- Natututo kang mag-effort. Kahit minsan pakiramdam mo luging-lugi ka na, ginagawa mo pa rin dahil mas importante sayo na mapasaya siya.
- Nagiging sweet at corny ka at the same time. Tipong yung mga kakornihan na napapanuod mo lang sa tv noon ay nagagawa mo na. Natatawa ka na lang sa sarili mo.
- Nagiging makulit ka. Gusto mo lang naman icheck kung ano ang ginagawa niya sa oras na hindi kayo magkasama at magkausap. Kapag kasi wala kang idea, para kang napaparanoid at kung anu-ano naiisip mo. Ang tendency nangungulit ka dahil nag-aalala ko o sa kung ano pa man.
- Nagiging mapaghanap ka. Yung tipong gusto mo bawat araw makita mo siya gusto mo siya alagaan pasayahin at lambingin bawat oras.
- Naibibida mo siya sa halos lahat ng kakilala mo. Kulang na lang ipagbandera mo kung gaano siya kaokay. Lagi mo naisisingit ang pangalan niya ng di mo namamalayan. Gusto mo kasi bida siya sa paningin nila.
- Natututo kang babaan ang pride mo. Kahit siya ang may kasalanan, ikaw ang nagsosorry kahit dapat nagagalit ka. Hindi mo kasi kaya na magkatampuhan kayo.
Monday, June 27, 2011
Kapag importante siya sa iyo
Labels:
Usapang Puso