FAITHFUL VS LOYALTY.
Ano ang pagkakaiba ng mga salitang FAITHFUL sa LOYAL?
Faithful - true to one’s word, promises, vows.
Loyal - characterized by or showing faithfulness to commitments, vows, allegiance, obligations.
Ano ang mas importante sa isang relationship? faithfulness or loyalty?
May nagsabi na mas maganda kung magiging faithful ka. Kung alam mo sa sarili mo na mahal mo talaga yung taong yun, okay lang na mambabae/manlalaki ka. Para bang gagawin mong “past time” yung mga fli-flirt mo. Syempre, kaya lang naman daw nila nagagawa yun at talaga nilang nagagawa yun para daw hindi mo pagsawaan agad yung taong mahal mo. At the end naman, siya pa rin daw ang mahal mo. bullshit na paniniwala!.
Ang problema: pano kung ma-fall ka ng bongga dun sa fini-flirt mo?
Patay tayo dyan. Di mo naman mapipiit ang nararamdaman mo. Kaso syempre, maaawa ka dun sa isa mong iniwan. Parang masama ang dating mo sa kanya nun. Hindi pala parang, masama talaga. pero eto lang ang masasabi ko. siguro, talagang ganun ang buhay. minsan nakakaloko talaga. Hindi mo naman sinasadya na magkaganun e. Sabi mo sa sarili mo nung una na “past time” lang ang gagawin mo sa kanya. Pero sa huli, nakain mo din ang mga sinabi mo. oo, ikaw yung mas me malaking nagawang pagkakamali kasi ikaw yung nagloko e. Pero yun nga, alangan naman na ipilit mo pa yung sarili mo sa kanya, di ba?Meron namang nagsabi na mas mahalaga daw ang maging loyal ka sa taong mahal mo. "Dapat siya lang, wala nang iba. Wala nang eentra, wala nang eepal pa. Kung mahal mo sya, sige panindigan mo. Pakita mo yung buo mong pagmamahal sa kanya. i-prove mo sa kanya na sya lang ang number one sa buhay mo. Hindi ka gagawa ng kung anu mang kalokohan sa kanya. hindi ka mangagaliwa, hindi ka kukuha ng past time."
Ipakita mo na loyal ka, wag sa sobrang paraan. basta, wag ka nalang mangako. gawin mo nalang. Para naman walang masabi sayo, di ba? at least di mo man nagampanan lahat, nai-try mo at naibigay mo yung best mo. Wag yung sobrang nagpapaka-”cheesy” ka na sa mga salita mo sa text or sa personal. Oo, nakakakilig nga yung ganun sa isang tao. pero pag naman nasobrahan, parang nakakakilabot na yun.
Kung tutuusin kasi, halos parehas lang sila ng meaning. Ang loyal ay connected sa salitang faithful. so, hindi magwowork ang salitang loyal kung walang faith, di ba? synonym sila sa isa’t isa. try nyo na rin tingnan sa thesaurus. Kunsabagay, kahit na i-apply mo ang pagiging faithful or loyal mo sa isang tao, hindi nyo pa rin maiiwasan ang magkaron ng conflicts. walang perfect relationship, sa totoo lang.