Pages

Tuesday, December 27, 2011

Minsan nang sumagi sa isip kong batuhin ng coins ‘yung mga nagmamaganda sa jeep.


Wala namang mawawala sa’yo kung iaabot mo ‘yung bayad nung nasa may bandang dulo. Ay sos mga ‘te! Tanggal-tanggal din ng arte. Isa pang kina-iirita ko eh ‘yung mga palatak ng palatak ‘pagka medyo nasisiksik sa jeep. Kung ayaw naman kasi ng masikip at kung ayaw makisuyuan eh ‘di mag-taxi sila. Kaso ‘yun na nga eh, tag-tipid din at praktikal ‘kala mo kung sino tapos ‘di pa marunong makisama. 

Ang sarap pa-bitinin dun sa string na hinahatak para tumigil ‘yung jeep! Pahabol pa nga pala ‘yung mga pa-side view umupo, sana pang-dalawang tao na lang binayad ‘di ba?

Tuesday, December 20, 2011

Simbang Check In!

Hanep ibang iba na talaga ang teknolohiya ngayon at ang mga kabataan ngayon. Dati kung ang mga simbang tab.. gabi eh talagang pure na simba lang, aba sosyal ngayon! At may mga makikita ka na sa mga Social Networking Sites na nag Check-In pa ha! Magsisimba na lang. Ang kulit lang tipong

Puyat pa ako! - At Quiapo Church

Ang tagal naman ni Loves! - At Sto. Domingo Church

Im with my barkada, after magsimba tambay starbucks later! You know, drink some coffee, read some book with my barkada. Syempre, puyat, i need to make gising na eh - At Barasoain Church.

<Insert Church Image Here> - via instagram

Pero sabi nga ng isa kong idolo rin dito eh hindi naman natin sila masisisi, kahit naman siguro ikaw mismo, gusto mong ipakita na banal ka, kahit na napipilitan ka lang minsan. Parang formality, masabi mong nagsisimba ka, kahit na nawawala na yung sakramento ng pagsisimba eh sige pa rin. At least nag effort ka, at alam mo naman sa sarili mo yung ginagawa mo eh. Kung sino ang niloloko mo.

Sino may sabing hindi natin kailangan ng Math sa Buhay?

  • Nandyan ang SLOPES ng problema sa Buhay.
  • Mga X na pilit tayong sinasaktan, at yung hindi mawala walang Y’s ng ating mga kaibigan.
  • Minsan ang tadhana natin sa kanila eh maaring mag Intersect.
  • Dapat sa pag-ibig alam mo ang distributive property. Para hindi ka nasasaktan at hindi mo nilalahat ang pag-ibig mo sa kanya.
  • Sa samahan niyong pagkakaibigan hindi mo alam kung anong degree na ba ang friendship niyo, kung ready to the next level na ba o hindi pa.
  • Minsan unfair ang love, laging may inequality.
  • Si GOD dapat ang MIDPOINT ng relasyon niyo.
  • Think POSITIVE lagi dapat, walang magagawang mabuti ang pag-iisip ng mga NEGATIVE na bagay.
  • May POWER kang natatangi sa buhay mo, may sarili kang kalakasan, gamitin mo ito para sa iyong kahinaan.
  • Lahat ng problema ay may SOLUTION.
  • Natuto tayo mag PROVE at mag ASSUME.
  • At ang lovelife, madalas ZERO.
  • Pag RATIONAL ka, reasons ang ginagamit mo at hindi senses lang.
  • Maganda ang POINT ng sinulat ko diba?

Monday, December 19, 2011

At least sila meron. Ikaw wala.

May mga pagkakataon sa buhay ng isang tao na manlalait siya ng mga relasyon, mga taong nakikita niya sa mall, sa palengke, sa village niyo o kahit saan pa man na may nakikita kang magkasintahan na naglalakad.

