Ang hirap lang kasi hindi mo alam kung ano ang gagawin mo. Hindi mo alam kung saan ka lulugar. Ewan ko ba. Siguro, parte lang talaga ito ng buhay. May oras na sobrang guguluhin ka ng isip mo. Ngunit sa gitna ng kaguluhan na kasalukuyan mong hinaharap, pilit pa ring hinahanap ang saya at halaga ng pangyayaring ito. Ano nga bang saysay nito? Paano nga ba ito malalagpasan?
Bahala na si Batman.
Wednesday, August 31, 2011
Friday, August 26, 2011
PAHALAGAHAN MO ANG MGA BAGAY NA AYAW MONG MAWALA SAYO.
KAPAG BINALEWALA MO ITO, MAAARING MAKITA MO NALANG ITONG HAWAK NA NG IBA…AT HINDI MO NA PWEDENG BAWIIN PA.
KAPAG BINALEWALA MO ITO, MAAARING MAKITA MO NALANG ITONG HAWAK NA NG IBA…AT HINDI MO NA PWEDENG BAWIIN PA.
Labels:
Pananaw sa buhay
Normal na ginagawa ng isang tao kapag umuulan.
Nag iinternet - Nagiinternet sila dahil ito na lang naman talaga ang pinakamagandang gawin ng isang kabataan ngayon. Nandito ang buhay nila kapag nasa bahay sila. Tamang nakikipag chikahan kulitan sa mga kaibigan nila online.
Kumakanta - isang ritual para manatili ang bagyo eh sinasabayan nila ito ng pagkanta. Tipong kanta lang ng kanta, videoke lang ng videoke hanggang maging signal number 3 na ang ulan. Ewan ko ba bakit lumaki ang mga taong may paniniwalang kapag kumakanta ka eh umuulan.
Nag dodrowing - Ginagawa ng mahihilig sa arts. Tipong idinrowing na ang lahat. Muta, kulangot, buhok ng tao, isang tunay na tao, isang paboritong karakter at marami pang iba. Nakakainggit yung magaling gumuhit. Sarap magnakaw ng talent.
Tamang Text lang - GM dito, GM doon. Nilalamig daw siya at kailangan niya ng kayakap. Ayan kasi, binreak ang bf/gf eh hindi alam na may bagyong dadating ayan tuloy nanlalamig dahil sa sobrang hinanakit sa naging desisyon niya sa buhay niya.
Movie Marathon - Aba ito ang pinakamainam gawin. Manunuod ng mga pelikulang napanuod na, o kaya naman mag dodownload ng bagong pelikula sa internet. Swerte kapag malinaw ang kopya. Sabayan mo pa ng Order sa paborito mong Fastfood chain.
Kumain - Kailangan pa ba ng paliwanag dito?
Matulog - hindi nila nababasa ito ngayong blog ko. Dahil tulog sila ngayon. Ayan o tulo laway. Patuloy na nananaganip ng matiwasay.
Labels:
Mga nakapaligid sayo
Tuesday, August 16, 2011
Kagandahan sa panunuod ng pelikula.
Ang kagandahan kapag nanunuod ka ng pelikula eh yung values na matututunan mo dito. Depende sa pinanuod mong palabas.
- Kapag gera ang pinanuod mo matututunan mo pano tumapang.
- Kapag tungkol naman sa pag-ibig matututunan mo ang ibat-ibang problema sa relasyon pero sa huli nagkakabalikan rin ang mga ito.
- Kapag tungkol naman sa fantasy ang pinanuod mo, matututunan mo ang ibat-ibang imahinasyon na meron ang bawat tao. Maari mang hindi totoo ang mga ito pero pede mo ito gawing inspirasyon.
- Kapag naman pinanuod mo eh yung tungkol sa mga bampira na may glitters sa mukha. Matututunan mo na ang glitters pala eh pwede gawing make up.
- At kapag inspirational movies naman, naku po dito ka tatamaan talaga. Tipong tapos na ang pelikula eh napapaisip ka pa. Ang tindi lang
Labels:
Mga nakapaligid sayo
MASARAP AT MAHIRAP MA INLOVE.
Masarap ma inlove kasi ang sarap din ng feeling na may nag-aalaga sayo, may nag-aalala sayo, may natatakot na mawala ka sa buhay nila. Masarap ma inlove lalong-lalo na kapag mahal ka rin ng taong mahal mo. At kung ramdam mo talaga yung pagmamahal niya. Ang gaan ng feeling na may isang taong nagpapahalaga sayo ng sobra. Yung tipong magkakasakit ka lang, daig pa niya ang nurse sa pag-aalaga. Pinakagusto ko rin yung feeling pagkatapos ng away niyo na magkabati na kayo. Oo nga`t masakit kapag may bagay na hindi niyo napagkasunduan. Pero dahil sa nire-respeto niyo ang isa`t-isa at dala na rin ng sobrang pagmamahalan, nagagawa niyong humingi ng tawad at mapatawad ang isa`t-isa.
