Calachuchi Bahaghari went from being “In a relationship” to “Single”**. Sabay may drawing ng isang maliit na puso sa dulo. Isa sa mga post na lintik kung makatawag ng atensyon. Lalo na kung kilala mo ang taong yun at ang jowa niya. Tipong sumikat ang love team nila dahil sa maka-diabetes na ka-sweetan. Couples shirt kung saan ang nakaprint ay mukha ng bawat isa. Holding hands while kumakandirit. Magkadikit na pisngi ang profile pic nila sa FB. I love you messages sa text, sa call, sa twitter, sa status, sa email, sa YM pati na din sa telegrama
Dont get me wrong. Walang masama dun. In fact, Hanga ako sa mga taong hindi alintana ang iba sa pagpapadama ng kanilang pag-ibig. Pero paano kung biglang matapos ang dating akala mo ay walang hanggan? Paano kung naglasang hilaw na bayabas ang dating sintamis ng bukayo? Paano kung naihipan ng malakas na hangin ang apoy? Paano na kung wala na kayo?
Okey lang siguro kung mutual ang decision. Tamang “apir” lang, naka move on na kayo pareho. Parang walang nangyari
1. I HOPE WE COULD STILL BE FRIENDS – Oo naman. Buburahin nga lang kita sa Facebook, Twitter at cellphone ko. Susunugin ko din mga litrato mo para gawing bonfire. At wag na wag kanang dadaan sa bahay. Bibili ako ng bagong aso. Yung hindi ka kilala. Para lapain ka kung sakaling maligaw ka samin. Pero friends parin tayo.
2. I STILL CARE – ibig sabihin nito, wag mo daw bawiin yung mga mamahaling gamit na niregalo mo sa kanya.
3. I LOVE YOU, BUT IM NOT IN LOVE WITH YOU – Astig. Nakuha niyang durugin ang puso mo ng pinong-pino na tila pulbos ng espasol dahil lang sa salitang “IN”. Kahit sa scrabble hindi pwede yun eh.
4. I WILL TREASURE YOU FOREVER – ako din, i will treasure you forever. Pwede ko bang hingiin ang bungo mo para gawing souvenir??
5. YOU WILL REALIZE THAT IT’S FOR THE BETTER – siguro nga. Dadating ang panahon na matatangap ko din. Salamat ha. For the mean time, pwede ba kitang saksakin ng bread knife sa leeg? Pang-alis stress lang.
6. YOU’RE LIKE A BROTHER/SISTER TO ME – kung trip mo ding halikan ang kapatid mo tulad ng sa atin. Patingin ka sa psychiatrist.
7. IT’S NOT THAT THERE’S SOMEONE ELSE (FOR NOW) – wala naman daw siyang iba. as of this moment. habang kausap ka niya at mahigpit ang hawak mo sa tinidor at kutsilyo.
8. IT’S OVER, PLEASE UNDERSTAND – oo nga naman. Intindihin mo siya. Mukhang hirap na hirap si gago sa pinagdadaanan niya. Sana maintindihan ka rin niya pag sapilitan mo siyang pinainom ng insecticide.
9. MAYBE IT’S STILL US IN THE FUTURE – astig. Pansamantala muna niyang dudukutin ang puso mo at ilalaglag sa blender. Tapos ibabalik niya sayo ang baso ng dinuguan shake kalakip ang pag-asa na baka bukas o sa kabilang buhay e magiging kayo uli. Sarap no.
10. YOU’RE STILL MY BEST FRIEND – the best. Ayaw mo nun? Bestfriend ka pa rin niya? So ibig sabihin, ililibre mo parin siya at obligado kang magregalo tuwing may okasyon. Anong kapalit? Ikaw lang naman ang unang makakaalam kung sino ang bago niyang jowa. Ikaw din ang unang makakarinig ng mga “sweet moments” nila nung ipinalit sayo, habang ikaw ay busy sa paghihigpit ng tali sa iyong leeg na nakasabit sa ceiling fan.
Pagkatapos mong palitan ang pangalan niya sa phonebook bilang Lucifer, gawing scratch paper ang mga sulat niya pag math exam, idikit ang picture niya sa mga wanted posters, ituro siya bilang prime suspect sa holdapan ng mga computer shop, idelete sa mga social networking sites, ipagkalat na ipinanganak siyang may buntot na parang unggoy. Aminin mo. Ilang beses mo paring chinecheck ang profile niya sa FB gamit ang isang dummy account. Natural lang yun. Alangan namang maghanda ka pa ng pansit at biko dahil iniwan ka ng jowa mo. Di madaling lumimot. Pero lilipas din yan. Parang gutom. Mahapdi sa simula. Pero nawawala din. Dadating ang oras, matatawa ka nalang kung bakit mo pinagaksayahan ng luha ang gung-gong na yun.
Hindi lahat ng nakipaghiwalay sa kanilang mga karelasyon ay manloloko. At hindi lahat ng nanatili sa kanilang “relationship status” ay matino.
Ang nabigong pag-ibig ay parang sugat. Patakan mo ng kalamansi. Para di ka maiputan ng ibong adarna.