Hinuhusgahan mo sila ayon sa itsura. Yung mga jejemon na nakikita mo sa mall na sobra makaakbay sa mga kani kanilang shota. Mga matatanda na daig pa ang mga bata makipag PDA sa mga Mall. Pero mas tanggap naman ng lipunan ang mga matatandang sobrang sweet, dahil bihira na ang ganun ngayon.

Minsan pa nga kapag mukhang katulong yung babae, sinasabi mo dayoff. Taos huhusgahan mo din ang kasama niya na maaring security guard o construction worker naman. 

At least meron sila yung tinatawag na tunay na pagmamahal, yung tunay na pag-ibig ika nga, yung hindi nila iniinda kung ano at sino sila, yung pinapahiwatig lang nila eh yung pagmamahal. Nararamdaman nila sa isat-isa yun. Kung tutuusin wala naman talagang panget na magkarelasyon. Patuloy na ang nag-iisip lang nito eh ang mga mapagkutyang tao, mga tao na walang ginawa kundi manira maitaas lang ang sarili nila.

Kaya mga nananatiling single eh, sabagay.. Hindi nga naman natin masisisi, malay mo ilang beses ng niloko ng kasintahan, malay mo puro palpak na lang ang pinasok na relasyon dahil ang gusto ko eh yung magandang bebot o isang mala Piolo Pascual na Chikboy. Ayan kaya sa huli iniiwan, niloloko, umaasa, pinapaasa.

Di tulad ng mga nilalait mo sa mall, dinaig ka nila sa diskarte, dinaig ka ng mga jejemon na inaasar mo, Bakit? Eh malakas loob nila e. Kanya kanyang swerte ika nga. Kanya kanyang bola ng kapalaran.

Kahit anong pang lalait pa yan sa kanila, at least sila meron.. Ikaw wala :)

Sunday, December 18, 2011

If I'm not an Engineer, I would be a...

If I'm not an Engineer, I would be a Pianist ;)

ayan ung sinabi famous line ng kaibigan ko .. pero ang sagot ko sa tanong na yan..

If I'm not an Engineer, I would be a Writer ;)

Bakit gusto ko maging writer kung sakali hindi ako Engineer?.. iba ang pakiramdam pag nag susulat . lahat ng nasa utak mo ma sasabi mo.. parang eto ung naging escape ko sa realidad kapag masaya o malungkot ako.. simple lang ang gusto ko maramdaman ng bumabasa ng blog post ko. ung makita nila kung ano ang pananaw ko sa buhay. kung pano ko tignan ang bawat angulo ng problema. lagi ko sinasabi sa sarili ko.


"Masyado ma-iksi ang buhay para maging malungkot. at hindi tayo habang buhay nandito kaya gawin natin ang makakapag pasaya sa mga taong mahal natin."
Hindi mahalaga sakin kung my nag babasa or wala. at pag dumating ung panahon na wala na ako dito sa mundo at least my ma iiwan ako. na pwede nila basahin pag wala sila magawa habang nag facebook. hahaha.. biro lang
Wala ako istilo sa pag susulat basta ang gaan kasi sa pakiramdam pag nasasabi mo ung ingay sa utak mo ng wala masyado humuhusga agad. oo takot ako ma husgahan dahil takot ako ma kumpara sa iba. hindi dahil sa insecure ako.. dumadating kasi sa punto ng tao na hindi na kuntento sa mga natatamasan nila kaya, aun nag hahangad tayo ng mas mataas pa.. pero hindi ba mas masaya pag simple lang wala arte sa buhay. wala reklamo. wala ingitan. ung wala gusto malalamangan..parang coke SAKTO lang.. haha korni.

Tandaan mo iba't iba ang kakayahan ng mga tao. Ibang pananaw nila. Ibang paniniwala. na dapat natin respetuhin at intindihin kasi. Sa mundo ito kahit mag paka totoo ka. Huhusgahan ka.., At least alam mo sa sarili mo kung pano maging ikaw na walang tinatapakan ibang tao.. Diba?






