Pages

Thursday, March 29, 2012


Minsan, kapos pa rin ang " MAHAL KITA" lang

Dapat may effort kapag magsasabi ka ng “Mahal kita”, hindi ‘yung basta bastang sasabihin mo na mahal mo siya! Tipong, “Mahal kita effort!” o kaya, “Effort mahal kita!” o kaya singit mo sa gitna, “Mahal effort kita!” para may effort. Hihi.

Prideject 9

  • Ang PRIDE, sabon. Pambura ng mantsa, hindi ng relasyon.
  • Ang pagsasabi ng “Sorry” ay hindi ibig sabihin na nagkamali ka. Minsan, masbinibigyan mo lang ng importansya ang relasyon niyo kaysa sa iyong PRIDE.
  • Mahirap lunukin ang PRIDE… lalo na ‘pag bareta.
  • Ang PRIDE, parang underwear. Pag hindi binaba, walang mangyayari.
ma-iksi post dahil 8:00 am nasa Boni ako tapos nag punta ng Quezon City after Pasay. para ayusin ang Contract ko.. yes I'm so tired and i just want to sleep.. and just forget the world for a while. I thank God for keeping me safe .. I'm just scared all day being at one place that your not familiar all by your self., it's kinda hideous., 

i want to tell you something tomorrow when u wake up just say this

"Dear God,  

Today i woke up,  I am healthy, I am alive, Thank you"   

Monday, March 26, 2012

babasahin mo ba o babaliwalain mo?

FAITHFUL VS LOYALTY.
Ano ang pagkakaiba ng mga salitang FAITHFUL sa LOYAL?


Faithful   - true to one’s word, promises, vows.
Loyal - characterized by or showing faithfulness to commitments, vows, allegiance, obligations.


Ano ang mas importante sa isang relationship? faithfulness or loyalty?
May nagsabi na mas maganda kung magiging faithful ka. Kung alam mo sa sarili mo na mahal mo talaga yung taong yun, okay lang na mambabae/manlalaki ka. Para bang gagawin mong “past time” yung mga fli-flirt mo. Syempre, kaya lang naman daw nila nagagawa yun at talaga nilang nagagawa yun para daw hindi mo pagsawaan agad yung taong mahal mo. At the end naman, siya pa rin daw ang mahal mo. bullshit na paniniwala!.


Ang problema: pano kung ma-fall ka ng bongga dun sa fini-flirt mo?


Patay tayo dyan. Di mo naman mapipiit ang nararamdaman mo. Kaso syempre, maaawa ka dun sa isa mong iniwan. Parang masama ang dating mo sa kanya nun. Hindi pala parang, masama talaga. pero eto lang ang masasabi ko. siguro, talagang ganun ang buhay. minsan nakakaloko talaga. Hindi mo naman sinasadya na magkaganun e. Sabi mo sa sarili mo nung una na “past time” lang ang gagawin mo sa kanya. Pero sa huli, nakain mo din ang mga sinabi mo. oo, ikaw yung mas me malaking nagawang pagkakamali kasi ikaw yung nagloko e. Pero yun nga, alangan naman na ipilit mo pa yung sarili mo sa kanya, di ba?Meron namang nagsabi na mas mahalaga daw ang maging loyal ka sa taong mahal mo. "Dapat siya lang, wala nang iba. Wala nang eentra, wala nang eepal pa. Kung mahal mo sya, sige panindigan mo. Pakita mo yung buo mong pagmamahal sa kanya. i-prove mo sa kanya na sya lang ang number one sa buhay mo. Hindi ka gagawa ng kung anu mang kalokohan sa kanya. hindi ka mangagaliwa, hindi ka kukuha ng past time."


 Ipakita mo na loyal ka, wag sa sobrang paraan. basta, wag ka nalang mangako. gawin mo nalang. Para naman walang masabi sayo, di ba? at least di mo man nagampanan lahat, nai-try mo at naibigay mo yung best mo. Wag yung sobrang nagpapaka-”cheesy” ka na sa mga salita mo sa text or sa personal. Oo, nakakakilig nga yung ganun sa isang tao. pero pag naman nasobrahan, parang nakakakilabot na yun.


