Pages

Wednesday, September 14, 2011

PAGKALIMOT.



Lahat naman tayo ay nakakalimot. Nakakalimot sa mga nararamdaman natin, sa mga birthdays ng mga importanteng tao sa atin, mga meetings na hindi napupuntahan, mga gawaing bahay, mga assignment sa school at iba pa. Ang pinakamasakit lang ay yung makalimot tayo sa mga taong mahahalaga sa atin. Tipong kaibigan man natin o karelasyon. Siguro lahat naman tayo minsan nawawala na sa loob natin ang ating mga kaibigan. Madaming pwedeng maging reasons, maaaring busy tayo sa school o kaya naman sa work, pwede din namang may mabigat na problema tayong pinagdadaanan. Oh kaya talagang walang dahilan at sadyang nakalimot lang tayo. 

Minsan magtatampo ang mga ito sa atin, masisisi mo ba sila? Lalo na kung alam mo sa sarili mo na nakalimot ka na nga? Well siguro may mga nag bago nga sa inyo lalo na kapag matagal na kayong hindi nagkikita. Maraming bago sa inyong dalawa. Magsisimula kayong magkapaan. Pero hindi naman porque nakalimot kayo sa isa’t isa eh hindi na kayo magkaibigan. Yung iba kasi tinatalikuran na yung pagiging magkakaibigan. Ang sakit lang ng ganon, kahit na madami namang nag bago sa inyo eh hindi naman yun dapat maging dahilan para hindi na kayo maging magkaibigan.
Pero siyempre kanya kanyang case naman yan. Kaya ano nga ba ang dapat gawin? Kahit papano eh dapat updated kayo sa isa’t isa. Kahit papano alam mo yung nangyayari sa kanya. Hindi naman kailangan na makausap mo siya araw araw. Basta ang importante magkaron ka ng idea kung ano ang nangyayari sa kanya. Mahirap kasi yung nagkakasira ang pagiging magkaibigan niyo dahil lang sa nawalan kayo ng communication o nakalimot lang talaga kayo