To all my INAANAK

Requirements to claim your gift:
  • Original copy of your baptismal certificate.
  • Certified TRUE and ORIGINAL copy of your birth certificate. (NSO-Yellow)
  • NBI Clearance of your Parents
  • Baptismal Picture of you and me
  • Exact time, date and location of your Baptismal.
  • What was the first gift that I have given you.
  • Barangay clearance
  • A 15-minute talent presentation (preferably acrobatic stunts). Sige na nga baka sabihin nyo hindi ako considerate kahit i-CD nyo na lang (ala-Showtime)

*No Proxies when passing the requirements.
*No alalays when claiming.
*Please pass these on or before December 24, 2011

*Incomplete requirements = NO GIFT
*Late submission of requirement = NO GIFT din

Wrestling = Soap Opera for Boys.

Alam naman nating lahat na Scripted ang Wrestling, sobrang naloko ang kabataan natin dahil talagang pinaglalaban pa natin na hindi scripted ito, sobrang naapektuhan tayo dati kung sino ang mananalo, tapos sobrang natutuwa at naaastigan tayo kay Undertaker dahil nabubuhay siya pagkatapos niyang mamatay at higit sa lahat pumuputi ang mata niya.

 Nakakamiss yung mga pumanaw na, sila Eddie, Chris Benoit tska si Ultimate Warrior.

 Gusto rin natin laging nakikita si The Rock, Batista, Triple H, Stone Cold at marami pang iba. Nagagalit tayo madalas kapag may masamang Wrestler na maghahampas ng Steel Chair sa bida. Still undefeated pa rin pala si Undertaker sa Wrestlemania after niyang ma Tombstone ng isang beses ni Triple H at tatlong pedigree, siya pa rin ang nanalo. Dahil sa Submission.

Nakakatuwa na hanggang ngayon eh sinusubaybayan pa rin ito ng karamihan, alam naman kasi natin ang trip ng mga lalake, kakaiba talaga. Nakakatuwa pa rin na kahit may UFC na at MMA eh patuloy pa ring tinatangkilik ang World Wrestling Entertainment.

Saturday, December 17, 2011

Use your Words Wisely.

Lahat ng BABAE manloloko.
Lahat ng LALAKE manloloko.
Bakit hindi mo na lang gawin na lahat ng TAO manloloko?

Ganun din eh, parehas lang din may magagalit kapag nilalahat mo ito. Bakit hindi mo na lang pangalanan. Kunwari

SI Juan ay manloloko.
Si Dolor ay manloloko.
Parang ganyan, dapat safe tayo sa mga sinasabi natin, maaring sa atin yan pero dapat sensitive rin tayo kahit papano sa mga nakapaligid satin.

Katulad ng

Dapat sa BABAE minamahal.

Paano ang lalake? Dapat minamahal din dapat diba?

Dapat palitan ito ng

Dapat ang TAO minamahal.
O diba? Safe at in general ka magsalita? Sa paraang yan matutuwa palagi ang tao sayo. Tipong neutral ka sa mga bagay bagay na nakapaligid sayo. Lumalabas na nagpapaliwanag ka lang, at hindi nagpapatama kung kahit na kanino.

Kaya hindi matapos tapos ang gender war eh, dapat lahatin na lang. Ganun din naman eh, walangya. O kaya para safe ka lagyan mo ng


Yung ibang lalake.Yung ibang babae.

Kung medyo may pagka gender hater ka talaga.

Pero iba talaga kapag Tao ang nilagay mo, pwede lahat

Girl Boy Bi Tomboy.

Edi ang saya ng ating society diba?

Taong kwarto ka rin ba?

Yung ang mundo mo eh umiikot sa loob ng kwarto, lalo na kapag may laptop ka or sariling desktop sa loob ng kwarto. Para bang napakaliit ng bahay mo dahil dun ka lang nakapirmi. Ok din kasi mag-isa minsan sa kwarto eh, nandun lahat ng privacy mo, lahat ng bagay na ginagawa mo eh maluwag mong nagagawa dahil nga walang nakatingin, walang nakikinig, sarili mong mundo. Ikaw ang boss, ikaw ang masusunod. Dito rin nakakapag-aral ng maayos. Onting soundtrip galing internet, o kaya naman galing mp3 player tapos may maliit na speaker eh may mahihiling ka pa ba?