Kung tutuusin kasi, halos parehas lang sila ng meaning. Ang loyal ay connected sa salitang faithful. so, hindi magwowork ang salitang loyal kung walang faith, di ba? synonym sila sa isa’t isa. try nyo na rin tingnan sa thesaurus. Kunsabagay, kahit na i-apply mo ang pagiging faithful or loyal mo sa isang tao, hindi nyo pa rin maiiwasan ang magkaron ng conflicts. walang perfect relationship, sa totoo lang.

Sunday, March 25, 2012

Sa Ikaaayos ng Mundo, 'Wag Mag-Sando!

dalawang klase ang lalaking Pinoy na nagsasando: isang nagsusuot nito dahil sobrang naiinitan, at isang nagsusuot nito dahil gusto lang ipagmayabang ang mga braso nila. Oo nga naman, di ba? Magkakaluslos ka na sa pagwe-weights tapos hindi mo ipagmamalaki sa buong sangkatauhan? Tama?
Leche!
Ang pagsuot ng sando sa mga pampublikong lugar—gaya at lalo na ng mga restaurant—ay nagdudulot ng matinding alibadbad sa iyong kapwa. Hindi nakakatuwang makakita ng mabuhok na kili-kili at sandong nagmamakaawa na sa sobrang sikip.

Sa kalagitnaan ng banta ng lindol at tsunami at kasama ang gulo sa Middle East, isang isyu ang kailangan nating talakayin. Ito ang salot na matagal nang naghahatid ng lagim sa puso ng ating magulong lipunan: mga lalaking nagsusuot ng sando sa mga mall at restaurant.
RULE #1. PAG NASA PUBLIKONG LUGAR, ‘WAG MAGSUSUOT NG SANDO
Pero may mga exceptions:
• Basketball player, boksingero, mixed-martial arts fighter, at ikaw ay nasa laro o lugar ng ensayo
• Gym instructor
• Rapper
• Mangangalakal ng diyaryo-bote
• Tambay sa kanto
•Matador sa palengke
•Small-time na drug pusher sa Tondo at Culiat
• Sidewalk vendor sa Divisoria
• Construction worker
•Call boy
• Freddie Mercury (R.I.P)

RULE #2. Eto lang ang mga lugar na puwede kang magsando:
•Gym
•Bahay
• Lansangan— Provided na hindi ka sasakay sa anumang uri ng public transport— exception:pedicab at kuliglig, pero dapat solo ka lang at walang kasakay na ibang pasahero. Sa loob ng jeep, malaking kasalanan ang ibuyangyang ang kili-kili mo sa napakasikip at napaka-init na espasyo.

Hindi uubra ang palusot na, “Eh athlete ako eh!”

Tol, kahit nga si Michael Jordan na pinakamagaling na basketbolista sa buong mundo ay hindi nagpapa-interview sa press sa loob ng locker room na nakasuot lang ng tuwalya. Haharap siya sa media sa isang pormal na presscon na naka-Amerikana. May koneksyon ba ang pagiging disente sa pananamit sa galing sa sports? Baka meron. Baka wala. Pero sa bilyon-bilyong dolyar na kinikita ng taong ‘to, kung tutuusin mo, ang dali-daling mambalasubas sa pananamit. Di ba? “Pakialam ko sa inyo? Ako si Michael Jordan!” Si Jordan na yun. Ano pinagmamalaki mo? Nakaka-bench press ka ng 300?

