Pages

Friday, July 29, 2011

Yung pakiramdam na umiiyak yung lalake sa harap mo?


Sa mga oras na yun, hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Pero ang alam ko, umiiyak siya ng dahil sa akin. Sa mga oras na nag-aaway kami, ramdam ko ang pagmamahal nya para sa akin. Ramdam ko ang mga bagay na matagal na nyang sinasabi sa akin. Ramdam kong totoo ang salitang “I love you” at “Hindi kita kayang iwan.”.

For the record, ngayon lang ako nakaranas ng ganito. Ang iyakan ka mismo sa harap mo ng taong mahal mo. Oo, naiyakan na ako sa harap ko minsan, pero galing sa taong di ko naman gusto. Iba pala talaga ang feeling kung taong mahal mo na. Masakit, masaya, masarap sa pakiramdam, nakaka-guilty at nakakaiyak. Mixed emotions kumbaga.

sa bawat pagpatak ng luha nya, pupunasan mo kasabay din ng pagpatak ng luha mo. Iniintindi ang bawat salita nya. Iniintindi ang bawat hinaing nya. Iniintindi lahat ng nararamdaman nya. Masakit isipin kasi napaiyak mo siya. Masaya kasi iniiyakan ka nya. Masarap sa pakiramdam kasi ramdam mo na totoo siya. Nakaka-guilty kasi ikaw ang dahilan at nakakaiyak kasi mahal mo yung tao at ramdam mo ang sakit na nararamdaman nya.
Minsan ka lang magkakaroon ng lalakeng iiyak sa harap mo. Minsan ka lang makakakita ng lalakeng hindi mataas ang pride at hinding hindi ka iiwan. Kumbaga, limited edition na yung mga ganyang tipo. Kaya kung nandyan na mismo sa’yo. Bibitawan mo pa ba? Kung alam mo ng sa piling nya, dun ka lang makakaramdam ng tunay na saya?