Masarap ma inlove kasi ang sarap din ng feeling na may nag-aalaga sayo, may nag-aalala sayo, may natatakot na mawala ka sa buhay nila. Masarap ma inlove lalong-lalo na kapag mahal ka rin ng taong mahal mo. At kung ramdam mo talaga yung pagmamahal niya. Ang gaan ng feeling na may isang taong nagpapahalaga sayo ng sobra. Yung tipong magkakasakit ka lang, daig pa niya ang nurse sa pag-aalaga. Pinakagusto ko rin yung feeling pagkatapos ng away niyo na magkabati na kayo. Oo nga`t masakit kapag may bagay na hindi niyo napagkasunduan. Pero dahil sa nire-respeto niyo ang isa`t-isa at dala na rin ng sobrang pagmamahalan, nagagawa niyong humingi ng tawad at mapatawad ang isa`t-isa.
Mahirap ma inlove kasi may mga taong martyr at may mga taong manhid. May mga taong kahit sobrang nasasaktan na, patuloy pa rin sa pagmamahal sa isa kahit na minsan, eh harap-harapan na ang paggawa niya ng kasalanan. May mga tao rin kasing hindi makuntento sa isa. Masakit ma inlove lalong-lalo na kapag parang balewala ka naman sa taong mahal. Mas inuuna pa niya ang mga walang kwentang bagay kesa sayo. Masakit kapag di mo maramdaman na mahal ka nga niya. May mga taong nagpapakatanga sa pag-ibig lalo na kapag sobrang na-attach na siya dun sa isang tao. Magulo ang pag-ibig. Ang dapat mo lang alamin eh kung kelan ka lalaban at kung kelan ka susuko. Nakakatanga ang pag-ibig ika nga. Pero wala namang batas yun para panindigan mo ang pagiging tanga