Kahit sino ka man, wala ka pa ring karapatang magsando pag pumasok na sa Robinson’s Galleria, Mall of Asia (Starmall o kaya Farmers’ Plaza baka puwede pa) o kaya sa restaurant— sosyal man o pinaka-jologs. May dahilan kung bakit may aircon ang mga lugar na ito: hindi lang para magbigay-lamig, kundi upang pigilan ang mga tulad mo sa pagsuot ng walang kadangal-dangal na damit na ito. Alam ng mga sosyalin na mall and club owners ‘yan: kaya nga may sign sa pinto na NO SANDO, NO SLIPPERS ALLOWED. Pansinin: laging nauuna ang “NO SANDO.” Pero ang malupet na kombinasyon ng sando at chipanggang tsinelas ang ganap na magbubura ng anumang bakas ng respeto sa iyong pagkatao.

Puwera na lang kung: ikaw ay nasa Boracay. In which case, wala akong pakialam kahit nakalabas ang itlog mo habang humihigop ka ng mango shake sa Station One.

RULE #3. KUNG DI MAKAYANANG MAGSANDO, MAMILI KA NAMAN NG MAAYOS-AYOS.

Lalong lalo na ang square neck na sando, o ang tinatawag nilang “fetuccine” straps— ang nakakatawang uri ng sando na imbes na pabilog ang kuwelyo ay puro diretso lang. Kaya mukhang tanga—mukhang apron. Kailanma’y hindi ito magiging kasuotan ng tunay na lalaki. Hindi lang ‘yun. Ito talaga’y masakit sa mata. Lalo na kung kulay kalawang ang buhok mo. Puwera na lang kung ang trabaho mo’y mag-abang ng parokyano sa kanto ng elliptical road sa kadiliman ng gabi.

Basketball jersey? Sando pa rin yun, kahit na sabihin mong imported at mamahalin ang suot mong Miami Heat na jersey. Kahit pa mukha ka nang pawnshop sa sobrang dami ng bling. Sasabihin mo: “Eh hiphop ako eh.” Baka mapatawad pa siguro ng taong bayan kung medyo maluwag ang suot mo— sa isang baduy na club sa Tomas Morato sa QC.

RULE #4. KUNG TALAGANG IKAMAMATAY MO PAG DI KA NAGSANDO, SIGURADUHING WALANG ASIM ANG KILI-KILI
Self-explanatory.

RULE #5. PUCHA. 'TOL, KUNG MAPIPIGILAN MO, WAG KA NANG MAGSANDO
Napapansin mo na minsan hindi ka ginagalang ng security guards ng ilang establisyimento? Ang respeto sa sarili ay nagmumula sa iyong kasuotan. Mababaw ba masyado?

Punyeta, HINDI! Una kang pupunahin ng kapwa mo sa iyong panlabas na anyo. Tama na yang pa-jeproks-jeproks na yan.

Mahirap sabihin na dalisay ang iyong kalooban kung nakikita naming ang kili-kili mo na may mga tinga-tinga pa ng mumurahing deodorant.

Naiintindihan ko na mainit talaga sa Pilipinas, at kadalasan ang mahabang manggas ay walang naidudulot para ibsan ang problemang ‘to. Pero, ‘dre, marami nang paraan ng pagpapalamig ngayon— kaya nga tayo binigyan ng diyos ng utak. Mainit? Kumain ng halo-halo. O kaya, maligo ka.

Dear Girls,

I know growing up as a child you all dreamed of having your own Prince Charming, like the ones on fairy tale books and Disney movies that paint a picture of a perfect man who’s tall, dark and absolutely handsome. Someone who’s kind, considerate, charming but slightly mischievous. Someone you’d fall in love with instantaneously and live happily ever after with.

As you got older though, your idea of Prince Charming was slowly changing thanks to those stereotypical romantic (comedy) movies. To you, he is still like the Prince Charming you’ve known back then but a little more. He’s sweet, he’s romantic and he’s funny. He’s understanding, quirky and everything you’ve ever dreamed of. He’s someone you’d willingly go through everything with, through the ups and downs, just so you both can end up happily together.

You were taught by those novels and movies that guys are supposed to make all the important first moves, that we are supposed to sweep you off your feet and then we’d fall madly in love with each other. You play hard to get while we try our best to be a gentleman.