Mahirap ma inlove kasi may mga taong martyr at may mga taong manhid. May mga taong kahit sobrang nasasaktan na, patuloy pa rin sa pagmamahal sa isa kahit na minsan, eh harap-harapan na ang paggawa niya ng kasalanan. May mga tao rin kasing hindi makuntento sa isa. Masakit ma inlove lalong-lalo na kapag parang balewala ka naman sa taong mahal. Mas inuuna pa niya ang mga walang kwentang bagay kesa sayo. Masakit kapag di mo maramdaman na mahal ka nga niya. May mga taong nagpapakatanga sa pag-ibig lalo na kapag sobrang na-attach na siya dun sa isang tao. Magulo ang pag-ibig. Ang dapat mo lang alamin eh kung kelan ka lalaban at kung kelan ka susuko. Nakakatanga ang pag-ibig ika nga. Pero wala namang batas yun para panindigan mo ang pagiging tanga

Usapang Puso
Saturday, August 6, 2011
Hindi ba't ang sarap sa pakiramdam yung kampante ka sa taong mahal mo?
- Yung walang halong kaba o pagdududa?
- Yung masasabi mong “Akin na akin lang siya. Kahit may gustong umagaw sakanya, hindi niya hahayaang magpaagaw siya.”
- Yung feeling na mahimbing ka makakatulog sa gabi na walang iniisip na baka mawala siya sayo bigla.
- Yung relaxed ka.
Ang masasabi ko lang, hindi ito maganda sa isang relasyon. Kaya habang andito ka pa, wag mo na ito hayaang mawala pa.
Labels:
Usapang Puso
Friday, August 5, 2011
Time Flies
Before you know it, today becomes yesterday and tomorrow is already knocking at your door. When last night and tonight seems like it’s one and the same, because it feels like there’s less and less daylight anymore.
I can’t lie and say that I never have those days where I feel like time has stopped, when I feel trapped in a moment for the longest time. It’s like the hands of time are holding me in place for no apparent reason. But for the most part, especially lately, I feel like there isn’t enough time altogether. Either there isn’t enough time, or maybe I’m just not making the most of what time I have.
I’m at the point where I’m realizing the value of time, and how I should appreciate it more. Because every second I don’t use is a second that I’ll never get back. Eventually, that unused time will accumulate and maybe even become days. Days that I wish I could have used to be with family, friends, or to go out and live it up.
Time doesn’t stop for anyone, or anything. I just feel like it’s up to me to determine whether it was a waste of time, or something more.
Labels:
Pananaw sa buhay
Bakit daw kailangan laging may nasasaktan sa isang relasyon?
Wala dapat nasasaktan sa isang relasyon. Sa pagmamahalan, wala dapat talagang masasaktan o nasasaktan o sinaktan. Hindi siya automatic na pagnagmahal ka, may masasaktan talaga. Pero maghanda ka nalang din.
Kaya lang naman may nasasaktan dahil sa selos, galit, atbp.
Imagine-in niyo nalang kunyari, na sa isang bahay nalang kayo. Okay naman ang pamumuhay niyo dalawa. Hindi ka nagseselos dahil wala kang pagseselosan. Hindi ka magagalit kung walang rason. Diba? Walang masasaktan. Kung buo naman tiwala mo sa kanya…at syempre, dapat nagsasabi din siya ng totoo, edi walang problema. Walang titibag sa isang relasyong solid.
Kaya kung magmamahal ka, dapat sure na. Hindi yung sasagot/sasagutin ka kaagad.

Wednesday, August 3, 2011
Hangga't hindi ka nasasaktan, hindi mo masasabing totoong nagmamahal ka.
Alam nating napaka-komplikado ng pag-ibig. Ang hirap ipaliwanag, ang hirap minsan ipadama, ang hirap minsan intindihin. Pero sa kabila ng mga paghihirap, dun mo mararanasan ang sarap nito. Inaamin kong hindi ako eksperto sa pag-ibig, pero dumaan na din ako sa tinatawag nating pagiging “heartbroken”, kaya nasasabi ko ang mga bagay na ito.
Ang pag-ibig ay parang pag-aaral ng skateboarding. Hindi ka matututo hangga’t hindi ka nagkakamali. Minsan nahuhulog ka sa skateboard, minsan nakakatama ka sa kung saan, minsan nagkakasugat. Ganyan din kapag nagmamahal ka, hindi ba?
Pero tuwing masasaktan ka, tandaan mo, na ang bawat pagkakamali at bawat sugat na matatamo ay siya ring magpapalakas sayo. Nasa sayo na yan kung anong klaseng lakas ang magiging epekto nito sayo. Pero maniwala ka man o hindi, pinapatatag ka nito bilang isang tao.
Oo, masasaktan ka kapag nagmamahal ka. Natural lang yan. Parte na yan ng buhay. Ang dapat mo na lang gawin ay lakasan ang iyong loob at harapin ang mga pagsubok nito. Wag kang sumuko, pilitin mong matuto.