Minsan masarap makipagusap kapag nasa loob ka lang ng kwarto, maari mong lambingin yung kinakausap mo, pwede ka mag open ng kahit na ano. Basta masaya kapag may sariling kwarto.

May mga tao rin naman na ang buhay eh nasa sala. Dahil nandun ang computer, dun na umiikot ang mundo niya, doon na siya nanunuod ng TV, dahil malapit din sa mesa doon na rin siya kumukuha ng pagkain at ginagawang Dining Table ang Computer Table.

Maiisip mo na ang swerte mo no? Dahil yung ibang tao nga walang matirhan, tapos ikaw eh pa petiks petiks lang sa loob ng kwarto mo.

Friday, December 16, 2011

A sorry loss.

May syndrome talaga ‘yung Ginebra na ‘pagka lumalamang nahahabol sa iba’t-ibang dahilan. Maaring dahil kumakampante o hindi lang talaga umaayon ang tadhana. Masakit isiping lamang at ang ganda ng laro sa loob ng tatlo’t kalahating quarters pero pagdating sa final push eh nawawala ang composure.

Halos mapatid ang litid ko sa kakatili nung napasok ni W. Wilson ‘yung Tsamba kuha sabay na-shoot shot pero ganun talaga. Bilog ang bola. It was a nice game for the Elasto Painters. I’m feeling na magba-bounce back ng matindi ang Ginebra.

May injury si Intal, Wala si Tubid, Palpak ang FTs ni Villanueva, Poor choice of shots, Nawalan ng ball movement, Defense Collapsed. Masakit man, kailangan tanggapin. NEVER SAY DIE. Ginebra pa rin.

Sulat ng taong In-love at baliw na baliw na.

Kamusta aking Irog?

Ay naku!! Gigil na gigil ako sayo! Gusto kong kurutin ang pisngi mo dahil sobrang cute mo, tapos nakakatuwa ang iyong tinig, para bang isang anghel na kumakanta mula sa langit. Para bang isang rosas na hindi malanta lanta dahil punong puno ng buhay. Isang emoticon na kulay dilaw na may kasamang pula na may hawak-hawak at tinitibok na puso. Isang emoticon na sobrang saya.

Nakakabaliw ka! Nakakamiss ka kahit araw-araw kitang nakakausap at nakakasama sa twina. Sana palagi ka lang nandiyan para sa akin, ganito pala ang inlove talaga, ganito pala! Giliw na giliw ako sayo aking sinta! Sana ay mapansin na ang mga twina, hindi na kailangan kunin ang buwan at bituin, ang mahalaga ikaw ay malapit sa akin. Daig ang ningning ni Sharon Cuneta, All time season kitang mamahalin tulad ni Tita Vilma!

Isang matinding pusong sobrang naguumapaw, isang pusong masaya, isang pusong nabuhayan!! Kagigil! Hayyy!! Gusto kita kausapin parati! Huwag kang magsasawa, huwag kang maiinis! Dahil damdamin ay hindi mabatak pabalik, nangunguna, malakas ang tibok! Hindi maipaliwanag! Isa na ata akong superhero sa nararamdaman kong ito!

Tatapusin ang sulat na ito ng nakangiti, dadalhin ang ningning sa iyong mga labi, pakiramdam ko ako ay lumilipad, ayaw ko ng bumaba, ako ay tunaw sa tingin ng iyong mga mata, nauutal sa ngiti mong makulit!

Ayyy!! Yiieeee!! Kagigil!