Truth is, it usually doesn’t work out that way. People aren’t perfect. Not everyone has the guts to say what they truly feel. Not everyone is brave enough to accept rejection. Not everyone is fortunate enough to be loved by the person they love. And people don’t always have the best intentions. Some stay awhile. Some don’t.

But although it’s kind of messed up, and far from the movies, your Prince Charming will come someday. Perhaps not in a horse, in a carriage or in a sports car. But chances are, he could be just walking on bare foot towards you and you won’t even notice it yet, because certain things take time.. and some things happen within a blink of an eye.

And ladies, one more thing. Don’t wait around for Prince Charming to come like you’re a damsel in distress. Because you’ll never know that while you’re waiting on the top of your tower, you won’t be able notice the guy who would do anything for you down the staircase. Sometimes you have to go looking for yourself. It’s better to come across with someone who might change your life than just to wait around for someone who might never come.

Sincerely,

Me

Monday, March 12, 2012

Paibayuhin – Pag-aaral at Pagsasalita ng Sariling Wika

Matagal nang nangyayari ang ikinatatakot ng mga eksperto sa pag-aaral ng iba’t-ibang wika. Hindi lamang ang mga hayop at halaman ang permanenteng nawawala (extinction) dito sa mundo, pati na rin ang mga lenggwahe.

Noon pa lamang sa panahon ng mga mananakop na Romano, at gayun din sa iba’t-ibang parte ng mundo, ay tinuturuan at hindi-diretsahang pagpilit ng pag-aaral ng kanilang wika sa kanilang nasasakupan. Oo, hindi lamang relihiyon, uri ng pamumuhay, uri ng pagpapalakad ng gobyerno at imperyo; pati na rin ang lenggwahe ng mga mananakop ay ipinapalaganap nila sa kanilang mga nasasakupan. Mas lumala pa ito noong dumating ang Panahon ng Eksplorasyon, kung saan ang mga mananakop na Portuges at Kastila. Pati na rin ang mga mananakop na Ingles, Pranses, Aleman, Dutch, at iba pa ay ginawa rin ito sa kanilang mga nasasakupan.

Ngunit, isang magandang ideya ang naisip ng mga mananakop na Kastila. Napag-alaman at na-obserbahan nila na mabilis silang nakasasakop ng mga dayong lupain kapag sila mismo ang nag-aral at gumamit ng wika ng mga tribo at teritoryong kanilang nasasakupan. Isa itong magandang pangitain sa lagay ng wika ng mga nitibo. Gayunpaman, sa lagay ng Pilipinas, mukhang nahirapan ang mga mananakop na pag-aralan ng mabuti sa wika at uri ng alpabeto at pagsusulat ng mga sinasakop nila. Mas madali para sa kanila na gamitin ang Latinong alpabeto habang sabay na ginagamit at sinasalita ang wika ng mga nitibong taong nakatira sa mga isla ng Pilipinas. Kaya’t ipinalaganap nila ang Latinong alpabeto kapalit ng nakasanayang Alibata. Mas naging madali nga ang komunikasyon sa pagitan ng dalawang panig, ngunit nabahiran pa rin ang isa sa parte ng kanilang kultura.

Dahil sa mabilis na pag-usbong ng globalisasyon, modernisasyon at impluwensya ng mga dayuhan sa maraming bansa sa mundo, kinailangan nila na makisabayan sa galaw ng bawat nasyon (pagiging globally-competitive). Umusbong na nga ang Ingles bilang wikang unibersal. Kinilala naman ito ng halos, kung hindi, lahat ng organisasyong internasyunal sa mundo. Napipilitan na naman ang marami na pag-aralan ito.

