Dadating din ‘yung pagkakataon na makilala mo ‘yung taong alam mong para sa’yo talaga. Soul mate mo sabi nga nila. Kahit na hindi ka naniniwala sa mga ganyang ka-cornyhan magugulat ka na lang dadating siya bigla sa’yo. Kahit na ano pang sabihin mong standards mo, mababaliwala lahat ng ‘yun ‘pag nakita mo na siya. ‘Pano mo nga ba malalaman na siya na ‘yun? Depende kasi ‘yan, pero para sa akin eh mararamdaman mo na lang bigla ‘yun. Alam mo ‘yung pakiramdam na hindi mo ma-explain? ‘Yung pakiramdam na hindi mo mailagay sa mga salita ‘yung nararamdaman mo? ‘Yung kakaibang saya at satisfaction? ‘Pag naramdaman mo ‘yun, masasabi kong siya na nga ‘yung taong hinahanap mo.
Pero minsan, hindi din naman maiiwasan na kahit na naramdaman mo ang mga bagay na ‘yan eh hindi pa din kayo nagkatuluyan. Kung baga, na sa inyo naman ‘yun kung kaya niyong ipaglaban ang pagmamahal niyo para sa isa’t isa. Pero hindi din naman sapat ‘yung pagmamahal lang para umabot kayo dun sa tinatawag nilang ‘forever’, kailangan andun pa din sa inyo ‘yung ‘spark’ na tinatawag. Kung nakita mo na nga ang taong para sa’yo tapos hindi pa din kayo nagkatuluyan, ibig sabihin lang nun eh nagkamali ka at akala mo siya na talaga.
Magugulat ka na lang kasi kung ano pa ‘yung hindi mo ine-expect na timing o lugar eh doon mo siya maaaring makilala. Pwede mo siyang makilala kahit ‘san, kahit maging sa internet man. Wala naman kasing pinipiling lugar, oras ang pag-ibig. Bigla mo na lang mararamdaman ‘yun at kahit na anong gawing pigil mo eh wala ka ng magagawa. Magkahiwalay man kayo sa hinaharap pero kung kayo talaga sa isa’t-isa, ‘wag niyong hayaan na tadhana lang ang gumawa ng paraan para doon. Kailangan gawin niyo pa din ang part niyo para lang matupad niyo ang pangarap niyong kayo na nga hanggang dulo.
Sobrang magical ang love. Isa ‘yan sa mga natutunan ko. Kahit na hindi ka corny, magiging corny ka. Hindi lang magical, weird din siya. Pero masasabi mong weird yet it’s amazing. ‘Pag nasabi mo na ‘yang mga ‘yan sa sarili mo, ‘yan na nga ang matagal mo ng iniintay.