Thursday, December 15, 2011

nawalan ka. isipin mo nakatulong ka

My day Start with a little off.. i was engage with the fact i was going with emotional distress.. i was forced to summoned to be happy and smile for once in a while to start a day..

my office hours went smooth just like normal office girl. never the less that i wont deny that my heart is seeking for calmness.

i just want to rescue from my burden. i want to felt to be secured. for once in a while i just want to feel being cared to i want to ease the agony from my personal hell ..

teka teka! anu ba sinasabi ko.. nanaginip ata ako. akala ko ako isa ako author ng sikat na novel. na my nag eemo na babae at nag hihintay sa price charming niya vampira..

pero seryoso.. kanina sa sobrang puyat ko.. or pagod siguro.. nakatulog ako sa van.. tapos pag gising ko wala na ung wallet ko.. syempre nag lumo ako.. mga katas ng pinag hirapan ko.. hindi ko nman pansin dahil van un. mas safe kesa sa pampasaherong bus. pero hindi.. akala ko lang un..

PANU KUNG:

PANU KUNG!

nag liwaliw muna ako sa greenbelt

nag shopping sa landmark,,

kumain muna sa glorietta

at hindi umuwi ng ma aga kasi wala ako aantayin para kasabay umuwi,,

edi sana hindi ako nakuhaan..

pero destiny na siguro ito.. iniisip ko na lang.. talaga na ngaylangan ung kumuha.. malay natin sa maganda nman mapunta.. oh diba.. nakatulong pa...


sa buhay ngaun.. depende. kung panu natin gagawin maganda ang outcome ng isang negatibong pang-yayari.. kung pano tayo makakabangon sa bawat pag subok..

Wala sa Gulay ang Buhay.

Hindi talaga natin alam kung kelan tayo kukunin, maaring bukas, maaring mamaya ( wag naman sana ), sa isang araw o sa mga susunod na taon. Sabi nga “Wala sa Gulay ang Buhay” tama nga naman.Tulad nung nananahimik ka lang sa bahay niyo tapos bigla kang bagsakan ng eroplano at dun mag aircrash sa bubungan niyo, sa tingin mo ba may kawala ka? Yun nga na nananahimik lang eh namatay yun pa kayang mahilig kang umalis ng bahay o kaya isa ka sa mga taong mabisyo?

Sabi sakin na yun na yun eh, wala ka ng magagawa, kapag nangyari na eh nangyari na, yun ang paraan paano ka niya kukunin, yun ang nakasulat at yun ang tinatawag mong destiny sa buhay eh.

Kung malakas ang faith mo, maniniwala kang pinahiram lang sa atin ito. Malay mo sa oras na kunin ka eh may bagong paghihiraman naman ito. Ganyan eh, ganyan talaga. Wala sa Gulay ang Buhay.

Kaya dapat mag enjoy sa buhay, hindi dapat basta basta nalulungkot na lang. Sobrang ikli ng buhay para sa atin. Dapat i cherish at enjoyin talaga dapat. Napakalaki ng potential sa mundong ito.

Simbang Gabi

Di ko alam kung dapat bang bumilib ako sa mga bagets na alam kong hindi naman talaga simba ang binabalak kundi ang pumorma at makipag date sa loob ng simbahan. Pero masisisi mo ba talaga sila kasi kahit papano eh gumising sila ng umaga para lang makasama ang mahal nila sa buhay?

Depende yan eh,


May mga simbang tabi, magpapaalam na magsisimba yun pala diretso mall na.

Maraming motibo, hindi mo alam kung balak talaga nilang kumpletuhin ang simba o para lang ito sa mga kasama nilang magsisimba.

May mga taong bilib rin ako, yung mag-isa silang pumupunta ng simbahan, para magsimba lang, para kumpletuhin ang simbang gabi at umaasang matupad ang kanilang mga hiling.

Kanya kanyang trip, kanya kanyang motibo. Basta ang mahalaga hindi mawawala ang espiritu ng simba sa atin at lalo na ang pasko.

Wednesday, December 14, 2011

Iba ang simple

Mababaw lang naman ako at hindi talaga inclined sa pagiging fashionista. Syempre, mahalaga maging presentable pero hindi naman kailangang lagi kang bihis na bihis na akala mo may gala o photoshoot kang pupuntahan. Simpleng t-shirt na masarap sa balat ang tela at presko, hindi lukot at trip ko talaga ang disenyo tas ternuhan mo pa ng maong na swabe at bestfriend ng paa ng rubber shoes/tsinelas na matatag eh solve na ‘yun pang-mall o pang-gala kung saan.