Kung ating susumahin ang pagkakatulad ng mga bansang mauunlad, isa sa mga mapapansin natin ay ang kanilang wikang ginagamit. Sariling wika ng kanilang sariling bansa ang kanilang ginagamit. Aleman ang opisyal na wika ng Alemanya, Pranses sa Pransya, Bahasa Melayu sa Malaysia, Rusyo sa Rusya, at marami pang iba. ‘Yan pa lamang ay pinatutunayan na na hindi natin kailangang pag-aralan ang wika ng ibang kultura upang umunlad. Marahil nga ay malaking oportunidad ang maaaring dala nito sa atin sa pandaigdigang estado, ngunit hindi naman talaga ito esensyal. Nakalulungkot lamang at tinatangkilik pa ng marami ang mga gawa at kanta ng mga dayuhan kesa sa sarili natin. Talagang mahihirapang umunlad bansa. Ngayon, pati na rin ang mga rehiyunal na lenggwahe ay nanganganib na rin na mawala dahil sa malakas na impluwensiya ng Tagalog sa bansa. Minamaliit kasi ng marami ang mga taong may accent dahil kakaiba ito sa kanila. Natural lamang ‘yon, pero kailangang respetuhin. Kaya may tinatawag tayong rehiyunalisasyon upang malaman natin ang ating pagkakakilanlan. Mayroon tayong sari-sariling mga wika at dapat natin itong pag-aralan, paibayuhin at parating gamitin. Ito ay isang napalaking parte ng ating kultura. Magiging isang masaklap na pangyayari sa buhay ng isang tao ang pagkakalimot ng kanyang wikang kinalakhan dahil sa paggamit ng ibang wika. Nararapat na na magkaroon na lamang na iisang lenggwahe kung saan ay pwedeng magkaintindihan ang lahat. Ang importante ay ang pag-preserba ng sariling wika.

Sunday, March 11, 2012



HoldingHands. Feeling ko kapag hawak hawak ako ng taong mahal ko, safe na safe ako. Pag bigla niyang kukunin ang kamay ko, feeling ko proud na proud siyang ako yung taong mahal niya. Para sakin yung holding hands while walking isa sa pinakasweet na part na ginagawa ng magBF/GF. Wala, basta sweet lang talaga yun sakin at bigdeal yun para sakin. Hindi pwede yung kapag nagkita kami tapos walang holding hands, baka mabatukan ko lang siya. CHAROT.

Here is a guy choosing the BEST shoes for his girl. Photo taken last Friday. I was looking for some shoes at the mall when suddenly, he got my attention. He was asking the saleslady, “Miss, okay lang ba yung color? Or itong isa na lang?” The saleslady answered, “Para kanino po ba?” and he said, “Sa girlfriend ko. Birthday nya eh.” So I immediately looked for my phone and took this photo. Kinabahan pa nga ako kasi there’s that mirror in front of him. I was thinking, baka mahuli nya ‘ko and baka kung ano pa isipin nya sakin. HAHAHA. Okay fine, here’s the thing.

I always dream kasi of receiving shoes from a guy. Or lets say, from the guy I love :>

Kudos para sa’yo, kuya! Swerte nya. :)

