Pages

Tuesday, July 19, 2011

Mga uri ng kunwaring nakikinig na Estudyante

Tungo ng Tungo - Kapag nakatingin ang titser, tutungo ito ng tutungo, kunwari nakikinig. Akala mo iskolar kung makatungo, kahit naman walang dapat itungo eh tutungo talaga ng tutungo. Napaghahalataan na walang naiintindihan.

Time Machine - Eh paano tingin ng tingin sa oras, gusto ata gumamit ng time machine, gustong i advance ng 1 oras yung oras para matapos na yung kinakatamaran na subject niya. O kaya naman baka gusto niyang i advance na ng 6 na oras para uwian na agad? Ito yung mga taong sobrang naboboring dahil nakakatamad mag turo ang guro.

Take Down Notes - Aba iskolar epek ang kaklase mo! Talagang lahat ng matatalinhagang salitang binitawan ng iyong guro eh sinusulat niya, minsan ang masama dito hindi naman niya binabasa, enjoy lang siya talaga mag sulat siguro para hindi antukin. Pero at least nga naman may ginagawa at hindi nag mamalinis.

Tungo + Hawak Cellphone - Aba matindi, naka abante para natatakpan ng kaklase niya ang kamay niya para hindi mahalata ng guro na nag tetext lang pala siya. Tapos kapag nakapareply na siya tutungo siya para kunwari nakikinig.

Patanong tanong effect - Yung mga taong hindi nakikinig, minsan magtatanong kung ano yung huling napakinggan para kunwari nakikinig at talagang kaklaruhin pa nila kung ano yung sinabi para kunwari daw na gusto nilang matutunan.

Lilipat sa unahan - Kunwari hindi napapakinggan ang guro, yun pala makikipag chikahan lang. Sa mga lalake magtatanong kung ano ang magandang item kay Sven sa Dota, Kung dapat ba lagyan ng Dagger si Earthshaker at marami pang iba. Sa mga babae naman syempre ang walang katapusang Lovelife 101. Tipong hinatid pa daw siya ng crush niya sa fishbolan at nilibre ng kikiam. O diba ang sweet?