Ayoko nung marami pang abubot na ikakabit sa katawan at aabutin ka ng dalawang oras sa kakapamili ng match na outfit eh d’yan ka lang sa palengke o sa pinakamalapit na mall pupunta. Dyahe kasi ‘yung ganung tipo. Ubos oras. Hindi lang naman ikaw ang titignan sa mall.

Parang algebra lang yan. iba at angat ang itsura kapag nasa simplest possible form.. 

Pampalubag Loob.

  • No offense - pero naka offend na ng sobra. Nilait ka na, sinabi na ng husto ang reaksyon niya.
  • Hindi naman sa nangengealam - pero sobra sobra na ang pangingi-alam. Halos lahat na eh pinansin sayo.
  • Hindi naman sa nagmamayabang - iniyabang na ang lahat lahat. Kulang na lang eh magkaroon ng bagyo sa sobrang kahanginan niya.
  • Hindi naman sa pagkukumpara ha? - pero ang dami na niyang sinabi na kung ano anong pinagka iba sa inyong dalawa.
  • Mawalang galang na po - pero babastusin ka na ng tuluyan

Monday, December 12, 2011

Iba talaga kapag artista

Iba eh, dapat talented ka. Yung ibang pinaparating na pagka talented yung tipong hindi naman marunong kumanta eh pinapakanta. Iba talaga eh sobrang entertainer ng dating nila. Dalawa lang naman ito, ma entertain mo sila kung maganda ang boses mo o kaya naman ma entertain mo sila dahil panget ang boses mo. Ang mahalaga artista ka, audience sila at may ratings. Solb na!

Tulad rin sa pag arte may mga taong may itsura lang pero hindi naman magaling umarte. Akala mo kasali sa video ni Lady Gaga na poker face kung mga umarte. Mga walang emosyon, halatang hindi pa sanay. Halatang basta binunot lang sa mga talent search o kaya naman may itsura lang kaya ang inisip ng management eh ” Ayos na yan, ratings din yan “.

Iba talaga kapag artistahin ang mukha, tipong kahit hindi magaling eh laging napapansin, maraming tumatangkilik. Kahit na ramdam mo na walang kwenta, basta may itsura eh sige lang, anong magagawa mo? May manager ka eh, may fans, palagi silang na kyukyutan, naastigan sa itsura pero hindi nagagalingan. Ganun naman madalas ang industriya. Kung ano ang sabihin nito sayo eh dapat mong gawin. Kakanta ka ng LIVE sa audience pero lipsync lang pala ito? Ano yun? Naging komedyante ka na lang sana dahil ang galing mong mag joke.


Saturday, December 10, 2011

TULOY TULOY LANG ! hala BASA !

eto na po yung kasunod !

“FLOWER SHOP”

flowers has plenty of emotions to symbolize
beautiful things that you can easily recognize
from love to sadness and everything in between
you might ask such beauty, “where have you been?”

a red rose has been considered to show love
and some girls find it, a very passionate gift to have
because for them that’d be very romantic
and they’d find you very attractive

a flower can sometimes express sadness
especially those compassionate white roses
these roses are considered to signify sympathy
to show respect to the dead to at least make them happy

there you see, some of the emotions a flower can express
there’s plenty more, and you might know the rest
so if you love someone give them red roses today
cos it’ll be sad to give them white roses someday

hahha may title yan ahahha… kaya yun napili ko title dahil this poem was inspired by the flower shops that i saw while im on my way to manila… hahha sanay nagustuhan nyo !

Monday, December 5, 2011

Ako pauwi na, yung mga bata namamalimos pa sa daan.