Para sakin the best ung mga lalaking


  1. Mas pipiliin kang makasama kesa sa mga kaibigan niya o tropa niya. Yung tipong halos lahat ng oras sayo na napunta at wala ng oras sa mga kaibigan nya.
  2. Maipagmamayabang ka. Astig neto kasi parang pinaparating niya lang “Akin lang siya. At ako sakanya lang” Parang ganyan. At pinagmamalaki ka nyang mahal na mahal ka nya.
  3. Hindi nagpapadala sa suhol ng mga kaibigan. Hindi ko siya ganung maExplain. Pero ito yung bagay na kahit anu sitwasyon alam niya pa din anu ang tama sa hindi.
  4. Hindi ka sasabayan kapag mainit yung ulo mo. Sa halip, susuyuin ka. Lalambingin ka pa lalo at uunawain ka. Lalo na sa sitwasyong meron kang period.
  5. Gentleman. Hm, mostly ito yung ugaling gustong gusto ng girls e. Yung tipong katulad nalang sa pila. Papaunahin ka mga ganyan o kaya naman… May nahulog kang gamit tapos siya yung pupulot.
  6. Ililibre ka. Ililibre ka kahit alam naman nyang may pera ka. Nakakahiya pero hindi mo talaga to matatanggihan e. Kasi ayaw ng mga lalaki na pinapagastos ang babae kapag kasama sila.
  7. Marunong makisama sa tao. Cool kasi mas nagiging friendly pa siya.
  8. Ikwekwento ka sa barkada niya, sa mga magulang niya, sa pinsan o kung sino man. the best to kasi mas pinaparating niya o pinapaalam niya sa iba kung gaano ka niya kamahal.
  9. Hindi nagsasawang pakiligin ka. yung tipong araw-araw may mga banat siya na talagang mapapangiti ka. Yung hindi siyang nakakalimot na iremind ka kung gaano ka niya kamahal.
  10. Tutulungan ka sa mga bagay kung saan ka nahihirapan. the best rin to kasi parang ang meaning, gagawin niyo ito o haharapin niyo ito ng magkasama. Magtutulungan kayo.
  11. Hindi madaling sumuko. Like yung situation na, galit ka. Tapos nakaabot na ng ilang araw di parin kayo nagbabati pero nagawa siya ng paraan para magbati kayo. 
  12. Ma-Effort. 2nd mostly na nagugustuhan ng babae sa lalaki. Yung tipong araw-araw nag eeffort siya para mas mahalin mo pa siya.. Na para magtagal yung relasyon nyo.
  13. Kakaibiganin at kikilalanin o iclo-close yung mga taong mahahalaga sa buhay mo. Especially yung mga kaibigan mo at parents mo at kapatid mo at marami pang iba.
  14. Hindi nagpapadala sa panlalandi ng ibang babae. Yung tipong ang supla-suplado niya sa ibang babae. Hindi nya gnaung pinapansin ang mga ito. Yan mga ganyan.

Saturday, March 10, 2012

Yung taong naging dahilan ng pagngiti mo pagkagising sa umaga, ay naging dahilan rin ng pag-iyak mo sa gabi.

Kapag tayo ay nahulog sa isang tao ng sobra-sobra, tila para tayong lumulutang sa mga ulap. Pero kapag nawala naman ito satin, para ka ring bumagsak sa lupa mula sa ulap na iyon. Hindi nga naman perpekto ang lahat ng bagay sa mundo, hindi nga naman natin pwedeng makuha ang lahat ng ating ginugusto. Pero hindi ibig sabihin, na hindi na tayo sasaya dahil dito. Dahil kung nawala man satin ang taong minahal natin, siguro, hindi sila para satin. Siguro, hindi pa ngayon. O kaya naman, siguro, may ibang taong nakalaan talaga para satin. Walang nakakaalam kung sino, o kung kelan, o kung nasaan sila. Darating nalang bigla ng hindi natin namamalayan.

Kaya kung ngayon ay iniisip mo na sinayang mo ang lahat ng luhang iniyak mo ng ilang gabi, nagkakamali ka. Bawat luha, binigyan mo ng halaga. Bawat luha, may kapalit na mga ngiti. Hindi mo man makita pa ngayon ang taong para sayo, darating at darating yan. Matuto ka lang maghintay

Thursday, March 8, 2012

Life is short, so break the rules and have fun!

My own opinion about this statement:

Yeah it’s true that life is short and we should have fun, we should experience cool things once in a while but breaking the rules? You really think there’s fun in breaking the rules? I mean, look if I did break the rules, maybe the person I hate isn’t alive right now. Maybe I’d be caught up in jail for more than 20 years and maybe I’d be a drug addict walking in the streets.

Breaking the rules, like what? Disobeying your parents? Bringing up much burden to them? Is that fun? Slipping from school, and wasting lots of money your parents payed in school for you to learn? Getting wasted in alcohol and waking up in a motel with a stranger? Or turning 18 and you already have a kid? Is that fun?

You know, You can have fun without breaking any rules. You can have fun by engaging into extreme sports like Sky Diving, Scuba Diving, Mountain Climbing, Bungee Jumping, Cliff Jumping, watching a baseball game or beach with your friends. That’s fun right? You can make fun memories without bring a burden to anyone.

This is just my opinion.