Pages

Friday, July 22, 2011

Palamigin muna ang ulo.

Sa isang relasyon, hindi maiiwasan ang away. Merong nagpapataasan ng pride, meron ding nagpaparaya. Kapag hindi na makayanan ang hidwaan, huwag niyong idaan sa santong paspasan. May iba kasing gusto na oramismo makuha ang gusto nila kaya madalas, umiinit ang ulo ng dalawa. At kapag parehas na mainit ang ulo ng dalawang nag-aaway, naku, mahirap itong ayusin. Pataasan ng pride, ng boses. Pababaan ng pasensya, lahat ng bagay, big deal na.

Kaya mas nararapat nang pakalmahin niyo muna ang inyong sarili. Kung pwede, wala munang magsasalita, wag niyo munang kausapin ang isa’t isa, hanggang may isa sainyong naglakas-loob na lunukin ang pride niya at handang mamansin. Kapag nagawa niyo ito, mas malaki na ang pagkakataon na maayos niyo ang problema. Tandaan niyong sa isang matinong usapan lamang magkakalinawan ang dalawang taong nagkakalabuan.

Minsan, bigyan niyo naman ng “space” ang isa’t isa para makapag-isip. Kapag nag-aaway kasi, kung ano ano nalang ang nasasabi, madalas, hindi na nakakapag-isip ng maayos. Basta may masabi lang, basta may maidepensa lang, basta maipagtanggol lang ang pride. Kaya dapat, huminahon muna kayo. Pag-isipan niyo, hindi ba’t mahal niyo ang isa’t isa? Kaya imbis na magsumbatan kayo, bakit hindi nalang solusyon ang isipin niyo? Kayo lang naman ang mahihirapan. Kayo lang ang masasaktan. dahil na simula ng minahal mo ung taong yan hindi ka na nag iisa my kadamay ka sa bawast oras. aalagaan niyo ang isat isa.