Nakakalungkot tignan ang mga batang ito, sino pa ba? Edi yung mga pulubi sa daan, mga batang kalye, mga batang nakatambay sa overpass kahit na medyo masama ang ugali nila sa paghingi ng pera sayo, wala eh, wala kang magagawa kundi intindihin ang mga ito. Una mo kasing tatangungin dapat sa sarili mo, nag-aaral ba sila? May gabay ba sila ng magulang nila sa edad nila na iyon? Saan ba sila lumaki? Sa kalsada na diba? Kaya di mo masisi bakit ganun ang ugali nila.

Nakakalungkot lang na dis oras na ng gabi eh nasa daan pa rin sila. Namamalimos, naghahanap ng makakain, halatang walang magawa, kaya naglalaro na lang sila sa lansangan, overpass, pati na rin kung saan dumadaan ang mga sasakyan.

Minsan labag pa sa kalooban mo na abutan sila ng pera, hindi mo naman kasi alam kung ano ang bibilhin nila doon. Baka Rugby? O maaring ibigay rin sa magulang nila, para saan? Pang bili ng pagkain? O baka naman pang tong-its ni Nanay o kaya naman pambili ng Alak ni Tatay.

Di tulad nung ibang kabataan na may pera ang magulang, nakakapag-aral din naman pero bakit ganun ugali nila? Ugaling kalye. 
 
Basta, nakakalulungkot, dapat nagpapasalamat ka hindi ka ganun. Wala ka sa daan ngayon, may maayos kang damit, nakakapag-aral ka at kung ano ano pang biyaya ang meron ka ngayon. Nakakalungkot lang talaga ang kanilang sinapit, minsan na nga lang mabubuhay sa mundo ganung buhay pa ang naranasan nila

Sunday, December 4, 2011

kung wala kayo masyado magawa. bisitahin niyo sila.. :)

kung wala kayo masyado magawa. bisitahin niyo sila.. :)

Cuteberl’s World: Panibagong Simula
Debris of My Past
My little web playground
Opinions by Flow Galindez 
Staedler
The Googly Gooeys
The Musings of a Hopeful Pecunious Wordsmith – SittieCates
Yoshke.com – Blogging at the Speed of Life

At syempre ung winner nasi The Culture Shack: "2011 Philippine Blog Awards Best Personal Blog and Readers' Choice Award"

The Culture Shack: The Culture Shack is the 2011 Philippine Blog Awar...: We've seen rock stars do it in concerts. As a song progresses to its resplendent chorus, someone high-voltage like Mick Jagger or Chester ...

Yey! salamat sa mga organizer ng Philippine Blog Awards sa oportunidad..

You want something. Go get it. Period.


Napanuod mo siguro itong movie na  "The Pursuit of Happiness" Isa sa mga magagandang inspirational movie na napanuod ko base sa real life story ni Sir Chris Garner na ginampanan ng respetado actor na si Will Smith..

tama dahil dito sa mundo natin ng mapanghusga na dinidikta ng  mga mata. Para sa kanila hindi sapat ang simple bagay lang. my punto na minsan ma-ihahalintulad ka sa ibang tao at pag un nangyari itatak mo ito sa puso mo ang bawat linya na ito. "Don't let somebody tell you cant do something, you got a dream you have to protect it"

sa bawat pag subok sa buhay tandaan lagi mag dasal lugi ka kung mag titiwala ka sa sarili mo. mag tiwala sa Panginoon dahil Alam mo kung gaano kalakas si Lord? Sa dinami-dami ng problema sa mundo, kinaya Niya lahat kahit hindi ka tumulong. Wala pa sa usapan kung pano ka Niya binubuhat papalayo sa kasamaan.

Friday, December 2, 2011

Finalists for Personal/Diary Category – Luzon Level

"Finalists for Personal/Diary Category – Luzon Level"

ang sarap basahin.. pero masaya na ako kasi pakiramdam ko na nalo na ako. ung makabilang sa hanay ng mga respetado bloggers dito sa bansa natin, aun eh malaki karangalan para sakin. ngaun pa lang parang nanalo na ako! salamat! salamat sa walang humpay na suporta sa mga nag babasa ng ingay ng utak ko.. hindi ko matatamo ito kung hindi dahil sa inyo.. mas lalo ako na inspire mag sulat!