Para sa akin depende ito.
May mga taong patuloy na aasa sa swerte. Tulad ng mga palaro sa mga variety shows. Lalo na sa palabas na Willing Willie. Dito pinapakita sa show na ito kung paano niya pamukha ang pera sa mga tao. Kung gaano niya pinagmumukhang mahirap ang bawat Pilipino.
Maganda ang mga game shows na tulad ng Who wants to be a Millionaire?, Game K N B, The Weakest Link at basta lahat ng Game Shows na may Trivia.
Dahil ito ang mga game shows na may mapupulot kang aral, hindi umaasa sa swerte, mga taong makakatulong sa atin malaman ang mga bagay na hindi natin alam. Hindi tulad sa mga variety game shows. Papahirapan pa ang mga taong mahihirap, patuloy na ipapamukha kung gaano kahalaga ang pera sa kanila.
Hindi na lang nila bigyan ng aral na magsikap para sa susunod hindi na sila pipila ng mahaba, hindi na aasa sa swerte at sila na mismo ang gagawa ng sarili nilang pera.