nanlilibre para lang dumugin ng mga “kaibigan”?
- Yung batang madungis na sa kakalaro kasama ang ibang bata?
- Yung batang hatid-sundo ng driver?
- Yung batang hatid-sundo ng tatay kahit nilalakad lang ang daan?
- Yung batang pinagmamayabang ang mga ari-arian ng kanyang mga magulang?
- O yung batang pinagmamalaki ng kanyang mga magulang?
Ang pagiging kontento ay hindi ibig sabihin ng pagkakaroon ng lahat ng bagay sa mundo. Ang pagiging kontento ay ang pagtanggap sa katotohanang hindi mo kayang akuin ang lahat. Maging masaya ka na lang kahit wala ka ng mga bagay na meron ang ibang tao. Tandaan mong meron ka ring mga bagay na wala sa kanila.. at hanggang pangarap lang sila dito.